• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Ang binoboto mo ay representation ng pangarap, values, at pinaniniwalaan mo — Dingdong Dantes

Angelo A. Sanchez by Angelo A. Sanchez
May 3, 2022
in Balita, Eleksyon, Features, National / Metro
0
Ang binoboto mo ay representation ng pangarap, values, at pinaniniwalaan mo — Dingdong Dantes

Larawan: Screengrab mula sa YouTube ni Bianca Gonzalez

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

May mahalagang mensahe ang Filipino host-actor at advocate na si Dingdong Dantes sa mga botante para sa darating na lokal at nasyonal na eleksyon sa Mayo 9.

Sa panayam ni Bianca Gonzales-Intal sa kanyang YouTube channel, personal na nakipagtalakayan si Dingdong Dantes upang sagutin ang tanong na “Paano ba pumili ng mga iboboto?” isang special talk episode na tumutulong linangin ang kaisipan ng mga botante upang pumili ng karapat-dapat na kandidatong ihahalal.

Para kay Dingdong, ang darating na eleksyon ay isa sa pinakamahalagang halalan ngayong henerasyon dahil nakasalalay dito ang recovery hindi lang ng Pilipinas kundi ng buong mundo.

“Ang base sa mga observations ko and discernment, sa palagay ko, ito ay isa sa pinakamahalagang eleksyon ng ating henerasyon. ‘Yung upcoming elections is really about ‘yung recovery — socio-economic recovery — hindi lang ng bansa, kundi ng buong mundo. Pero syempre, focus lang muna tayo dito sa atin,” ani Dingdong.

Dagdag pa niya, magiging makahulugan ang resulta ng halalan dahil nakasalalay dito ang hinaharap ng mga kabataan, at ang mga susunod na lider ang haharap sa kasalukuyang problema tulad ng pandemya.

Aniya, “Higit sa lahat, like what you said, it’s about the future of our children. This is about choosing a kind of leadership whom we think we deserve and is capable of addressing the challenges of the pandemic and all the other problems.”

Kaya naman, ibinahagi na rin ni Dingdong ang kanyang paraan sa pagpili ng ibobotong kandidato. Inilarawan pa niya ang kanyang proseso ng pagpili nang tulad sa pag-aaral niya ng script tuwing siya ay umaarte.

Nakapaloob sa kanyang proseso ang tatlong dapat tandaan: plan, discernment, at act.

Ani Dingdong, sa pagpili ng bagong lider, nakapaloob dito ang pagre-research — mula sa mga credible source — paghahanap ng inspirasyon, pakikipag-usap sa mga tao higit lalo ng mga vulnerable, at alamin ang sentimento ng pangkalahatan.

Pasok naman sa discernment ang pagse-set ng values na nais mo sa isang lider. Para kay Dingdong ang lider na nais niya ay may integridad, competent, may pagpapahalaga sa humanidad.

At higit sa lahat, ani Dingdong, mahalaga ang act na kung saan ay ine-excercise ang karapatang bumoto.

Aniya, “Para sa atin, for us citizens, it is our part to execute our right to vote and this is our part to prove that we are responsible citizens in participating in this democratic process.”

Giit naman ni Dingdong, hindi natatapos ang responsibilidad ng bawat isa pagkatapos ng eleksyon dahil manalo man o matalo ang kandidatong sinuportahan ay dapat na pinaninindigan ng bawat isa ito.

“Kailangan win or lose papanindigan mo ‘yung kandidato mo. Kasi ang binoboto mo ay representation ng pangarap mo. Ito ay representation ng values mo, representation ng paniniwala mo. Hindi mismo ‘yung tao lang because ‘yung taong ito ang maaaring magdadala sa iyo o sa buong bansa doon sa paniniwalang ‘yun,” saad ni Dingdong.

“So, sana ‘wag mong bitawan ‘yun. Matalo man o manalo, syempre ibig sabihin, you also have to be responsible of your vote. Kung ‘yung taong binoto natin ay nanalo at gumawa ng mabuti, then susuportahan natin. Pero kung ‘yung taong binoto natin ay hindi na tumugma doon sa expectations, syempre, we call them out. Kasi kailangan responsable ka rin doon sa paniniwala at paninindigan. So it does not end on May 2022. It i a continuing process na dapat hindi tayo mapagod. Kasi hindi lang ‘to parang one time thing na because everybody is excited and all of sudden, bibitiw tayo dahil tapos na,” dagdag pa niya.

Lubos namang nagagalak si Dingdong sa nagaganap na volunteerism na aniya, nawa’y ipagpatuloy pa ng publiko.

Hiling naman niya na maging mapayapa, maayos, at “credible” ang resulta ng darating na halalan.

Tags: Bianca Gonzalezdingdong dantes
Previous Post

Church of Latter Day Saints, nag-donate ng Bio-Thermal Packaging Units at vaxx cards sa DOH-Ilocos

Next Post

Bakit ko iboboto si Mark Villar?

Next Post
Bakit ko iboboto si Mark Villar?

Bakit ko iboboto si Mark Villar?

Broom Broom Balita

  • Comelec: Accuracy ng RMA para sa Eleksyon 2022, nanatili sa 99.9%
  • Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA
  • Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan
  • Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”
  • Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Comelec: Accuracy ng RMA para sa Eleksyon 2022, nanatili sa 99.9%

May 24, 2022
Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA

Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA

May 24, 2022
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan

May 24, 2022
Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

May 24, 2022
Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

May 24, 2022
Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

May 24, 2022
“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

May 24, 2022
OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

May 24, 2022
Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

May 24, 2022
Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

May 24, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.