• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

“Takot ka sa Presidente o sa boss mo, pero hindi ka takot sa Diyos?”— Karen Davila

Richard de Leon by Richard de Leon
May 2, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
“Takot ka sa Presidente o sa boss mo, pero hindi ka takot sa Diyos?”— Karen Davila

Karen Davila at Sen. Leila De Lima (Larawan mula sa Manila Bulletin/Balita)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

May makahulugang tweet si ABS-CBN news anchor Karen Davila ngayong Mayo 2, na bagama’t wala siyang pinangalanan, ay ipinagpalagay na patungkol sa sitwasyon ni senatorial candidate at re-electionist Leila De Lima, na kasalukuyang nakapiit pa rin.

Matatandaan na nauna nang binawi ng umano’y drug lord na si Rolan “Kerwin” Espinosa ang kaniyang testimonya na nakipag-ugnayan siya sa nakakulong na si Senador Leila De Lima sa ilegal na droga.

“I have no dealings with Sen. De Lima and I have not given her any money at any given time,” ani Espinosa.

“Any statements I made against the Senator are false and were the result of pressure, coercion, intimidation, and serious threats to my life and my family members from police who instructed me to implicate the Senator into the illegal drugs trade,” dagdag pa niya.

Ngayong araw, Mayo 2, binawi ng dating Bureau of Corrections OIC at star witness na si Rafael Ragos ang kaniyang naging pahayag laban kay De Lima. Aniya, binantaan lamang siya ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre kasama ang iba pang mga personalidad ng DOJ noong 2016 para tumestigo laban kay De Lima.

Naging sunod-sunod naman ang tweets ni Karen tungkol dito.

“This is tragic! Shouldn’t Ragos be held accountable for LYING and giving false testimony? This is an abuse of the powers and resources of government. And if it is true former SOJ Aguirre coerced him shouldn’t cases be filed against him?”

This is tragic! Shouldn’t Ragos be held accountable for LYING and giving false testimony? This is an abuse of the powers and resources of government.

And if it is true former SOJ Aguirre coerced him shouldn’t cases be filed against him? https://t.co/XH8Z2aL3vG

— Karen Davila (@iamkarendavila) May 2, 2022

“With Kerwin Espinosa and former NBI official Ragos recanting their statements – isn’t this enough for Sen Leila De Lima’s cases to be dismissed? What shame for Ragos not to have been able to stand up to pressure then. But – it is never too late to do the right thing.”

With Kerwin Espinosa and former NBI official Ragos recanting their statements – isn’t this enough for Sen Leila De Lima’s cases to be dismissed?

What shame for Ragos not to have been able to stand up to pressure then. But – it is never too late to do the right thing.

— Karen Davila (@iamkarendavila) May 2, 2022

At panghuli, “Isipin n’yo. Nagsinungaling ka at dahil dito – nakulong ang isang tao ng 5 taon. All those years lost. Takot ka sa Presidente o sa boss mo, pero hindi ka takot sa Diyos?”

Isipin n’yo. Nagsinungaling ka at dahil dito – nakulong ang isang tao ng 5 taon. All those years lost.

Takot ka sa Presidente o sa boss mo, pero hindi ka takot sa Diyos?

— Karen Davila (@iamkarendavila) May 2, 2022

Samantala, nanawagan naman si presidential candidate at Vice President Leni Robredo na palayain na si Senador Leila De Lima dahil isa-isa na umano binabawi ang mga testimonya na naging batayan sa pagpapakulong sa senador.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/02/vp-leni-nanawagan-free-leila-now/

“Mahigit limang taon nang nakakulong si Senator Leila de Lima, pero kahit isang gramo ng ilegal na droga, kahit isang pahina ng documentary evidence, walang naihain laban sa kanya,” saad ng bise presidente sa kanyang opisyal na Facebook page nitong Lunes, Mayo 2.

“Ngayon, pati ang mga testimonyang ginamit na batayan ng pagpapakulong kay Sen. Leila ay isa-isa nang binabawi ng mga nagbigay nito,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Robredo na ang tanging kasalanan lamang ni De Lima ay ang magsabi ng totoo at ipagtanggol ang karapatan ng mga Pilipino.

“Patunay lang ito ng katotohanang matagal ko nang iginigiit: Walang kaso laban kay Sen Leila de Lima. Ang tanging kasalanan niya ay ang magsabi ng totoo at ipagtanggol ang karapatan ng mga kapwa natin Pilipino,” aniya.

Panawagan ni Robredo na palayain na ang senadora, aniya, “wala nang dahilan para manatili sa piitan si Sen Leila. Dapat na siyang palayain sa lalong madaling panahon. Kaisa ko ang bawat Pilipinong naniniwala sa hustisya sa panawagan: Free Leila now.”

Tags: Karen DavilaSen. Leila De Lima
Previous Post

Raffy Tulfo, namayagpag sa Pulse Asia survey

Next Post

April 25-May 1 Covid-19 cases sa PH, aabot sa 1,399 — DOH

Next Post
April 25-May 1 Covid-19 cases sa PH, aabot sa 1,399 — DOH

April 25-May 1 Covid-19 cases sa PH, aabot sa 1,399 -- DOH

Broom Broom Balita

  • ‘Valentina,’ may new look para sa finale ng ‘Darna’
  • Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa Davao Occidental
  • Guanzon sa planong pagbuo ng WRMO: ‘They might pack this Office with incompetent cronies’
  • Pokwang, ‘nagsinungaling’ para pagtakpan si Lee O’Brian; nasasayangan sa mga sakripisyo
  • ‘Say hello to Bobi!’ Bagong naitalang oldest dog ever, miraculous daw na nabuhay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.