• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Gladys Reyes, nagsuot ng pink outfit; urirat ng mga netizen, “Kakampink ba siya?”

Richard de Leon by Richard de Leon
May 1, 2022
in Showbiz atbp.
0
Gladys Reyes, nagsuot ng pink outfit; urirat ng mga netizen, “Kakampink ba siya?”

Gladys Reyes (Larawan mula sa IG ni Gladys Reyes)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Simula nang mag-umpisa ang lahat ng mga ‘drama’ kaugnay ng halalan, magmula sa pagpapahayag ng intensyong tumakbo, pagsusumite ng certificate of candidacy, proclamation rally hanggang sa aktwal na pangangampanya, halos lahat ng mga kulay ng suot na damit, senyas ng kamay, at mga social media post ay agad na ikinokonekta sa political stand ng isang indibidwal, karaniwang mamamayan man o sikat na celebrity.

Kagaya na lamang ng sikat na aktres at host na si Gladys Reyes na nakilala sa kaniyang mga kontrabida role. Noong Abril 25, ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post ang outfitan niya para sa taping ng ‘All-Out Sundays’ o AOS, ang noontime musical variety show ng GMA Network.

“Work mode… All Out Sundays taping,” sey ni Gladys sa caption. Makikitang nakasuot siya ng pink outfit, pinasalamatan ang mga gumawa ng kaniyang hair, make-up, at style niya.

View this post on Instagram

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)

Pinuri naman siya ng mga netizen dahil kahit nasa 40s na siya at isang working mom at asawa ay glowing pa rin si Gladys.

“You look stunning in pink. Real talk lang po… totoo namang maganda yung outfit and color… bumagay sa beauty niya…”

“So pretty in pink!”

“Pretty as always!”

“Parang dalaga lang. Well done!”

“Beautiful Ms. Clara!”

Maging ang mga senior stars na sina Chanda Romero at Carmi Martin ay napakomento rin sa kaniya.

“Fresh!! Bilib ako sa loyalty ni @mamarhayedelacruz,” sey ni Chandra na tumutukoy sa gumawa ng hair and make-up ni Gladys.

Papuri naman ni Carmi, “Super love it! Winner ka talaga bff parang walang apat na anak sa katawan.”

Samantala, may ilang mga netizen naman ang humula na baka isang Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem si Gladys. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan kung sinong kandidato ba ang i-eendorso ng ‘Iglesia ni Cristo’. Isang INC member si Gladys. Subalit hanggang ngayon, wala pa ring kalinawan kung sino-sinong kandidato sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo ang ineendorso nila.

“You look good in pink Clara… #rosasAngKulayNgBukas love you Clara batang 90’s.”

“Sana Kakampink…”

“Leni po ba?”

Sa Twitter, ibinahagi rin ito ng ilang mga netizen.

“This was posted 5 days ago. Clara? Ito na ba ang paggalaw ng baso?”

This was posted 5 days ago. Clara? Ito na ba ang pag galaw ng baso? pic.twitter.com/sFurA66uyx

— 𝙥𝙖𝙪𝙡𝙤𝙞𝙣𝙢𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖 (@pauloMDtweets) April 30, 2022

“Gladys Reyes for VP Leni?”

“Nag-pink na si Gladys Reyes. Malakas ang kutob ko na si VP Leni dadalhin ng INC.”

“Wow. After Tunying, now Gladys Reyes. Is this an indicator na INC will support VP Leni??!”

Gladys Reyes for VP Leni? 🌸#BatangasIsPink pic.twitter.com/Qab4ZFt6PB

— ⓀⓅⒺⓍ #LeniKiko2022 🌸💫 (@OfficialKpex) April 30, 2022

Bukod kay Gladys, hinihintay rin ng mga netizen ang endorsement ng kaniyang BFF na si Judy Ann Santos na siyang gumanap na ‘Mara’ sa kanilang iconic at patok na soap opera noong 90s.

Samantala, wala pang tugon, reaksyon, o komento si Gladys tungkol dito. Wala pa rin siyang opisyal na inihahayag, kung may ineendorso man siyang partikular na kandidato o partido.

Tags: gladys reyesiglesia ni cristoKakampinkpink outfit
Previous Post

‘Cancelledt’ sa kakampinks?: Dick Gordon, nanigaw ng staff sa campaign sortie

Next Post

6 katao sugatan sa vehicular accident sa Benguet

Next Post
6 katao sugatan sa vehicular accident sa Benguet

6 katao sugatan sa vehicular accident sa Benguet

Broom Broom Balita

  • Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros
  • Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan
  • Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor
  • Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla
  • ₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

June 30, 2022
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 30, 2022
₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

June 29, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera

June 29, 2022
OCTA, idineklarang ‘very low risk’ para sa COVID-19 ang Metro Manila

PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes

June 29, 2022
Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

June 29, 2022
Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

June 29, 2022
Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.