• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Lockdown pagkatapos ng eleksyon, malabo pa– Duque

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
April 30, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
ECQ AT GCQ na lamang ang bagong COVID-19 response scheme para sa NCR

(Ali Vicoy/MANILA BULLETIN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inihayag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na sa ngayon ay wala pa silang nakikitang indikasyon na posibleng magpatupad ng lockdown matapos ang halalan sa Mayo 9 dahil sa posibleng pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

“Sa ngayon, walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown matapos ang eleksyon,” pahayag pa ni Duque, sa panayam sa radyo nitong Sabado.

Sakali man aniyang kailanganing maghigpit, maaaring granular lockdown lamang ang ipatupad ng pamahalaan at hindi malawakang lockdown tulad dati.

“Kung magkakaroon man, granular lockdown na lamang. Tapos na tayo sa mga widespread lockdown,” aniya pa.

Samantala, sinang-ayunan rin naman ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje ang sinabi ni Duque, sa Laging Handa briefing nitong Sabado.

Ani Cabotaje, hindi pa naman ‘significant’ ang pagtaas ng mga kaso ngunit iginiit na hindi pa rin dapat na magpabaya ang mga mamamayan at sa halip ay patuloy na maging maingat ang mga mamamayan

“The increases in cases are not significant, although we should not be putting our guards down,” aniya.

Una nang nagbabala ang DOH kamakailan na maaaring makaranas muli ng panibagong surge ng COVID-19 ang bansa sa kalagitnaan ng Mayo kung magpapabaya ang mga mamamayan at hindi tatalima sa ipinaiiral na minimum public health standards (MPHS) laban sa COVID-19. 

Tags: dohFrancisco Duque IIIlockdown
Previous Post

Michelle Dee, may pag-asa kayang masungkit ang korona o another dark horse uli sa MUP 22?

Next Post

FEU CSO sa kanilang unibersidad: ‘Tumindig na kami, sana kayo rin’

Next Post
FEU CSO sa kanilang unibersidad: ‘Tumindig na kami, sana kayo rin’

FEU CSO sa kanilang unibersidad: 'Tumindig na kami, sana kayo rin'

Broom Broom Balita

  • Lalaki, namataang putol ang ulo habang naglalakad sa Manila Cathedral
  • Mga nagparehistro para sa 2023 BSKE, pumalo na sa 2.4M
  • ₱18.6M sibuyas, kumpiskado: Smuggling, talamak na sa Zamboanga City?
  • ‘Halika na!’ Rowena Guanzon, inaya si Alex Gonzaga sa Dinagsa Festival
  • Ogie Diaz, puwede raw tapatan si Boy Abunda; showbiz columnist, nag-react
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.