• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Metro

Nigerian, timbog sa halos ₱4M shabu sa Las Piñas

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
April 29, 2022
in Metro
0
Nigerian, timbog sa halos ₱4M shabu sa Las Piñas
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tinatayang aabot sa ₱4 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nahuli sa isang Nigerian na nagpakilalang pastor sa Las Piñas City nitong Huwebes.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nakilalang si Christian Ubatuegwu.

Sa pahayag ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter-Agency Interdiction Task Group, agad nilang inaresto ang suspek matapos i-deliver sa kanya ang isang package na naglalaman ng illegal drugs.

Sinabi ni Gerald Javier, deputy task group commander ng NAIA-IAITG, galing ng Lao People’s Democratic Republic ang package at dumating sa NAIA nitong Huwebes.

Aniya, hindi nakalusot sa kanilang pagsusuri ang package na nakadeklara na isang electric steamer at naka-consign kay Ubatuegwu matapos mabisto ang iligal na droga na laman nito.

Paliwanag ni Javier, agad silang nag-book ng delivery rider upang maipadala ito sa suspek.

Ang nasabing package ay tinanggap ng isang babae sa harap ng simbahan kung saan nakatira ang pastor.

Sa pagkakataong ito, inaresto ng mga awtoridad si Ubatuegwu na nagsabing hindi umano nito alam na may lamang droga ang kahon.

Halos 600 gramo ng iligal na droga ang laman ng package at ito ay aabot sa ₱4 milyon.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang kaso.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Previous Post

Covid-19 surge pagkatapos ng eleksyon, posible — OCTA Research

Next Post

Robredo, hinamon ng debate si Marcos: ‘Kung papayag po kayo, anytime, anywhere, darating ako’

Next Post
Robredo, hinamon ng debate si Marcos: ‘Kung papayag po kayo, anytime, anywhere, darating ako’

Robredo, hinamon ng debate si Marcos: 'Kung papayag po kayo, anytime, anywhere, darating ako'

Broom Broom Balita

  • PBBM sa pagtanggi ng ICC sa apela ng PH hinggil sa drug war: ‘We are disengaging’
  • Pari na suspek sa umano’y panggagahasa ng choir member sa simbahan, timbog
  • PCSO lotto draw ngayong Martes, mailap sa suwerte, bokya sa jackpot ang mananaya
  • Miyembro ng isang gang, nasamsaman ₱680K halaga ng ‘shabu’ sa Angeles City
  • Bulkang Anak Krakatoa sa Indonesia, sumabog, nagluwa ng malaking tore ng abo
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.