• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Herlene Budol, natanggap na ang kinita ng vlog sa kaniya ni Karen Davila; magkano ang inabot?

Richard de Leon by Richard de Leon
April 29, 2022
in Showbiz atbp.
0
Herlene Budol, natanggap na ang kinita ng vlog sa kaniya ni Karen Davila; magkano ang inabot?

Herlene Budol at Karen Davila (Larawan mula sa YT/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Winner na winner talaga si Binibining Pilipinas 2022 candidate Herlene ‘Hipon Girl’ Budol dahil bukod sa pinag-uusapan siya ngayon, buong-buo pa niyang natanggap ang kinita ng vlog episode sa kaniya ni ABS-CBN news anchor at journalist Karen Davila, kagaya ng ipinangako nito sa kaniya.

Ibinahagi ni Hipon Girl sa kaniyang Facebook post noong Abril 25 na tumataginting na ₱100K lang naman ang natanggap niya mula sa batikang journalist na vlogger na rin ngayon.

“Isang malaking karangalan po uli yung nag-congratulate si Mam Karen Davila sa pagpasok ko sa Binibining Pilipinas 2022 at heto pa ang sorpresa niya sa akin mga KaHipon at hanggang ngayon walang tigil iyak ko. ibinigay po nya sa akin yung earnings sa YouTube niya noong ininterview niya sa akin, nakaraang April 2 sa halagang 100,000 pesos po bago ako nag register ng Binibining Pilipinas na umabot ng 2.2M views,” bida ni Herlene.

“Mam Karen, God bless you more po at malaking tulong po ito para sa aking pamilya at ibibigay ko po ito kay Nanay Bireng at Tatay Oreng ko. Salamat nang marami dahil 3 mons ako bawal magtanggap ng trabaho at endorsement sa policy ng Binibining Pilipinas.”

“Kaya umaasa na lang din ako ng income sa YouTube Channel ko sa pagpa-vlog! Mga KaSquammy sa mga hindi pa nakapanood ng interview ko po kay Mam Karen, ilagay ko sa comment section ang link. Salamat kay Sir Wilbert Tolentino at ipinakilala mo sa akin si Mam Karen Davila.

Ako nga pala si Binibining number 8 Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at mag-iiwan ng kasabihan, “Magsipag at wag umasa sa iba. Hindi araw-araw ay b-day natin. Baka magulat ka pa ka-birthday mo si Karen.”

Samantala, narito ang naturang vlog na umere noong Abril 2, at habang isinusulat ito ay pumalo na sa 2,641,487 views.

Tags: Herlene BudolKaren Davila
Previous Post

Pangilinan: ‘Madalas ang mga hindi nagpapakita ay may mga itinatago. Mayroon kayang itinatago ang kampo ng Marcos-Duterte?’

Next Post

1,436 traffic violators at colorum, natiketan ng MMDA

Next Post
1,436 traffic violators at colorum, natiketan ng MMDA

1,436 traffic violators at colorum, natiketan ng MMDA

Broom Broom Balita

  • Departamento ng Kasaysayan sa UP, may libreng webinar para sa mga guro ng Kasaysayan ng Pilipinas
  • Police assistance, mahigpit na ipatutupad sa Cordillera
  • Lovi Poe, may ‘short but sweet’ birthday message para sa dyowang scientist, filmmaker
  • Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong
  • Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol
Departamento ng Kasaysayan sa UP, may libreng webinar para sa mga guro ng Kasaysayan ng Pilipinas

Departamento ng Kasaysayan sa UP, may libreng webinar para sa mga guro ng Kasaysayan ng Pilipinas

August 13, 2022
Police assistance, mahigpit na ipatutupad sa Cordillera

Police assistance, mahigpit na ipatutupad sa Cordillera

August 13, 2022
Lovi Poe, may ‘short but sweet’ birthday message para sa dyowang scientist, filmmaker

Lovi Poe, may ‘short but sweet’ birthday message para sa dyowang scientist, filmmaker

August 13, 2022
Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong

Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong

August 13, 2022
Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol

Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol

August 13, 2022
Vice Ganda, umeksena muli sa isang digital billboard sa Seoul, South Korea

Vice Ganda, umeksena muli sa isang digital billboard sa Seoul, South Korea

August 13, 2022
Executive Secretary Rodriguez, ‘di nag-resign — Malacañang

Idinipensa ng Malacañang: Rodriguez, ‘di sangkot sa ‘illegal’ sugar importation

August 13, 2022
Maguindanao, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol; aftershocks, inaasahan!

Maguindanao, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol; aftershocks, inaasahan!

August 13, 2022
Herlene, aminadong maaaring ‘for the traffic’ ang naging sagot sa Q&A kung ‘di naisalin sa Tagalog

Herlene, aminadong maaaring ‘for the traffic’ ang naging sagot sa Q&A kung ‘di naisalin sa Tagalog

August 13, 2022
Anak, binigyan ng sertipiko ang ama; sumubaybay sa FPJ’s Ang Probinsyano mula day 1 hanggang wakas

Anak, binigyan ng sertipiko ang ama; sumubaybay sa FPJ’s Ang Probinsyano mula day 1 hanggang wakas

August 13, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.