• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Kahit ginawan ng kanta, tinawag na ‘Mr. President’: Willie, nilinaw na wala pang commitment kay BBM

Richard de Leon by Richard de Leon
April 28, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Kahit ginawan ng kanta, tinawag na ‘Mr. President’: Willie, nilinaw na wala pang commitment kay BBM

Willie Revillame, Bongbong Marcos, at sara Duterte (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ipinagdiinan ni Wowowin host Willie Revillame na bagama’t ‘Mr. President’ at ginawan pa nila ng composer at record producer na si Vehnee Saturno ng awitin si presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, Jr., wala pa rin siyang commitment dito.

Sa April 26 episode kasi ng kaniyang programa, ibinahagi ni Willie sa viewers ang video ng pag-uusap nila ni BBM ilang minuto bago nagsimula ang Wowowin. Kapansin-pansin na ‘Mr. President’ at ‘mahal na Pangulo’ na nga ang tawag niya rito, at Vice President naman si Davao City Mayor Sara Duterte.

Mukhang may pag-uusapan daw sina Willie, BBM, at Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis ‘Chavit’ Singson.

Iginiit din ni Willie na may ginawa silang kanta ni Vehnee Saturno na pinamagatang ‘Puso Para sa Bayan’ at kay Inday Sara naman ay ‘Sara Ikaw Na Nga’.

Pagkatapos nito, sinabi ni Willie na “‘Yan naman ho, eh, walang commitment pa… Wala naman pong commitment ‘yan. Gusto lang daw nila akong makausap at, yun nga, sabi ko, ‘Sige ho. Mag-uusap ho kami. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin. But anyway, ilang tulog na lang ho ito, eleksyon na.”

Nilinaw din ni Willie na Mr. President at Vice President daw talaga ang tawag niya kina BBM-Sara. Nagbigay naman siya ng mensahe sa lahat ng mga botante.

“Pero malalaman pa naman ho natin ‘yan mismo sa May 9 kung sino talaga ang magiging presidente. Wala pa naman desisyon ang sambayanan. Sa lahat ng mga botante, sa lahat ng mga boboto, may karapatan ho tayong lahat at bawat Pilipino.

“So, ito na po ang pagkakataon kung gusto natin ng pagbabago. Kung gusto natin ng pagkakaisa. Gusto natin na maging maganda ang buhay ng bawat Pilipino.”

Matatandaang nauna nang inendorso ni Willie si VP candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Tags: Bongbong MarcosSara Dutertewillie revillame
Previous Post

Rice art para kay Robredo, pinusuan ng netizens

Next Post

Sino si Sandro Marcos?

Next Post
Para kanino ang Build, Build, Build?

Sino si Sandro Marcos?

Broom Broom Balita

  • Manay Lolit, ‘di kumbinsido sa intrigang hiwalay na sina Heart at Chiz
  • 3 marijuana courier, hinatulan ng multang P500K, habambuhay na pagkakakulong
  • John Arcilla, ‘pinagbabantaan’ ng mga gigil na gigil na netizen dahil sa role niya sa ‘Ang Probinsyano’
  • Chinese, 3 pa huli! ₱2.5B illegal drugs, nabisto sa warehouse sa Pangasinan
  • Drug den sa Camiling, Tarlac, bistado; 6 suspek, nakorner
Manay Lolit, ‘di kumbinsido sa intrigang hiwalay na sina Heart at Chiz

Manay Lolit, ‘di kumbinsido sa intrigang hiwalay na sina Heart at Chiz

August 12, 2022
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

3 marijuana courier, hinatulan ng multang P500K, habambuhay na pagkakakulong

August 12, 2022
John Arcilla, ‘pinagbabantaan’ ng mga gigil na gigil na netizen dahil sa role niya sa ‘Ang Probinsyano’

John Arcilla, ‘pinagbabantaan’ ng mga gigil na gigil na netizen dahil sa role niya sa ‘Ang Probinsyano’

August 12, 2022
Chinese, 3 pa huli! ₱2.5B illegal drugs, nabisto sa warehouse sa Pangasinan

Chinese, 3 pa huli! ₱2.5B illegal drugs, nabisto sa warehouse sa Pangasinan

August 12, 2022
Drug den sa Camiling, Tarlac, bistado; 6 suspek, nakorner

Drug den sa Camiling, Tarlac, bistado; 6 suspek, nakorner

August 12, 2022
KC Montero, ipinagtanggol si Alex: Viral stint ni Matteo sa ‘Tropang LOL,’ prank lang

KC Montero, ipinagtanggol si Alex: Viral stint ni Matteo sa ‘Tropang LOL,’ prank lang

August 12, 2022
Vince Tañada nalungkot sa mga piniling salita sa ‘Katips’ review ni Suzette Doctolero

Vince Tañada nalungkot sa mga piniling salita sa ‘Katips’ review ni Suzette Doctolero

August 12, 2022
₱272M shabu, naharang sa La Union–2 arestado — PDEA

₱272M shabu, naharang sa La Union–2 arestado — PDEA

August 12, 2022
Jordan Clarkson, Kai Sotto, darating sa ‘Pinas next week

Jordan Clarkson, Kai Sotto, darating sa ‘Pinas next week

August 12, 2022
Hontiveros: ‘In 2016, we made history. In 2022, we will repeat our victory’

Sen. Risa sa pagdiriwang ng Int’l Youth Day: ‘Pagsisikapan naming mas paglingkuran pa kayo’

August 12, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.