• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Luis Manzano, nag-crossover sa Wowowin; magiging co-host ni Willie?

Richard de Leon by Richard de Leon
April 27, 2022
in Showbiz atbp.
0
Luis Manzano, nag-crossover sa Wowowin; magiging co-host ni Willie?

Luis Manzano at Willie Revillame (Larawan mula sa IG/YT)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagulantang ang mga manonood at tagasubaybay ng ‘Wowowin’ nang bumulaga sa April 25 episode si Kapamilya host Luis Manzano bilang special guest ni Willie Revillame.

Ibinahagi rin ito ni Luis sa kaniyang Instagram post.

View this post on Instagram

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Pambubuking ni Luis, matagal na raw silang magkaibigan ni Kuya Wil kahit na nagkakatapat ang kanilang mga show, at sa katunayan, isa raw ito sa mga ninong nila sa kasal ng misis na si Jessy Mendiola.

Dahil mahusay na host, hinayaan ni Willie si Luis na siyang magbasa kung ilan ang mga nakasubaybay at nanonood sa kanilang programa nang araw na iyon.

Nagpalit din sila ng puwesto ng upuan at hinayaan niyang si Luis ang kumausap sa mga mapalad na matatawagan upang manalo ng papremyo.

Bukod dito, nakausap din nila via phone patch si Star For All Season Vilma Santos na mamamahinga muna sa politika.

Wala namang isyu kung bumulaga si Luis o kahit na sinomang Kapamilya, Kapuso, o Kapatid artist sa Wowowin dahil matatandaang noong Pebrero ay hindi na nag-renew ng kontrata si Willie sa GMA Network. Napapanood ang Wowowin sa opisyal na Facebook at YouTube channel nito.

Sigaw naman ng mga netizen, bagay raw ang chemistry ng dalawa, kaya hirit nila, sana raw ay maging co-host si Luis sa naturang programa.

Sa kasalukuyan, napapanood si Luis bilang host ng ‘I Can See Your Voice’ sa Kapamilya Channel at social media platforms nito.

Tags: luis manzanospecial guestwillie revillameWowowin
Previous Post

‘Alam kong trabaho lang!’ John Lapus, kilala kung sino ang tinutukoy na ‘troll’ ni Vice Ganda?

Next Post

Expired na! Donasyong 3.6M doses ng Covid-19 vaccine, papalitan ng COVAX

Next Post
Magpa-booster shot na! ‘Wag hintaying magkaroon ng Covid-19 surge — DOH

Expired na! Donasyong 3.6M doses ng Covid-19 vaccine, papalitan ng COVAX

Broom Broom Balita

  • 9 pang senador, naidagdag na miyembro ng CA
  • Reporter, tinanggihan ng OPS–Malacañang Press Corps, umalma!
  • IT expert, ipinwesto ni Marcos sa Comelec
  • Magnitude 5.6, tumama sa Davao del Sur
  • Dating DA chief, itinalaga bilang undersecretary
4 sa outgoing senators, nagsimula na sa pag-e-empake

9 pang senador, naidagdag na miyembro ng CA

August 15, 2022
Reporter, tinanggihan ng OPS–Malacañang Press Corps, umalma!

Reporter, tinanggihan ng OPS–Malacañang Press Corps, umalma!

August 15, 2022
IT expert, ipinwesto ni Marcos sa Comelec

IT expert, ipinwesto ni Marcos sa Comelec

August 15, 2022
4.4-magnitude, yumanig sa Leyte

Magnitude 5.6, tumama sa Davao del Sur

August 15, 2022
Dating DA chief, itinalaga bilang undersecretary

Dating DA chief, itinalaga bilang undersecretary

August 15, 2022
VM Lacuna, nanawagan ng respeto para sa LGBTQ+ community

Mayor Honey: Quarantine facilities sa mga paaralan sa Maynila, tatanggalin na

August 15, 2022
DA, binira sa smuggling ng sibuyas

DA, binira sa smuggling ng sibuyas

August 15, 2022
DOTr sa mga bus, PUVs, terminals sa NCR: Minimum health protocols at 70% capacity, tiyaking nasusunod

Dahil sa F2F classes: Mas maraming bus at bus stops sa EDSA busway, nais ng DOTr

August 15, 2022
PNP, nasilip ng COA sa ₱267M ‘unrecorded’ donations

PNP, nasilip ng COA sa ₱267M ‘unrecorded’ donations

August 15, 2022
Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens

Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens

August 15, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.