• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Ilang PBB Teen housemates, namasyal sa museum

Richard de Leon by Richard de Leon
April 27, 2022
in Showbiz atbp.
0
Ilang PBB Teen housemates, namasyal sa museum

Mga larawan mula sa FB page ng Pinoy Big Brother

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Dahil sa naging viral na ‘MaJoHa’ at ilang mga sablay na sagot kaugnay ng kasaysayan ng Pilipinas, nagtungo sa isang museo ang mga teen housemate ng ‘Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10’.

Nagtungo sa Ayala Museum ang lima sa mga teen housemate at nakasama nila ang sikat na historyador at manunulat na si Ambeth Ocampo. Ipinaliwanag ni Ocampo ang mga relics, artifacts, at diorama na makikita rito.

Sinabi ni Ocampo na sana raw, pumasok sa puso at isipan ng mga teen housemate ang mga lektyur na kaniyang naibigay.

“Para tayo sa kasalukuyan ay hindi natin uulitin ang mga pagkakamali ng nakaraan,” ani Ocampo sa mga teen housemate.

Pagkatapos ng pagbisita sa museo ay nagkaroon sila ng pagsusulit. 8 out of 10 ang nasagutan nila nang tama.

Naging trending ang episode ng ‘Pinoy Big Brother: Kumunity Teen Edition’ dahil sa maling sagot ng mga teen housemate sa mga tanong tungkol sa pinakamahabang tulay sa Pilipinas, palayaw ni Dr. Jose Rizal at Melchora Aquino, at pinagsamang apelyido ng tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/11/slex-at-gomburza-trending-dahil-sa-pbb-mga-netizen-nanawagan-sa-deped/

Nagsilbing quizmaster ang PBB host na si Robi Domingo. Nagkatapatan naman ang mga housemate na sina Gabb Skribikin at Kai Espenido.

Ang unang tanong, “Anong pangalan ng tulay na itinuturing na pinakamahabang tulay sa Pilipinas?” Nagbigay pa ng clue si Robi na ito ang nagdurugtong sa mga pulo ng Samar at Leyte.

Naunang pumindot ang teen housemate na si Gabb. Kitang-kitang hindi siya sigurado sa kaniyang sagot. Ang binigkas niya ay “SLEX” o South Luzon Expressway. Ang tamang sagot para dito ay San Juanico Bridge. Halatang pinigilan ni Robi ang kaniyang pagtawa.

Sa sumunod naman na tanong, “Sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora ay mas kilala sa tawag na…” ang nakapindot naman ng buzzer ay si Kai.

“Puwede pong pakiulit ng mga names?” hiling ni Kai sa quizmaster na si Robi.

Inulit naman ito ng TV host.

“Josmar… Marjo!!” sabi ni Kai. Kitang-kita naman ang pagpigil na matawa ni Robi. Sinusubukan pang buuin sa isip ni Kai kung ano ang tamang sagot.

“Wait lang, wait lang… nakalimutan ko ang mga apelyido… wait lang po, mahina po talaga ako sa…”

Hindi na nakapagbigay ng sagot si Kai dahil naabutan na ito ng oras. Nag-steal naman si Gabb na kaniyang katunggali.

“MARJO?? MAJOHA???” sagot ni Gabb.

Ang tamang sagot para dito ay GOMBURZA.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. May mga nagsabing bagama’t aliw at nakakatawa ang mga ito, kailangan daw maalarma ang Department of Education o DepEd na tila ba hindi na alam ng kabataan ang ilang mga detalye sa kasaysayan ng Pilipinas.

“Open the schools, DepEd!”

“Galing magtransition sa TikTok pero di kilala Gomburza huhu you don’t have to be a valedictorian to know them.”

“GomBurZa is literally the easiest thing you would know in Phil. history. Nakaka-disappoint. Pero kung K-Drama ‘yan or oppa, memorize pa pati full name. It feels like our history is in crisis. It makes me horrified that this generation could easily forget our history.”

“GomBurZa to MaJoHa, San Juanico Bridge to SLEX… Open the schools DepEd.”

“150 years after the martyrdom of the GOMBURZA, they have been renamed as MAJOHA. We have so much work to do. It’s not just martial law. If we let things be w/ people never making sense of the whys of history, some troll will fill the gap for them.”

“Honestly I’m not laughing noong napanood ko ‘to. Inis naramdaman ko. My God from elementary to college (AP to Rizal) always name-mention ang GomBurZa. How come these kids doesn’t know them? May isa pa, longest bridge… SLEX daw?? So disappointing.”

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din naman sa mga teen housemate.

“Huwag din nating sisihin, baka kasi hindi part ng curriculum sa school na pinanggalingan nila yung pag-aaral ng Philippine History? Wake up call ito sa DepEd to revisit the curriculum, especially sa Araling Panlipunan.”

“Huwag natin i-blame lahat sa mga bata, baka hindi rin kasi naituro nang maayos ng mga HEKASI teachers nila…”

“Hindi naman siguro kabawasan sa pagkatao ng mga batang ito kung magkamali man sila sa mga basic questions nila? Batay sa surname nila, mga half-Pinoy sila, at hindi tayo sure kung dito ba sa Pilipinas nagsipag-aral ang mga ‘yan. Don’t judge, ‘ika nga.”

Maging si Robi Domingo ay napakomento na rin dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/12/robi-domingo-sa-majoha-ng-pbb-sa-una-nakakatawa-pero-habang-tumatagal-di-na-nakakatuwa/

Mapapanood ang ‘Pinoy Big Brother’ araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, TFC, at may livestream sa Kumu.

Tags: Ambeth ocampoAyala MuseumPinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Teen Edition
Previous Post

Mga eksperto sa policymakers ng PH: Patuloy na tugunan ang vaccine hesitancy

Next Post

₱50K pabuya, alok ng mayor vs Maguindanao bomber

Next Post
₱50K pabuya, alok ng mayor vs Maguindanao bomber

₱50K pabuya, alok ng mayor vs Maguindanao bomber

Broom Broom Balita

  • NPA commander, inaresto sa Surigao del Sur
  • Filipinas, umabante sa FIFA women’s ranking
  • Camarines Norte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
  • Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia, sumabog, nagbuga ng usok at abo
  • Selena Gomez, nagsalita hinggil sa natatanggap na ‘death threats’ ni Hailey Bieber
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.