• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Jim Paredes, napa-react sa isang BBM standee na nasa likod ng isang gate; ilang netizens, may inungkat

Richard de Leon by Richard de Leon
April 26, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Jim Paredes, napa-react sa isang BBM standee na nasa likod ng isang gate; ilang netizens, may inungkat

Jim Paredes (Larawan mula sa Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Napa-react si APO Hiking Society member at isang certified Kakampink na si Jim Paredes sa naispatang BBM standee na nasa likod ng rehas ng isang tarangkahan o gate ng bahay na maipagpapalagay na pagmamay-ari ng isang tagasuporta ng naturang presidential candidate.

Ayon sa kaniyang tweet noong Abril 25, tila ‘hindi raw pinag-isipan’ ng house owner nang ilagay umano nito ang standee ni BBM sa harapan ng tarangkahan.

“This BBM house owner did not think well when he put this standee by the gate,” ani Jim.

This BBM house owner did not think well when he put this standee by the gate. pic.twitter.com/L1BI6PI7BZ

— Jim (@Jimparedes) April 25, 2022

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

“I guess he didn’t and isn’t proud of it for sure… now lets go back to his topic…”

“Wala bang standee si Imelda?”

“Tanong lang po Sir JIm, papasukin pa po kaya ‘yan ng magnanakaw eh kung magnanakaw naman po ang nakadisplay?”

“For all you know, the house owners isn’t a BBM supporter, they just wanted to remind everyone where Jr should really be.”

“Tawag diyan foreshadowing.”

Samantala, hindi rin nakaligtas si Jim sa mga basher at hater na inungkat ang tungkol sa kumalat na eskandalong kinaharap niya noon.

“Sige lang po Sir Jim, tuloy-tuloy lang po ang inyong paninira. Maganda man po ang inyong layunin pero sana naiisip n’yo po ang pagsabi ng masasamang salita ay isang uri din ng pagkakasala.”

“Pinag-isipan mo rin bang mabuti bago ka gumawa ng scandal mo???”

“I still remember your video 🤮🤮🤮🤮.”

“But when you did your scandal, you thought of it well?”

“Did you do the same noon… Hindi ka rin nag-isip? Same same noh? You’re a disgrace!”

Samantala, hindi naman malinaw kung may intensyon ba talaga ang home owner ng bahay na ilagay sa ganoong puwesto ang BBM standee na ibinahagi ni Jim. Wala namang reaksyon o tugon si Jim sa mga netizen na nag-ungkat sa kaniyang past.

Tags: BBMBBM standeehouse ownerjim paredes
Previous Post

Pamilya ni Kapuso star Kris Bernal, in full force para kay Robredo

Next Post

‘BBM’, nasa Nueva Ecija sortie ng Leni-Kiko tandem

Next Post
‘BBM’, nasa Nueva Ecija sortie ng Leni-Kiko tandem

'BBM', nasa Nueva Ecija sortie ng Leni-Kiko tandem

Broom Broom Balita

  • Bulkang Anak Krakatoa sa Indonesia, sumabog, nagluwa ng malaking tore ng abo
  • Publiko, pinag-iingat ng DOH sa mga patok at matatamis na inumin ngayong tag-init
  • ICC, ibinasura ang apela ng ‘Pinas na suspendihin ang imbestigasyon sa drug war
  • Nawawalang teacher intern sa Catbalogan, natagpuang buhay matapos ang 5 araw na paghahanap
  • DOH: Tiyakin ang wastong paghahanda ng pagkain, inumin, ngayong tag-init
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.