• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

VP Leni, nagpasalamat: ‘Ang maisusukli ko lang ay serbisyong tapat na puno ng puso at sipag’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
April 24, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
VP Leni, nagpasalamat: ‘Ang maisusukli ko lang ay serbisyong tapat na puno ng puso at sipag’

Photo courtesy: VP Leni Robredo/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagpasalamat si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa mga birthday greeting at mga volunteer na nag-organize ng kanyang birthday rally noong Sabado, Abril 23 sa Macapagal Boulevard sa Pasay City.

“Maraming salamat po sa lahat na nagpadala ng birthday greetings- sa telepono, social media, etc. Pinangarap kong sagutin isa isa gaya ng dati pero hindi na talaga kinaya sa dami. Please know that your well wishes are very much valued and appreciated. Maraming salamat po,” ani VP Leni sa kanyang Facebook post nitong Linggo, Abril 24.

“Maraming salamat din sa lahat na volunteers who made the rally yesterday a success- sa lahat na nagpuyat the night before para ayusin ang venue, sa lahat na naglakad papunta sa Macapagal, tumayo ng maraming oras sa init, uhaw at gutom, mga nahirapan umuwi sa kanilang bahay,” dagdag pa niya.

Pinasalamatan din niya ang mga volunteer na nagsasagawa ng house-to-house campaign.

“Maraming salamat din sa lahat na nagpapagod para mag house to house at nakikiusap tao sa tao, puso sa puso,” anang bise presidente.

“Maraming salamat sa ating volunteer entertainers na nagpasaya sa okasyon natin. Nakakataba ng puso ang kanilang pagtataya na walang hinihingi ng anumang kapalit.

“Ang maisusukli ko lang sainyong lahat ay ang pag seserbisyo ng tapat na puno ng puso at sipag. Maraming salamat po.”

Sa kanyang pagdiriwang ng ika-57 na kaarawan kahapon, bago magtungo sa Pasay City, nagpunta muna ang bise presidente sa Maguindanao para sa endorsement ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kanya. Ito ang kauna-unahang nag-endorso ng presidential bet ang grupo.

Photo courtesy: VP Leni Robredo/FB
Tags: milfVice President Leni Robredo
Previous Post

Harry Roque kay Ai-Ai delas Alas: ‘Hindi ka nagkamali… hindi mawawala ang iyong prangkisa’

Next Post

Kathryn Bernardo, suportado si VP Leni: ‘Ang plano ko sa May 9, gawing pangulo si Leni Robredo’

Next Post
Kathryn Bernardo, suportado si VP Leni: ‘Ang plano ko sa May 9, gawing pangulo si Leni Robredo’

Kathryn Bernardo, suportado si VP Leni: 'Ang plano ko sa May 9, gawing pangulo si Leni Robredo'

Broom Broom Balita

  • DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19
  • Dingdong Dantes, sorpresang binisita ng pamilya sa set ng Family Feud
  • Marawi siege victims, mababayaran na?
  • QC, naglunsad ng dagdag na mental health programs
  • BOC, nagbabala vs payment scam
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.