• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

B-day message ni Melai kay Regine: “Dapat ka talagang tingalain”

Richard de Leon by Richard de Leon
April 23, 2022
in Showbiz atbp.
0
B-day message ni Melai kay Regine: “Dapat ka talagang tingalain”

Regine Velasquez-Alcasid at Melai Cantiveros (Larawan mula sa IG/Melai Cantiveros)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isa sa mga nagbigay ng birthday message kay Asia’s Songbird Regine Velasquez ang co-host niya sa talk show na ‘Magandang Buhay’ na si Momshie Melai Cantiveros.

Kahit kakaunting panahon pa lamang na magkasama dahil sa pansamantalang paghalili kay Momshie Karla Estrada, naging maganda ang bonding moments nila ng co-hosts kasama si Momshie Jolina Magdangal, na kitang-kita naman sa mga social media posts nila.

Instagram post ni Melai, “Happy Happy Birthday Momshie Reg, na super super kabait na artista na kilala ko na walang ka attitude attitude as-in super, very professional, very international ang talent,” panimula ng Grand Winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Double Up noong 2009.

View this post on Instagram

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)

Masaya raw siya na nakatrabaho niya si Regine sa Magandang Buhay kaya labis-labis ang pasasalamat niya sa pamunuan ng show, at kay Momshie Reg dahil sa pagtanggap sa proyektong ito.

“Dati very proud na ako na magka-birth month kami ni Momshie Reg pero now naglevel up na, very proud na me na naging katuwang namin ni Momshie Jols @mariajolina_ig si Momshie Reg sa stage ng @_magandangbuhay, thank you Magandang Buhay for making it possible and Thank you momshieReg for accepting it.”

Para kay Melai, deserve na deserve ni Songbird na tingalain ng ibang mga ka-industriya at syempre, maging ng mga tagahanga nito.

“We love you Momshie Reg, dapat ka talagang tingalain dahil sa napakaraming bagay, at ang pinaka-best na bagay doon ay ang kabutihan ng iyong puso. We love you Momshie Reg @reginevalcasid!”

Sa comment section, makikitang tumugon naman dito si Momshie Reg.

“Oh thank you momshie Melay love you,” aniya.

Tumugon naman dito si Momshie Melai.

“@reginevalcasid Momshie Regs mahal na mahal na namin salamat sa iyong kabutihan.”

Ang tatlong momshies na hosts sa kasalukuyan ay pare-parehong Kakampink. Si Momshie Karla naman, na tumatakbong nominee ng partidong Tingog partylist, ay tagasuporta naman ng UniTeam.

Matatandaang naging usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang isyung manalo-matalo, hindi na raw makababalik si Momshie Karla bilang host ng MB dahil si Regine na raw ang permanenteng ipapalit sa kaniya, bagay na hindi pa nakukumpirma ng ABS-CBN management.

Tags: Magandang BuhayMelai CantiverosRegine Velasquez-Alcasid
Previous Post

Cristy, pinayuhan si Herlene Budol na baguhin ugaling ‘squala’ at atribida: “Konting pino lang girl!”

Next Post

Vice x Vice: Unkabogable Star Vice Ganda, ‘It’s Showtime’ na nga ba sa Pasay rally ng Kakampink?

Next Post
Vice x Vice: Unkabogable Star Vice Ganda, ‘It’s Showtime’ na nga ba sa Pasay rally ng Kakampink?

Vice x Vice: Unkabogable Star Vice Ganda, 'It's Showtime' na nga ba sa Pasay rally ng Kakampink?

Broom Broom Balita

  • Mga magsasaka, tutulungan ng DA vs oversupply ng kamatis sa N. Vizcaya
  • Business establishment owners, hinikayat ni Lacuna na tumanggap na rin ng e-health permits
  • ‘Bondee’ app na bagong kinagigiliwan ng netizens, nilikha umano ng demonyo?
  • Lalaki, namataang putol ang ulo habang naglalakad sa Manila Cathedral
  • Mga nagparehistro para sa 2023 BSKE, pumalo na sa 2.4M
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.