• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Libreng Sakay sa NLET-Cubao at NLET-PITX, nagsimula na

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
April 21, 2022
in Balita, National / Metro
0
Libreng Sakay sa NLET-Cubao at NLET-PITX, nagsimula na
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Magandang balita para sa mga mananakay dahil nagsimula na nitong Huwebes, Abril 21, ang libreng sakay na may rutang North Luzon Express Terminal-Araneta Center Cubao (NLET-Cubao) at NLET-PITX (Parañaque Integrated Terminal Exchange) (Route 39).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ito ng Service Contracting Program Phase 3 ng pamahalaan.

Nabatid na nagsisimula ang unang biyahe sa naturang ruta dakong ala-1:00 ng madaling araw at nagtatapos dakong alas-12:00 ng hatinggabi.

“Para sa mga pasahero na patungo at palabas ng Metro Manila sa pamamagitan ng NLET, tinitiyak ng ahensya ang maayos at sapat na bilang ng mga pampublikong sasakyan para sa maayos at ligtas na pagbiyahe ng bawat mananakay,” anang DOTr at LTFRB.

Tiniyak rin nito na tuluy-tuloy pa rin ang pagseserbisyo ng libreng sakay sa EDSA Busway Carousel tuwing alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas-11:00 ng gabi.

Patuloy pa ring nagseserbisyo ang mga operator at driver sa mga ruta na kalahok sa programa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. 

Anang DOTr at LTFRB, asahan na rin ang pagbubukas pa ng mga karagdagang ruta at pag-arangkada ng mga karagdagang Public Utility Vehicle (PUV) para sa libreng sakay sa buong bansa sa mga susunod na araw.

Ang Service Contracting Program ay inilunsad ng pamahalaan sa layuning matulungang kumita ang mga operator at driver na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic at patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Nabatid na sa pamamagitan ng programa ay babayaran ng gobyerno ang mga kalahok nitong drivers, base sa bilang ng biyahe na kanilang itinakbo kada linggo.

Samantala ang mga Healthcare Workers (HCW) at Authorized Persons Outside of Residence (APOR) ay naseserbisyuhan rin sa pamamagitan ng libreng sakay.

“Para sa mga karagdagang impormasyon, regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page o maaaring tumawag sa LTFRB Project Implementing Unit Office – (02) 8529 – 7111 loc 845, loc 837, o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342,” anang DOTr. “Tara na sa biyahe tungo sa mas #PinahusayNaPasada!” 

Tags: DOTrlibreng sakayltfrb
Previous Post

Pamamaril sa grupo ni Ka Leody de Guzman sa Bukidnon, iniimbestigahan na ng Comelec

Next Post

B-day greetings ni VP Leni kay Kakampink Kim Chiu, umani ng iba’t ibang reaksyon

Next Post
B-day greetings ni VP Leni kay Kakampink Kim Chiu, umani ng iba’t ibang reaksyon

B-day greetings ni VP Leni kay Kakampink Kim Chiu, umani ng iba't ibang reaksyon

Broom Broom Balita

  • Jennica Garcia, nagkalkal, kilig na kilig sa ‘may spark pa rin’ na ex-couple na sina Heart at Echo
  • Mga nasawi sa bumagsak na temple roof sa India, umakyat na sa 35
  • Pope Francis, pagaling na sa bronchitis dahil sa antibiotics – Vatican
  • Mga provincial bus, puwede na ulit sa EDSA
  • Buwelta ng ina ni Jake Zyrus na tumalak sa kaniyang si Ogie Diaz: ‘Wait ka lang d’yan, bibigyan kita…’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.