• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

B-day greetings ni VP Leni kay Kakampink Kim Chiu, umani ng iba’t ibang reaksyon

Richard de Leon by Richard de Leon
April 21, 2022
in Showbiz atbp.
0
B-day greetings ni VP Leni kay Kakampink Kim Chiu, umani ng iba’t ibang reaksyon

Kim Chiu at VP Leni Robredo (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi malilimutan ni Kapamilya actress Kim Chiu ang pagdiriwang ng kaniyang 32nd birthday noong Abril 19, dahil isa sa mga nagpa-espesyal dito ay ang birthday greetings sa kaniya ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Sa kaniyang Instagram post noong Abril 19, walang pagsidlan ang tuwa ni Kimmy dahil sa magagandang mga salitang sinabi sa kaniya ni VP Leni; inamin nitong faney na faney daw ito sa kaniya.

View this post on Instagram

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

“Kim, Happy, Happy Birthday. Magkasunod pala birthday natin. But I want to wish you a very happy birthday. Ah, I know you’re in a good place now, follower mo ako sa YouTube channel mo,” pahayag ni VP Leni.

Isang inspirasyon daw ang buhay ni Kim Chiu dahil isa siyang mabuting ehemplo ng isang tao na nagawa pa ring makatayo at maipagpatuloy ang buhay, kahit na binira ng mga kontrobersiya ang buhay.

“OMG!!!!!! Literally I am crying right now!!!!!! Nakakaiyak na ang isang tao na alam ko na maraming ginagawa araw-araw, doing everything for the people as a Vice President of our country and a soon to be PRESIDENT. Rally dito, rally doon. Debate dito, debate doon. Motorcade, house to house. Personal duties as a mother at marami pang iba,” wika ni Kim.

“Grabe saludo po ako sa inyo Ma’am and watching this video made my heart melt. Salamat po for seeing me, for sending this video, napaka-personal po ng message ninyo. Maraming-maraming salamat po. Truly made my birthday complete, didn’t expect this pero maraming salamat po.”

Bukod sa pasasalamat dahil sa birthday video, pinasalamatan din ni Kim ang pangalawang pangulo sa pagbibigay umano ng buhay para sa bayan sa pamamagitan ng pagkandidato nito sa pagkapangulo. Opisyal na idineklara ni Kimmy na isa siyang certified Kakampink.

“SALAMAT DIN PO SA LABAN NA BINIBIGAY NINYO PARA SA ATING BAYAN. Makakaasa po kayo KASAMA N’YO PO AKO SA LABAN NA ITO. LABAN PARA SA ISANG GOBYERNONG TAPAT, ANGAT BUHAY ANG LAHAT.”

“Matagal na naming hinihiling at inaasam ang isang TAPAT na pamahalaan, na nakaupo para sa mga tao at hindi para sa sarili. I am here behind you alongside with all the Filipinos who are hungry for HONEST AND GOOD GOVERNANCE.”

“I am looking forward for a better, brighter, kulay rosas na bukas para sa buong PILIPINAS with you as our PRESIDENT, Maria Leonor ‘Leni’ Gerona Robredo,” aniya.

“Special thank you to @bigbadbawang and the staff of VP @bise_leni for sending this video at sa mga rosas na binigay ninyo maraming-maraming salamat po. Ako si KIM CHIU #KakamPINK ninyo. Advance HAPPY BIRTHDAY PO VP LENI,” pagbati rin ni Kim Chiu kay VP Leni.

Marami naman sa mga netizen ang napa-react sa ‘I know you’re in a good place now’ na sinabi ni VP Leni, na ayon sa mga netizen ay kadalasang ginagamit kapag namatay na.

Paglilinaw naman ng iba pa, walang mali sa sinabi ni VP Leni. Dapat daw, ito ay “I know you’re in a good place in your life right now” subalit ang ginamit umano ni VP Leni ay maituturing na ‘conversational sentence structure’. Kung isasalin umano ito sa wikang Filipino, ito ay “Alam kong nasa mabuti kang kalagayan ngayon.”

Samantala, ang pangungusap naman na tumutukoy sa pagyao o pagpanaw ay ‘better place’.

Tags: Kim ChiuVP Leni Robredo
Previous Post

Libreng Sakay sa NLET-Cubao at NLET-PITX, nagsimula na

Next Post

Nanguna si Mark Villar sa Senatorial Survey ng HKPH-Public Opinion and Research Center/ Asia Research Center

Next Post
Bakit ko iboboto si Mark Villar?

Nanguna si Mark Villar sa Senatorial Survey ng HKPH-Public Opinion and Research Center/ Asia Research Center

Broom Broom Balita

  • Lotto jackpot ng PCSO draw nitong Martes ng gabi, ‘di nasungkit ng mananaya
  • Mga lolang biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon, nagmartsa para sa hustisya
  • 2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’
  • Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero
  • 2 most wanted person sa Laguna, nakorner sa magkahiwalay na operasyon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.