• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

‘Sana’y mag-isip ka’: Romnick Sarmenta, nagpasaring kay Isko dahil sa mga tirada nito kay VP

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
April 20, 2022
in Showbiz atbp.
0
‘Sana’y mag-isip ka’: Romnick Sarmenta, nagpasaring kay Isko dahil sa mga tirada nito kay VP

Romnick Sarmenta (kanan) via Facebook/Manila Mayor Isko Moreno (kaliwa)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

May makahulugang pahayag ang aktor na si Romnick Sarmenta kay Manila Mayor Isko Moreno matapos ang sunod-sunod na tirada ng alkalde laban kay Presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Dahil sa mga pinakawalang hamon ng alkalde laban sa tanging babaeng kandidato sa pagkapangulo kabilang ang pag-atras ni Robredo sa halalan, tila nabigo ang kapwa “That’s Entertainment” star na si Romnick sa dating aktor.

“Kaibigan ang turing ko sa iyo. Ikinampanya kita noon, sa mas mababang posisyon dahil naniniwala ako sa mga pinaninindigan mo dati,” ani Romnick sa isang makahulugang tweet noong Martes.

Anang aktor, ang mga nasabi niya noon ay dala lang ng kanyang pagmamalakasakit sa alkalde kaya’t tatanggapin nito kung magagalit o magtatampo ito sa kanya.

“Sana’y mag-isip ka. ‘Di pa huli,” pagwawakas ni Romnick sa tweet.

Kaibigan ang turing ko sa iyo. Ikinampanya kita noon, sa mas mababang posisyon dahil naniniwala ako sa mga pinaninindigan mo dati.

Pwede kang magalit o magtampo sa akin. Pero ang mga sinabi ko kelan lang ay dala ng malasakit at di galit.

Sana'y mag-isip ka.
Di pa huli.

— Romnick Sarmenta #LeniKiko2022 (@Relampago1972) April 19, 2022

Ngayong Miyerkules, Abril 20 hindi pa natigil ang mga patutsada ni Isko sa kampo ni Robredo at pinanindigan nito ang aniya’y pag-alok ng kampo ng bise-presidente na umatras na sa halalan ang alkalde.

Unang hinapag ni Isko ang hamon kay Robredo sa ginanap na joint press conference sa Manila Peninsula noong Linggo, Abril 17.

Basahin: Yorme Isko kay VP Leni: “Deny n’yo na hindi n’yo kami pinaatras, kayo lang ba magaling?” – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala,  malinaw na mababasa sa kanyang serye ng tweets ang pagsuporta niya sa tandem ni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan ngayong eleksyon.

Kaugnay na balita: Yorme Isko, tinawag na ‘BBS’ ang kampo ni VP Leni: “Bilib na Bilib sa Sarili” – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matapos pumutok ang naunang naging pahayag kay Isko, kinumpirma ng aktor sa pamamagitan ng hiwalay na tweet na siya ang may hawak ng naturang Twitter account.

At sa lahat ng nagtatanong:

Opo.
Ako po ito.
Ang ama ng anim kong anak 💙❤️💛💚💜💙
Ang kabiyak ni Bie 🤍
Nagtratrabaho bilang artista.
Nagsasalita, bilang Pilipino.

Sorry po, di ako palasagot sa DMs.

— Romnick Sarmenta #LeniKiko2022 (@Relampago1972) April 20, 2022

Pinasalamatan din nito ang kapwa Kakampinks at hinikayat ang lahat na iwasan ang “hateful speech” and “disrespectful comments” sa social media na nagbubulgar sa pagkatao ng isang indibidwal.

I appreciate your kind remarks and encouragement.
Thank you and God bless everyone.

Let us keep this space free from hateful spreech and disrespectful comments.

And define ourselves through our words.

— Romnick Sarmenta #LeniKiko2022 (@Relampago1972) April 20, 2022
Tags: Isko Moreno DomagosoLeni-Kiko tandemRomnick SarmentaSen. Kiko PangilinanVice President Leni Robredo
Previous Post

Comelec, sinisi! Pamamahagi ng fuel subsidy, ‘di pa matutuloy — LTFRB

Next Post

Comelec: Pag-iimprenta ng voter’s information sheet, tapos na!

Next Post
PNP, AFP sa Comelec: Mahigit 300 lugar, ideklara bilang ‘areas of concern’

Comelec: Pag-iimprenta ng voter's information sheet, tapos na!

Broom Broom Balita

  • Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29
  • 2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA
  • ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz
  • Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda
  • Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

May 30, 2023
Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

May 30, 2023
Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

May 30, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano

May 30, 2023
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City

May 30, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.