• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Sal Panelo, game sa hiling ni Robin na collab concert kay Mega

Richard de Leon by Richard de Leon
April 20, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Sal Panelo, game sa hiling ni Robin na collab concert kay Mega

Sharon Cuneta at Salvador Panelo (Larawan mula sa FB/YT)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tumugon si senatorial candidate at Atty. Salvador ‘Sal’ Panelo sa hiling ng kapwa kandidato sa pagkasenador na si Robin Padilla na magkaroon sila ng sanib-puwersa ni Megastar Sharon Cuneta para sa isang concert, na alay sa ‘children with special needs’.

Sa kaniyang Facebook post noong Abril 18, nanawagan si Robin kay Vic Del Rosario, may-ari ng Viva Records at Viva Films, kung posible kayang maisakatuparan ito. Noong Easter Sunday, Abril 17, lumabas na ang official music video ng version ni Panelo ng naturang awitin, na mapapanood sa YouTube channel nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/20/hiling-ni-robin-isang-sharon-cuneta-salvador-panelo-concert-para-sa-children-with-special-needs/

“Ano kaya tatay boss Vic ng Viva Films, isang concert sa pagitan ni kambal mam Sharon Cuneta Pangilinan at ni sir sec Salvador ‘Sal Panalo’ Panelo para sa mga special children at maging hudyat na kilusan ng mga senador at magiging senador na makagawa ng panukalang batas para sa kapakanan ng mga batang may special needs,” saad ni Robin sa kaniyang FB post.

Sa comment section, tumugon naman si Sal Panelo at game siya sa ideyang ito.

“Game ako d’yan Senator Robin! Maraming salamat sa suporta mo!” komento ni Panelo.

Tumugon naman dito si Robin, “Salvador “Sal Panalo” Panelo Ikaw po ang senador ko po.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/29/sanay-wala-nang-wakas-kinanta-nirecord-ni-panelo-sa-tulong-ng-viva-records-ano-kayang-sey-ni-mega/

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

“Bad idea idol. 100% siguradong walang maidadagdag sa boto mo kundi baka makabawas pa sa inyo.”

“It’s not gonna work… Pls don’t do it! Thanks!”

“Why not? Kung papayag si Mega.”

“Pwede ‘yan, PERO pagkatapos na nang election para walang halong pamumulitika, talagang para sa mga batang may special needs.”

“Hindi po lahat ng panukala n’yo gusto ng marami, ‘wag mo isipin na kaya mo lahat gawan nang paraan Robin. Huwag mo na balakin baka maka-turn off na sa iba.”

Samantala, wala pang tugon o reaksyon dito sina Megastar at Boss Vic.

Naging maganda naman ang feedback ng mga tao sa rendition ni Panelo sa ‘Sana’y Wala Nang Wakas’ na nagdulot ng isyu sa kanilang dalawa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/

Tags: concertrobin padillaSal Panelosharon cuneta
Previous Post

₱14.8M marijuana, sinunog! 15 drug suspects, timbog sa Cordillera

Next Post

Ai Ai, tumugon kay Audie sa banat nitong mas nakakatawa, mas matalino si Pokie kaysa sa kaniya

Next Post
Ai Ai, tumugon kay Audie sa banat nitong mas nakakatawa, mas matalino si Pokie kaysa sa kaniya

Ai Ai, tumugon kay Audie sa banat nitong mas nakakatawa, mas matalino si Pokie kaysa sa kaniya

Broom Broom Balita

  • Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros
  • Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan
  • Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor
  • Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla
  • ₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

June 30, 2022
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 30, 2022
₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

June 29, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera

June 29, 2022
OCTA, idineklarang ‘very low risk’ para sa COVID-19 ang Metro Manila

PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes

June 29, 2022
Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

June 29, 2022
Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

June 29, 2022
Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.