• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Proud BF! Ricci Rivero, flinex ang jowang si Andrea Brillantes

Richard de Leon by Richard de Leon
April 19, 2022
in Showbiz atbp.
0
Proud BF! Ricci Rivero, flinex ang jowang si Andrea Brillantes

Ricci Rivero at Andrea Brillantes (Larawan mula sa FB/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Makalipas ang ilang linggo matapos ang pasabog na proposal ni UP Maroons basketball superstar Ricci Rivero kay Kapamilya actress Andrea Brillantes para maging girlfriend nito noong Abril 9, sa mismong SM Mall of Asia Arena, muling flinex ni Ricci ang kaniyang jowa sa kaniyang IG.

Makikita ngayong Martes, Abril 19 sa kaniyang IG story ang litrato ni Blythe at mukhang suot-suot nito ang kaniyang basketball uniform.

No description available.
Andrea Brillantes (Screengrab mula sa IG/Ricci Rivero)

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang mga viral videos na kinuha ng 23 anyos na basketball heartthrob ang mikropono sa Mall of Asia Arena, at saksi ang mga naroon ay tinanong ni Ricci ang 19 anyos na dalaga kung puwede bang maging sila.

“Can I ask Blythe (Andrea) to be my girlfriend?” tanong ni Ricci habang naghihiyawan sa kilig ang mga taong saksi sa paligid. Sa magkabilang gilid naman ay may dalawang taong may bitbit na itim na damit na may nakalagay na ‘YES’ at ‘NO’. Pinili ni Andrea ang YES hanggang sa naging emosyunal na ito.

Sa Twitter ni Ricci, agad na ipinahayag ng basketball player ang kaniyang kasiyahan: nakadalawang panalo nga naman siya ng gabing iyon!

“GOT TWO WINS TODAY! #UPFight || TAKEN,” saad sa tweet ni Ricci.

Samantala, ibinahagi naman ni Andrea sa kaniyang IG stories ang litrato niya na suot-suot ang damit na may YES habang may bouquet of flowers.

Matatandaang noong Pebrero 22, 2022 nagsimula ang bulung-bulungang mukhang may namamagitan na umano sa kanilang dalawa, dahil sa kanilang mga caption sa IG posts nila.

‘Hi’, sey ni Ricci, kasama ang petsang 2/22/22.

‘Hello,’ saad naman ni Andrea, na may petsang 2/22/22.

Subalit hindi nila kinumpirma kung may kinalaman sa isa’t isa ang kanilang mga IG post o nagkataon lamang at nabigyan ng malisya, batay sa napansin ng mga netizen.

Sa 19th birthday naman ni Andrea, pinutakti ng mga netizen ang birthday message ni Ricci para kay ‘Blythe’. Tinawag pa niya itong ‘Drew’. Saad ni Ricci,

“Happy Birthday, drew! :))” saad ni Ricci.

Simula nang maganap ito ay nagsanga-sanga na ang mga isyu at muli pang naungkat ang umano’y iringan sa pagitan nina Andrea at Francine dahil kay Seth Fedelin.

Naglabas ng kaniyang pahayag si Seth sa pamamagitan ng kaniyang IG Live.

Gayundin ang ginawa ni Andrea.

Hindi naman nagustuhan ng ina ni Francine ang ginawa nina Andrea at Seth at naglabas ito ng sama ng loob sa social media, na napakalma rin naman.

Pati ang kapatid ni Chin (Francine) ay naglitanya na rin.

Tags: Andrea BrillantesRicci Rivero
Previous Post

DOH: CAR at BARMM, nakitaan na rin nang pagtaas ng dengue cases

Next Post

Stop-and-go traffic scheme, ipatutupad sa Pasay sa Abril 20

Next Post
Number coding scheme, suspendido pa rin sa ilalim ng GCQ Alert Level 3

Stop-and-go traffic scheme, ipatutupad sa Pasay sa Abril 20

Broom Broom Balita

  • DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19
  • Dingdong Dantes, sorpresang binisita ng pamilya sa set ng Family Feud
  • Marawi siege victims, mababayaran na?
  • QC, naglunsad ng dagdag na mental health programs
  • BOC, nagbabala vs payment scam
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.