• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Mosang’ ng Lenlen series, kumalas sa VinCentiments; pinili si Robredo sa pagkapangulo

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
April 15, 2022
in Balita, Dagdag Balita, Eleksyon
0
‘Mosang’ ng Lenlen series, kumalas sa VinCentiments; pinili si Robredo sa pagkapangulo

Larawan mula Facebook post ni Rowena Quejada (kaliwa)/Screengrab mula sa Lenlen series (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Out and proud “Kakampink” na ngayon si Rowena Quejada, o nakilala bilang “Mosang” sa kontrobersyal na Lenlen series ni Darryl Yap.

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkalas ng isa sa mga cast ng serye na likha ng direktor na si Darryl.

Matatandaang Pebrero noong lumabas ang karakter ni Rowena bilang “Mosang” sa “Lenlen: The Untold Story” kasama si Sen. Imee Marcos, Juliana Parizcova at Roanna Marie.

Ang kanyang karakter ang nagbigay ng impormasyon sa senadora ukol kay “Lenlen”, na kritikal na nagpasaring sa isang kampo na tinukoy niyang “Parang Angat.”

Kilala ang kampanya ni Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa linyang “Sa gobyernong tapat, angat buhay lahat.”

Nitong Abril 9, tuluyan nang lumabas sa publiko bilang out and proud “Kakampink” si Rowena nang dumalo ito sa record-breaking na “The Manalakaran: Pampanga People’s Rally” sa San Fernando, Pampanga.

Suot ang pink na t-shirt, at mask na nakaukit ang pangalan at mukha ni Robredo, hayagan nitong lumabas sa Facebook para ipakilala ang kanyang manok sa pagka-pangulo.

“WE are PINK and YES we are here @ San Fernando, Pampanga,” mababasa sa kanyang Facebook caption.

Aktibo na ring nakikiisa si Rowena sa pangangampanya kay Robredo sa kanilang lugar kung saan makikita siyang namahagi ng poster sa ilang mga pamilihan.

Mababasa rin sa ilang serye ng kanyang facebook posts ang mga patutsada niya ukol sa korapsyon at aniya’y followers na umaalma kaagad kahit hindi wala siyang binabanggit na pangalan.

Local consultant ng Diwa Partylist si Rowena sa Olangapo City. Sa isang panayam, pagbabahagi niya, kahit na nagkaroon siya ng kontrata sa VinCentiments, ang producer ng seryeng pinagbidahan, ay pinili niya umanong hindi ipagpalit ang kanyang prinsipyo.

Aniya pa, handa rin daw siya na hindi na makuha ang hindi pa bayad na talent fee sa kanyang pag-arte sa ilan pang episodes ng serye.

Tags: Darryl YapLenlen seriesMosangVinCentiments
Previous Post

Medical aid para sa mahihirap na pasyente, isinusulong

Next Post

Mahigit 5,500 ‘bugok’ na pulis, sinibak sa serbisyo

Next Post
Mahigit 5,500 ‘bugok’ na pulis, sinibak sa serbisyo

Mahigit 5,500 'bugok' na pulis, sinibak sa serbisyo

Broom Broom Balita

  • Outgoing VP Leni kay Sen. Risa: ‘Ikaw na ang lider namin!’
  • Ken, napagkamalang tatay ng ipinagbubuntis ni Rita; may mensahe ‘as a friend’
  • Dennis, nag-sorry kay Leon; naglabas din ng open letter: ‘Miss ko lang kayo!’
  • Positivity rate ng Covid-19 sa NCR, tumataas pa rin — OCTA Research
  • Muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, mararamdaman sa Hunyo 28
Outgoing VP Leni kay Sen. Risa: ‘Ikaw na ang lider namin!’

Outgoing VP Leni kay Sen. Risa: ‘Ikaw na ang lider namin!’

June 27, 2022
Ken, napagkamalang tatay ng ipinagbubuntis ni Rita; may mensahe ‘as a friend’

Ken, napagkamalang tatay ng ipinagbubuntis ni Rita; may mensahe ‘as a friend’

June 27, 2022
Dennis, nag-sorry kay Leon; naglabas din ng open letter: ‘Miss ko lang kayo!’

Dennis, nag-sorry kay Leon; naglabas din ng open letter: ‘Miss ko lang kayo!’

June 27, 2022
Positivity rate ng Covid-19 sa NCR, tumataas pa rin — OCTA Research

Positivity rate ng Covid-19 sa NCR, tumataas pa rin — OCTA Research

June 27, 2022
Presyo ng gasolina, pinatungan ng ₱0.60 per liter

Muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, mararamdaman sa Hunyo 28

June 27, 2022
De Lima sa hindi paghingi ng tawad ni Duterte sa mga drug war victim: ‘History will judge him’

De Lima matapos ang operasyon: ‘I feel generally fine’

June 27, 2022
Xian Gaza kay Dennis Padilla: ‘Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan’

Xian Gaza kay Dennis Padilla: ‘Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan’

June 27, 2022
Dalagang may kapansanan, nagtapos bilang cum laude sa Pangasinan

Dalagang may kapansanan, nagtapos bilang cum laude sa Pangasinan

June 27, 2022
ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa

ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa

June 27, 2022
Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming-maraming salamat’

Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming-maraming salamat’

June 27, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.