• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Tinutukoy ni Kris Aquino na ‘pangako’ na hindi tinupad, diretsahang inamin ni Bistek

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
April 13, 2022
in Showbiz atbp.
0
Tinutukoy ni Kris Aquino na ‘pangako’ na hindi tinupad, diretsahang inamin ni Bistek

Larawan mula Instagram ni Kris Aquino (kaliwa)/Screengrab mula YouTube channel ni Ogie Diaz (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Diretsahang inamin ni Herbert ‘Bistek’ Bautista ang hindi natupad na mabigat niyang pangako kay Kris Aquino na naging usap-usapan din kamakailan matapos tahasang banggitin ng aktres sa isang campaign sortie sa Tarlac.

Nagbalik-tanaw si Bistek sa kanilang naging relasyon ni Kris sa kanyang panayam kay Ogie Diaz sa YouTube channel nito.

“She’s a very intelligent person, very caring person, talagang maalaga. Always the words of wisdom, lagi kang makakarinig sa kanya,” paglalarawan ni Bistek kay Kris sa kanilang naging maikling pagsasama.

Matatandaang taong 2014 nang aminin noon ni Kris sa national television ang estado ng kanilang relasyon ni Bistek. Ngunit ilang buwan lang nang maging usap-usapan ang pagpapaikli ng buhok ni Kris dahil umano sa paghihiwalay ng dalawa.

Mula noon ay naging matalik na magkaibigan si Kris at Herbert. Subalit naging madalang na rin ang naging pag-uusap nila na umaabot sa pagitan ng tatlo hanggang limang buwan, pagkukuwento ni Bistek.

Naungkat naman muli ang kanilang relasyon kamakailan matapos tahasang sabihin ni Kris sa isang campaign sortie sa Tarlac na ‘wag iboto ang isang ex na hindi umano marunong tumupad sa pangako.

“Nung nagsalita siya tungkol dun sa Tarlac, hindi ko naman inassume na ako yun kasi wala naman siyang binanggit na pangalan,” anang senatorial aspirant nang hingan ng reaksyon ukol sa pahayag ng kanyang ex.

Nang magkaroon ng pagkakataon na makapagsalita sa parehong lalawigan, saad ni Bistek kay Kris: “Malaki ang respeto ko sa pamilya mo at saka sa’yo. Yung pagmamahal ko sa iyo bilang kaibigan ay hindi nawawala. Pagaling ka at kumain ka nang marami. Which I would always tell her.”

Pagbubulgar niya, nangako siya ng “marriage” kay Kris. “Pinag-usapan namin yung marriage,” aniya. “Pero siyempre, ‘yung marriage is a process,” dagdag niya.

 “I think she went through the same pero whirlwind, eh. Parang laging whirlwind ‘yung dinadaanan niyang relationship na nagpapakasal siya,” teyorya ni Bistek kung bakit naging mabigat ito para kay Kris.

“Let’s go to the motion, to the process. We talked about it but because of her experience and because of what happened to me. Parang that conversation about marriage was serious but not as serious as really getting married,” pagbibigay detalye pa ni Bistek.

Samantala, kinumpirma ni Bistek na hindi na sila nagkakausap ni Kris ngayon.

“Hindi na kasi nadiyahe na rin naman ako. But I still consider her a friend and I know she still considers me her friend,” aniya.

Sa pinagdadaanan na sakit ngayon ng aktres, isang paumanhin naman ang binitawin ni Bistek sa dating kasintahan.

“I really feel bad about myself also. Wala ako dun sa tabi niya sa oras ng kanyang pangangailangan,” saad ni Bistek matapos humingi ng paumanhin sa aktres.

“I hope and pray she recovers soon enough.”

Sa huli, ayon kay Herbert, ang mga anak umano ni Kris ang pinaka-inaalala nito lalo nang simula siyang magkasakit.

“She’s always thinking about her children. She’s a very caring, very, very caring person. Hindi mo siya pwedeng tawaran,” ani Bistek.

Tags: herbert bautistakris aquino
Previous Post

Kanselasyon, limitadong biyahe sa PITX, asahan sa Biyernes Santo

Next Post

Mahigit 27 toneladang campaign materials, binaklas sa NCR

Next Post
Mahigit 27 toneladang campaign materials, binaklas sa NCR

Mahigit 27 toneladang campaign materials, binaklas sa NCR

Broom Broom Balita

  • P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet
  • Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez
  • Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint
  • Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon
  • 2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental
P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

July 3, 2022
Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

July 3, 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint

July 3, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

July 3, 2022
2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

July 3, 2022
‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

July 3, 2022
Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

July 3, 2022
DOH, ‘di inirerekomenda ang antigen test para sa mga maghahain ng COCs sa Oktubre

Higit 1,300 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong Linggo

July 3, 2022
CPP-NPA, mas epektibo raw ang mga hakbang sa pagtugon ng COVID-19 pandemic sa kanayunan?

Nakatagong mga armas ng NPA, nadiskubre sa Tarlac

July 3, 2022
Private hospitals, nakahanda sakaling muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa banta ng Omicron

Marcos, hinikayat na apurahin na ang pagpili ng bagong ‘responsableng’ hepe ng DOH

July 3, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.