• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Probinsya

1 patay, 1 sugatan matapos bumangga ang isang tricycle sa mini dump truck sa Pangasinan

Balita Online by Balita Online
April 12, 2022
in Probinsya
0
3 batang nag-o-online class, patay matapos bumangga sa tindahan ang isang ten-wheeler truck

File Photo/Balita

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ASINGAN, Pangasinan – Isa ang patay habang isa ang sugatan nang mabangga ng sinasakyan nilang tricycle ang isang mini dump truck sa kahabaan ng Magilas Trail, Sitio Cabaruan, Brgy. Bantog noong Lunes ng hapon.

Iniulat ng Pangasinan police nitong Martes na nawalan ng kontrol sa minamanehong tricycle si Marlon Duran, 40, nang pumutok ang gulong nito sa harap, dahilan para makapasok ang tricycle sa kabilang linya. Sunod na nabangga ng tricycle ang paparating na mini-dump truck na minamaneho ni Danilo Alvarado Jr., 35, residente ng Brgy. Cabaritan, San Miguel, Pangasinan.

Parehong nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Duran at ang kanyang pasahero na si Villaflor Balano, 40-anyos, ngunit malala ang mga natamong sugat ni Balano dahilan para hindi ito umabot sa pagamutan, dead on arrival sa Asingan Community Hospital.

Sina Duran at Balano ay kapwa residente ng Brgy. Namagbagan, Sta. Maria, Pangasinan.

Hindi naman nagtamo ng pinsala ang driver ng mini dump truck.

Parehong nasira ang dalawang sasakyan at nasa kustodiya na ngayon ng Police station para sa kaukulang disposisyon.

Liezle Basa Inigo

Tags: pangasinan
Previous Post

Noel Ferrer, nakiusap na ‘wag gamitin ang alaala ni Rico Yan sa personal na interes

Next Post

DOJ, nag-iimbestiga na kontra sa pekeng ‘sex video’ ng panganay ni Robredo

Next Post
DOJ, nag-iimbestiga na kontra sa pekeng ‘sex video’ ng panganay ni Robredo

DOJ, nag-iimbestiga na kontra sa pekeng 'sex video' ng panganay ni Robredo

Broom Broom Balita

  • Rendon, pinuri si Miss Glenda; may patutsada sa isang CEO
  • Matapos pasaringan ng biyenan: Sarah Lahbati, ibinida bagong project
  • Rendon kay Joey De Leon: ‘Dapat kayong matatanda ang magsilbing magandang halimbawa’
  • Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas
  • Pinoy na pari, itinalaga bilang auxiliary bishop sa US
Rendon, pinuri si Miss Glenda; may patutsada sa isang CEO

Rendon, pinuri si Miss Glenda; may patutsada sa isang CEO

December 9, 2023
Matapos pasaringan ng biyenan: Sarah Lahbati, ibinida bagong project

Matapos pasaringan ng biyenan: Sarah Lahbati, ibinida bagong project

December 9, 2023
Rendon kay Joey De Leon: ‘Dapat kayong matatanda ang magsilbing magandang halimbawa’

Rendon kay Joey De Leon: ‘Dapat kayong matatanda ang magsilbing magandang halimbawa’

December 9, 2023
Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas

Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas

December 9, 2023
Pinoy na pari, itinalaga bilang auxiliary bishop sa US

Pinoy na pari, itinalaga bilang auxiliary bishop sa US

December 9, 2023
Cargo aircraft ng PAF, sumadsad sa Palawan airport

Cargo aircraft ng PAF, sumadsad sa Palawan airport

December 9, 2023
‘Wowowin’ ni Willie Revillame, magbabalik

‘Wowowin’ ni Willie Revillame, magbabalik

December 9, 2023
Annabelle Rama, ayaw maghiwalay sina Richard at Sarah: ‘Mahal ko ang mga apo ko’

Annabelle Rama, ayaw maghiwalay sina Richard at Sarah: ‘Mahal ko ang mga apo ko’

December 9, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

December 9, 2023
Pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Isabela, nawawala pa rin

Pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Isabela, nawawala pa rin

December 9, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.