• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Pelikulang ‘Starting Over Again’, muling naungkat dahil sa political stand nina Toni, Iza, at Piolo

Richard de Leon by Richard de Leon
April 11, 2022
in Showbiz atbp.
0
Pelikulang ‘Starting Over Again’, muling naungkat dahil sa political stand nina Toni, Iza, at Piolo

Toni Gonzaga, Piolo Pascual, at Iza Calzado (Larawan mula sa Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ipinahayag ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual na isa siyang certified Kakampink o tagasuporta ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

“Si Leni Robredo ang Presidente ko…” saad sa caption ng Instagram post ni Papa Pi ngayong Lunes, Abril 11 ng tanghali. Ibinahagi niya ang isang video message na nagsasaad na si VP Leni ang sinusuportahan niya para sa darating na eleksyon.

“Ang sarap pakinggan ng salitang pagkakaisa no? Pero mas masarap siyang maranasan,” saad ni Piolo.

“Mahirap at mayaman, babae at lalaki, bata at matanda… lahat ay magkakasama. Lahat ay isinasantabi ang pagkakaiba para magkaroon ng ambag sa bayan. Parang noong simula ng pandemya at nagkakanda-ubusan ng PPE sets para sa ating mga frontliners, mga nagkakaisang Pilipino ang nag-ambagan para mabilis na maaksyunan ang kakulangan.”

“Sa punto ng buhay at kamatayan, ang pagkakaisa natin ang nagbibigay ng tatag at pag-asa kaya marami tayong nagagawa. Hindi para sa sarili kundi para sa kapwa. Ganito ang itsura ng totoong unity,” saad pa ni Piolo.

“Naka-attend ka na ba ng rally ni Leni Robredo? Ganito rin kasi ang pagkakaisang nangyayari eh. Mga magsasakang naglalakad para makarating sa venue, mga volunteers na gumagastos ng sariling pera para mangampanya, mga nanay na kasama ang mga anak nila sa laban. Mga senior citizen na hindi na iniinda ang mga sakit, dahil ang kampanyang ito ay hindi na tungkol sa iisang pamilya o kandidato, kundi para sa Pilipinas na gusto nilang ipamana sa ating lahat.”

“Ang totoong pagkakaisa ay isang pangako na walang maiiwan, lahat tayo magkakasabay na humahakbang para sa pangarap na lipunan, at ang totoong pagkakaisa ay inspirasyon at panawagan na tayong lahat ay gumawa ng kabutihan. Ang sarap ng ganyang klase ng pagkakaisa! Ramdam mong malayo ang mararating nating lahat!”

“Sure ako, totoong malalim ang unity ng mga Pilipino, kung tapat, mahusay at mabuti ang namumuno. Hindi ito yung pagkakaisa ng mga political dynasty para sa sarili nilang interes. Ang totoong unity ay pagkakaisa ng taumbayan. Pilipino para sa kapwa Pilipino. Iisa lang ang taong nagpakita at nakapagparamdam niyan sa atin sa loob ng napakaraming taon. Si Leni Robredo lang.”

“At si Leni Robredo lang ang tanging iboboto kong pangulo ngayong eleksyon,” pahayag pa ni Piolo.

Dahil dito, muli na namang naungkat ang box-office movie na ‘Starting Over Again’ ng Star Cinema na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, kasama si Iza Calzado.

Sa naturang pelikula, hindi pinili ni Marco (karakter ni Piolo) ang ex-jowa na si Ginny (karakter ni Toni) at ang pinakasalan nito ay si Patty (ginampanan ni Iza Calzado) na kaniyang recent girlfriend.

Sa bandang dulo naman, nagkaroon ng cameo role ang tunay na boyfriend ni Toni, na ngayon ay asawa na niya, na si Direk Paul Soriano, na sa kasalukuyan ay parehong nagpahayag ng pagsuporta sa UniTeam.

Sina Piolo at Iza naman, parehong Kakampink.

Kaagad na lumabas ang pagiging ‘malikhain’ ng mga netizen sa paggawa ng memes tungkol dito.

Image
Piolo Pascual, Iza Calzado, at Toni Gonzaga (Larawan mula sa Twitter)
Piolo Pascual at Toni Gonzaga (Larawan mula sa Twitter)
Piolo Pascual at Toni Gonzaga (Larawan mula sa Twitter)
Piolo Pascual at Toni Gonzaga (Larawan mula sa Twitter)

“Toni G. this is the explanation and acceptable reason that you deserve. Eme.”

“Sabi siguro ni Toni G kay Papa Pi, ‘I deserve an explanation'”.

“The Starting Over Again memes are coming. Deserve mo ‘yan Ginny.”

“Kaya naman pala hindi pinili ni Marco si Ginny… talagang compatible sila ni Patty.”

“FINALLY! Marco and Patty forever!”

“Now i know why Marco chose Patty over Ginny, they really deserve each other. Marco and Patty end game that’s it!!! Both Iza and Piolo are kakampink y’all they are both for LENI.”

Bukod sa pelikula, ginawan din ng memes ang commercial nina Piolo at Toni para sa isang softdrinks kung saan isinigaw ni Toni ang “I love you, Piolooooo!!!!” at dito na sila nagsimulang sumikat.

Habang isinisulat ito, trending na ang mga salitang “Ginny” at “Mama Mary” sa Twitter.

Image
Screengrab mula sa Twitter
Tags: Ginnyiza calzadoMama Marypiolo pascualStarting Over Againtoni gonzaga
Previous Post

MMDA, DOTr, LTFRB nagsagawa ng inspeksyon sa PITX

Next Post

Manila COVID-19 Field Hospital, patuloy na tumatanggap ng mga pasyente — Mayor Isko

Next Post
OCTA: Hospital bed occupancy sa NCR, tumaas ng 41%

Manila COVID-19 Field Hospital, patuloy na tumatanggap ng mga pasyente -- Mayor Isko

Broom Broom Balita

  • ‘For the love of nature!’ Environment-inspired na obra ng isang estudyante, hinangaan
  • 7 panukalang batas vs teenage pregnancy, pasado na sa House committee level
  • 2 Japanese senior citizen, pinakamatandang foreigners na nakaakyat sa Mt. Apo
  • Wanted na Japanese dahil sa pamemeke ng kasal, timbog sa Maynila
  • 3 parak, timbog matapos mahulihan ng P1.4-M halaga ng ‘shabu’ sa Cavite
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.