• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

220,000 ‘Kakampinks’ sa Pampanga, pinalagan ang rekord ng Pasig rally; bayanihan, ipinamalas

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
April 10, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0

Larawan mula Facebook post ni Del Laddaran/Pampanga People's Rally para sa Leni-Kiko tandem

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ilang linggo lang matapos magtala ng nasa 90,000 na dumalo sa tinawag na “#PasigLaban” grand rally ng Leni-Kiko tandem, pinalagan ang nasabing rekord matapos dumugin ng nasa 220,000 Kakampinks ang rally sa San Fernando, Pampanga, Sabado, Abril 9.

Ang record-breaking na “MANALAKÁRAN: Pampanga People’s Rally” nina Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo at running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan ay isang mabigat na paghamon sa lalawigan na kilalang baluwarte ni dating Congressman Gloria Arroyo ng unang distrito ng Pampanga, kilalang kaalyado ng mahigpit na karibal ni Robredo sa Palasyo na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaang kamakailan ay nagbitiw ng mabigat na prediksyong “landslide victory” sa lalawigan ang kongresista at dating pangulo para kay Marcos Jr.

Tinatayang namang nasa 220,000 na mga tagasuporta ng Tropang Angat ang pumuno sa open area ng Robinsons Starmill sa San Fernando, Pampanga, ayon sa pagtatala ng lokal na pulisya.

Sa kanyang talumpati, naglatag ng resibo si Robredo sa mga Kapampangan sa kanyang anim na taong administrasyon sa Office of the Vice President (OVP). Aniya, ito ang magpapatunay na tinutupad nila ang kanilang mga pangako.

Muli ring iginiit ng naghahangad na pangulo ang pagyakap sa anumang kulay kung siya ang mailuluklok na sa Palasyo.

“Ang obligasyon namin, dapat kami maging lingkod-bayan sa kahit anong kulay. Ngayon, marami sa inyong naka-pink. Pero ‘pag ako naging pangulo, magiging pangulo ako hindi lang ng naka-pink, pero magiging pangulo ako ng lahat na kulay,” pangako ni Robredo sa 220,000 Kakampinks at libu-libong nanunuod sa magkakahiwalay na online broadcasts ng pagtitipon.

Naging highlight din ng rally ang emosyonal na si Pangilinan matapos sorpresang umakyat sa entablado ang ilang magsasaka sa Pampanga at inendorso ang kandidatura nito kasama ang ka-tandem na si Robredo.

Samantala, pinuri ng mga netizen at kapwa Kakampinks ang umiral na pagbabayanihan sa naganap na rally sa tinaguriang “Culinary Capital of the Philippines.”

Bukod kasi sa malikhaing presentasyon sa mismong venue at mga higanteng parol na ibinalandra sa ilang sulok ng venue, bumuhos din ng libreng pagkain, alcohol, at tubig para sa mga dumalo.

Star-studded din ang rally na dinaluhan ng ilang sikat na celebrities kabilang na si Nadine Lustre, Miles Ocampo, Jona, Sam Concepcion, bukod sa iba pa.

Basahin: Grand rallies ng UniTeam sa Leyte, Leni-Kiko sa Pampanga bukas, star-studded! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tags: Leni-Kiko tandempampangaSen. Kiko PangilinanVice President Leni Robredo
Previous Post

Sharlene San Pedro, gigil kay Xian Gaza; tinawag na ‘nagpapakalat ng fake news’ at ‘clout chaser’

Next Post

Xian Gaza, binanatan sina Ricci, Andrea; proposal, scripted lang daw?

Next Post
Xian Gaza, binanatan sina Ricci, Andrea; proposal, scripted lang daw?

Xian Gaza, binanatan sina Ricci, Andrea; proposal, scripted lang daw?

Broom Broom Balita

  • 2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize
  • Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes
  • 10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG
  • Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano
  • Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado

June 3, 2023
Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

June 3, 2023
Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

June 3, 2023
Capiz, nagtala na rin ng kaso ng African Swine Fever

Antique, nag-iisang lalawigan sa Western Visayas na walang kaso ng ASF

June 3, 2023
Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

June 3, 2023
Food stamp program, pinag-aaralan pa! — DSWD official

Food stamp program, pinag-aaralan pa! — DSWD official

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.