• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

‘Walang arti-artista dito’: Rita Avila, may pakiusap sa bashers ng celebrity Kakampinks

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
April 8, 2022
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
‘Walang arti-artista dito’: Rita Avila, may pakiusap sa bashers ng celebrity Kakampinks

Mga larawan mula sa Facebook account ni Rita Avila

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Para sa batikang aktres na si Rita Avila, ang mga artistang sumasama sa kampanya ni Presidential hopeful at Vice President Leni Robredo ay mamayang Pilipino rin na naghahangad ng maayos na pamumuhay para sa lahat.

Ito ang ipinunto ng celebrity Kakampink sa kanyang obserbasyon ng pagtawag na “laos” sa mga artista o singer na nakikiisa sa kampanya ni Robredo.

“Mas laos ang mga nagfafollow sa‘min o nagpupunta sa socmed [social media] account namin para mamintas lang. Kaya namin ‘yan. Kasama sa trabaho namin yan eh,” pahayag ng aktres sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, Abril 8.

Iginiit din ni Rita na “walang arti-artista” sa panahon ng kampanya.

“Sumusuporta kami bilang FILIPINO CITIZENS, para sa buhay nating lahat lalo na yung nasa laylayan. Wala ng arti-artista dito. Bilang TAO katulad nyo ay gusto din namin ng maayos na pamumuhay para sa LAHAT ng Pilipino. Kasama kayo,” dagdag ni Rita.

Pinasalamatan naman ni Rita ang mga patuloy na naniniwala sa lugar ng mga celebrity pagdating sa eleksyon, sa kaso ng artista, sa kampanya ni Robredo.

“Salamat sa inyo. Ang mundong ito ay uhaw sa mabubuting salita, totoong salita, at pang-angat na salita,” ani Rita.

Iginiit ng aktres na ang pagkakaiba aniya ng “paninira” sa katotohanan.

“Galit sila sa “paninira” daw natin. Wala namang paninira, sinabi lang natin ang totoong kasiraan para alam ng iba.”

“Masama ang ginagawa nila na nagbabayad para may manira, mambastos at balikuin ang kwento tungkol kay VP Leni. Masama ang ginagawa nila na pinaniniwala ang mga tao ng maling impormasyon,” aniya.

Pakiusap ng aktres sa mga namimintas sa kanilang mga artista, “Huwag kayo magalit sa’min.”

Inaasahan naman ng celebrity Kakampink na lalala pa ang “paninira at pambabastos” sa mga kagaya niya artista sa likod ng kandidatura ni Robredo.

“Lalala pa ang paninira at pambabastos nyo. Ang bigat na dalahin nyo yan mga kapatid at anak kong Pilipino. Negative minds + Negative words = Negative health and Negative lives,” ani Rita.

Si Rita ay isa sa mga aktibong celebrity Kakampink na nakikiisa sa mga house to house campaigns at grand rally ni Robredo at ng running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan.

Tags: KakampinksRita AvilaSen. Kiko PangilinanVice President Leni Robredo
Previous Post

Overseas voting magsisimula na sa Abril 10

Next Post

MMDA: EDSA, ire-repair ngayong weekend

Next Post
MMDA: EDSA, ire-repair ngayong weekend

MMDA: EDSA, ire-repair ngayong weekend

Broom Broom Balita

  • Marcos, hands-off sa imbestigasyon vs sugar import order
  • Departamento ng Kasaysayan sa UP, may libreng webinar para sa mga guro ng Kasaysayan ng Pilipinas
  • Police assistance, mahigpit na ipatutupad sa Cordillera
  • Lovi Poe, may ‘short but sweet’ birthday message para sa dyowang scientist, filmmaker
  • Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong
Marcos, hands-off sa imbestigasyon vs sugar import order

Marcos, hands-off sa imbestigasyon vs sugar import order

August 13, 2022
Departamento ng Kasaysayan sa UP, may libreng webinar para sa mga guro ng Kasaysayan ng Pilipinas

Departamento ng Kasaysayan sa UP, may libreng webinar para sa mga guro ng Kasaysayan ng Pilipinas

August 13, 2022
Police assistance, mahigpit na ipatutupad sa Cordillera

Police assistance, mahigpit na ipatutupad sa Cordillera

August 13, 2022
Lovi Poe, may ‘short but sweet’ birthday message para sa dyowang scientist, filmmaker

Lovi Poe, may ‘short but sweet’ birthday message para sa dyowang scientist, filmmaker

August 13, 2022
Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong

Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong

August 13, 2022
Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol

Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol

August 13, 2022
Vice Ganda, umeksena muli sa isang digital billboard sa Seoul, South Korea

Vice Ganda, umeksena muli sa isang digital billboard sa Seoul, South Korea

August 13, 2022
Executive Secretary Rodriguez, ‘di nag-resign — Malacañang

Idinipensa ng Malacañang: Rodriguez, ‘di sangkot sa ‘illegal’ sugar importation

August 13, 2022
Maguindanao, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol; aftershocks, inaasahan!

Maguindanao, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol; aftershocks, inaasahan!

August 13, 2022
Herlene, aminadong maaaring ‘for the traffic’ ang naging sagot sa Q&A kung ‘di naisalin sa Tagalog

Herlene, aminadong maaaring ‘for the traffic’ ang naging sagot sa Q&A kung ‘di naisalin sa Tagalog

August 13, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.