• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro Eleksyon

Tagasuporta ni Marcos Jr., sumugod sa campaign sortie ni Robredo sa Pangasinan

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
April 8, 2022
in Eleksyon, National / Metro
0
Tagasuporta ni Marcos Jr., sumugod sa campaign sortie ni Robredo sa Pangasinan

Larawan mula VPLR Media Bureau (kaliwa) at screengrab mula Facebook video (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi napigilan ang mga tagsuporta ni dating senador Bongbong Marcos Jr. at sumugod pa sa isang campaign sortie nina Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo at running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan nitong Biyernes, Abril 8.

Sa Pangasinan nanligaw ngayong araw ang Robredo-Pangilinan tandem, isa sa mga lalawigang kabilang sa tinatawag na “Solid North” o umano’y baluwarte ng mahigpit na karibal ni Robredo sa Palasyo na si Marcos Jr.

Sa kumakalat nang video sa social media nitong Biyernes, makikita ang ilang mga tagasuporta ni Marcos na sumugod sa isang sortie ng Robredo-Pangilinan sa Villasis, Pangasinan.

Dala ang poster na nakaimprenta ang mukha ng UniTeam tandem nina Marcos at running mate nitong si Davao City Mayor Inday Sara, “BBM-Sara” ang sigaw ng grupo habang maririnig ang talumpati ni Pangilinan.

Tila napansin naman ni Robredo ang grupo ngunit sa halip na kundenahain at pinasalamatan ng kandidato ang nasabing grupo.

“Ang Pilipino sanay na  nagrerespeto ng bawat isa kahit ano ‘yung paniniwala. Ang magsasalba po sa atin hindi yung mga gusto natin kandidato pero ‘yung pagkakaisa natin lahat. Ang tunay na pagkakakiisa nakaugat sa mabuting pag-uugali. Ang tunay na pagkakakiisa nag-uugat sa pagrespeto ng bawat isa kahit iba ang paniniwala natin,” maririnig na sabi ni Robredo habang sinabayan ng hiyawan ng mga Kakampink.

“Kaya po ako nagpapasalamat sa inyo, pinaglalaban niyo ‘yung paniniwala niyo kahit mahirap. Doon po natin nasusukat ‘yung pagmamahal natin sa ating bayan; na kahit mahirap, minamahal pa rin natin ang ating bayan; na kahit mahirap, pinaglalaban pa rin natin yung paniniwala natin na tama—na hindi lang tayo basta-basta sumusunod sa agos. Tinitignan natin, saan ba mapapabuti ang ating bayan,” dagdag niya.

Makikita namang tila tumahimik ang grupo sa talumpati ng bise-presidente.

Samantala, tinatayang nasa 60,000 na mga Pangasinense ang naitala ng lokal na pulisya na sumipot sa #TalindegPangasinan sa Dagupan City nitong Biyernes para sa tandem.

Ilang trending topics din ng grand rally ang naitala sa Twitter kabilang ang #TalindegPangaisnan, #PampangaisPink, #KabaLENIKIKO, bukod sa iba pa.

I HEAR Y'ALLL!! 🤣🎀🎀#TalindegPangasinan #PangasinanforLeni pic.twitter.com/omBCYyjCZG

— Klent (@klent01) April 8, 2022

Capitol employees left their office stations to welcome and cheer Vice President Leni Robredo as she arrived at the Pangasinan Capitol to meet with Governor Pogi Espino and 9 incumbent Board Members.
#TalindegPangasinan#GalilaLeniLa #PangasinanIsPink #WalangSolidNorth pic.twitter.com/334slS3shn

— Angeli Rivera (@AngeliRivera17) April 8, 2022

Pangasinan is going to be epic.#TalindegPangasinan pic.twitter.com/1dCSlkRA0K

— Gerry Cacanindin (@GerryCacanindin) April 8, 2022
Tags: Bongbong MarcosLeni Robredo
Previous Post

Vicky Belo, itinatago ang tunay na edad kay Scarlet Snow; dahilan ng ina, may hugot

Next Post

Grand rallies ng UniTeam sa Leyte, Leni-Kiko sa Pampanga bukas, star-studded!

Next Post
Grand rallies ng UniTeam sa Leyte, Leni-Kiko sa Pampanga bukas, star-studded!

Grand rallies ng UniTeam sa Leyte, Leni-Kiko sa Pampanga bukas, star-studded!

Broom Broom Balita

  • Manay Lolit, 75, sasailalim sa isang kidney transplant, grateful sa kaniyang sponsors
  • Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na
  • ₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd
  • May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch
  • Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang
Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

August 19, 2022
₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

August 19, 2022
May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

August 19, 2022
Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

August 19, 2022
‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

August 19, 2022
Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22

Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22

August 19, 2022
Vice Ganda, tinuldukan ang chismis na hiwalay na sila ni Ion Perez

Vice Ganda, tinuldukan ang chismis na hiwalay na sila ni Ion Perez

August 19, 2022
Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay

Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay

August 19, 2022
Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’

Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’

August 19, 2022
30 bahay, nasunog sa Pasay City

30 bahay, nasunog sa Pasay City

August 19, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.