• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro Eleksyon

Grand rallies ng UniTeam sa Leyte, Leni-Kiko sa Pampanga bukas, star-studded!

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
April 8, 2022
in Eleksyon, Showbiz atbp.
0
Grand rallies ng UniTeam sa Leyte, Leni-Kiko sa Pampanga bukas, star-studded!

Mga larawan mula Instagram

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Parehong nakatakdang ganapin bukas, Sabado, Abril 9, ang magkahiwalay na grand rallies ng UniTeam at Leni-Kiko tandem sa Leyte, at Pampanga, ayon sa pagkakasunod-sunod. Ilang kilalang celebrities naman ang inaasahang present sa parehong kampanya.

Inaasahang mapupuno ng UniTeam tandem nina Presidential candidate Bongbong Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang Grandstand sa Tacloban City, bukas, Sabado.

Kilalang baluwarte ng pamilyang Marcos ang isla ng Leyte kung saan nagmula ang dating First Lady na si Imelda Marcos.

Ayon sa listahan ng mga performers, star-studded ang grand campaign rally para sa show of force ng mga tagasuporta ng mga Waraynon sa BBM-Sara.

Kabilang sa mga magpe-perform sina Toni Gonzaga, Andrew E, Renz Verano, Anton Diva, Bayani Agbayani, Karla Estrada, Rodjun Cruz, Plethora, Salbakuta, Siakol, Dukas band, Beverly Salvejo at The Fridays and ILT band.

Samantala, inanunsyo na ng Traffic Operation Management Enforcement and Control Office (Tomeco) ng Taclovab ang pagsasara ng ilang mga kalsadang ito para sa nasabing political event:

1. Corner Avenida Veteranos – Salazar St (patungong Eastern Visayas State University)

2. Corner Avenida Veteranos – Paterno St (patungong Leyte Normal University)

3. Corner Avenida Vetaranos – Juan Luna St

4. Real – Indepencia St.

5. Utap -Sampaguita- Apitong road (Pinapayuhan ang mga motorista na bagtasin na lang ang El Reposo)

6. Athletic Road

Pupunuin din ng mga maningning na celebrities ang tinawag na “Malakaran: Pampanga People’s Rally” nina Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo at running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan sa San Fernando, Pampanga.

Kasama sa mga showbiz personalities na kasama sa rally sina Nadine Lustre, Jona, Sam Concepcion, Gab Valenciano, The Company, Bukas Palad Music Ministry, at ang mga bandang Mayonnaise, The Itchyworms at Rivermaya.

Magsisilbing hosts naman sa parehong event sina Jolina Magdangal, Nikki Vladez, K-Brosas, Pepe Herrera, Alex Calleja, Elijah Canlas, Kokoy De Santos, Miles Ocampo, Mela Habijan, Miles Ocampo, Mama Loi at Ogie Diaz.

Sa Robinsons Starmills, San Fernando Pampanga nakatakdang ilunsad ang star-studded rally ng Leni-Kiko tandem.

Tags: Bongbong Marcosjonalyn virayNadine Lustretoni gonzagaVice President Leni Robredo
Previous Post

Tagasuporta ni Marcos Jr., sumugod sa campaign sortie ni Robredo sa Pangasinan

Next Post

DOT, nakapagtala ng higit 200k dayuhang turista mula nang buksan borders ng bansa

Next Post
DOT, nakapagtala ng higit 200k dayuhang turista mula nang buksan borders ng bansa

DOT, nakapagtala ng higit 200k dayuhang turista mula nang buksan borders ng bansa

Broom Broom Balita

  • Herlene Budol, proud sa sagot tungkol sa history kahit kinuyog ng iba’t ibang reaksiyon
  • 2 PBA players, naidagdag sa training pool ng Gilas Pilipinas
  • 9 pang senador, naidagdag na miyembro ng CA
  • Reporter, tinanggihan ng OPS–Malacañang Press Corps, umalma!
  • IT expert, ipinwesto ni Marcos sa Comelec
Herlene Budol, proud sa sagot tungkol sa history kahit kinuyog ng iba’t ibang reaksiyon

Herlene Budol, proud sa sagot tungkol sa history kahit kinuyog ng iba’t ibang reaksiyon

August 16, 2022
2 PBA players, naidagdag sa training pool ng Gilas Pilipinas

2 PBA players, naidagdag sa training pool ng Gilas Pilipinas

August 16, 2022
4 sa outgoing senators, nagsimula na sa pag-e-empake

9 pang senador, naidagdag na miyembro ng CA

August 15, 2022
Reporter, tinanggihan ng OPS–Malacañang Press Corps, umalma!

Reporter, tinanggihan ng OPS–Malacañang Press Corps, umalma!

August 15, 2022
IT expert, ipinwesto ni Marcos sa Comelec

IT expert, ipinwesto ni Marcos sa Comelec

August 15, 2022
4.4-magnitude, yumanig sa Leyte

Magnitude 5.6, tumama sa Davao del Sur

August 15, 2022
Dating DA chief, itinalaga bilang undersecretary

Dating DA chief, itinalaga bilang undersecretary

August 15, 2022
VM Lacuna, nanawagan ng respeto para sa LGBTQ+ community

Mayor Honey: Quarantine facilities sa mga paaralan sa Maynila, tatanggalin na

August 15, 2022
DA, binira sa smuggling ng sibuyas

DA, binira sa smuggling ng sibuyas

August 15, 2022
DOTr sa mga bus, PUVs, terminals sa NCR: Minimum health protocols at 70% capacity, tiyaking nasusunod

Dahil sa F2F classes: Mas maraming bus at bus stops sa EDSA busway, nais ng DOTr

August 15, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.