• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Xian Gaza, agad na naglatag ng depensa matapos magbanta ng legal na rekurso ang GMA

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
April 5, 2022
in Showbiz atbp.
0
Xian Gaza, agad na naglatag ng depensa matapos magbanta ng legal na rekurso ang GMA

Larawan mula Instagram ni Alden Richards (kanan) at Facebook page ni Xian Gaza (kaliwa)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Bagaman unang ipinagkibit-balikat ni Xian Gaza ang pahayag ng Sparkle GMA Artist Center at ang banta nitong magsampa ng legal na rekurso kaugnay ng pagpapakalat ng “digitally altered” na larawan ni Alden Richards, isang mahabang depensa ang agad na inilatag ng online personality, gabi ng Lunes.

Tila hindi nabahala ang online Marites na si Xian at nagawa pang i-share ang pahayag ng GMA Artist Center na unang kinundena ang pagpapakalat ng manipuladong larawan ng Kapuso actor.

Basahin: Malisyusong larawan ni Alden, peke pala; GMA, magsasampa ng kaso vs Xian Gaza? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“AYAN AYAN SIGE KAYO PAKALAT NG FAKE NUDE PHOTO NI ALDEN RICHARDS TSK TSK! VERY WRONG! ITO’Y ISANG MALINAW NA PANINIRANG PURI SA NAPAKAGWAPONG AKTOR NG GMA KAYA DAPAT KAYONG MASAMPAHAN NG CYBERLIBEL AT MANAGOT SA BATAS! MABULOK SANA KAYO SA KULUNGAN MGA WALANG HIYA KAYO!” mababasa sa caption ni Xian sa ibinahaging pahayag ng GMA.

Matatandaang naging entry ng April Fool’s Day ni Xian si Alden Richards dahilan para mapag-usapan ang umano’y hubad na larawan ng aktor. Ilang komento pa ang binitawan nito na sa pag-uulat ay burado na.

Gayunpaman, agad na naglatag ng hypothetical legal defense ang online personality na tila tugon sa planong paghahain ng kaso ng GMA laban sa mga nasa likod ng malisyusong pagpapakalat ng larawan ni Alden.

“Kapag inedit mo ang larawan ng isang tao at ginawa itong malaswa na hubo’t hubad, it will fall under defamation. The burden of proof is with the prosecution. Kailangan nilang mapatunayan na ikaw mismo ang nag-edit nito by conducting a digital forensics sa mobile phone, iPad or computer mo.

“Kapag naman nakatanggap ka ng fake nude photo tapos pinakalat mo ito, it will fall under defamation. The burden of proof is with the prosecution. Kailangan nilang mapatunayan na pinakalat mo ito by conducting a digital forensics sa mga gadgets, messaging apps and social media accounts mo.

“Kapag pinost mo sa Facebook yung fake nude photo na hubo’t hubad including the digitally altered genitalia, it will automatically fall under defamation. But without the genitalia, it is not libellous at all. Unless sabihin mo sa caption na mayroon kang nude photo ni plaintiff at nagtanong ka kung sino ang gusto mapasahan nito,” mababasa sa ilang punto ni Xian sa isang Facebook post.

Screengrab mula Facebook post ni Xian Gaza

Dagdag niya, ang cyberlibel ay isang “criminal case” na may uring “territorial.”

“Meaning to say, yung pag-commit sa krimen ay dapat nangyari sa loob ng Philippine territory,” saad ni Xian.

“Kung ang libellous post ay inexecute sa isang IP address sa labas ng Pilipinas, yung libel case ay dapat i-file sa bansang kinaroroonan nung exact IP address.

“Ang tanong ngayon, paano naging defamation kung ang findings sa digital forensics ay hindi naman pala ikinalat nung suspect ang malisosyong larawan? Sinave niya lamang ito matapos ma-receive mula sa isang tao,” dagdag na mga depensa ng online personality.

“Case dismissed” ang agad na hatol ni Xian.

Sa pag-uulat, hindi pa tumugon sa mga inilatag na depensa ni Xian ang home network ng aktor.

Tags: Alden RichardsXian Gaza
Previous Post

‘Omicron XE’ binabantayan na ng DOH

Next Post

Angelica Panganiban, may banat sa isang basher na apektado umano sa salitang ‘magnanakaw’

Next Post
Angelica Panganiban, may banat sa isang basher na apektado umano sa salitang ‘magnanakaw’

Angelica Panganiban, may banat sa isang basher na apektado umano sa salitang 'magnanakaw'

Broom Broom Balita

  • Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay
  • Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’
  • 30 bahay, nasunog sa Pasay City
  • 140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic
  • ₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan
Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay

Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay

August 19, 2022
Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’

Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’

August 19, 2022
30 bahay, nasunog sa Pasay City

30 bahay, nasunog sa Pasay City

August 19, 2022
140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

August 19, 2022
₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

August 19, 2022
Utos na umangkat ng 300K metriko toneladang asukal, illegal — Malacañang

150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang

August 18, 2022
Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

August 18, 2022
Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

August 18, 2022
Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

August 18, 2022
Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.