• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Malisyusong larawan ni Alden, peke pala; GMA, magsasampa ng kaso vs Xian Gaza?

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
April 4, 2022
in Showbiz atbp.
0

Larawan mula Instagram ni Alden (kaliwa) at Facebook page ni Xian Gaza (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinabulaanan ng Sparkle GMA Artist Center ang kamakailang kumalat na hubad na larawan ni “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards na lalong pinag-usapan matapos ichika ng online marites na si Xian Gaza.

Sa isang pahayag nitong Lunes, Abril 4, pinabulaanan ng kampo ng GMA ang larawan at sinabing peke at “digitally altered” ito.

Mapapansin na sa ibinahaging mga larawan sa kanyang Instagram noong Enero, iflinex ni Alden ang resulta ng kanyang “discipline” sa katawan. Naging mitsa naman ito sa malisyusong manipulasyon ng larawan.

Larawan mula Instagram ni Alden Richards

Kinundena ng artist center ang pagpapakalat ng pekeng larawan kabilang ang mga walang basehang mga paninira sa kanilang artist.

“Mr. Richards is a role model for many people and we strongly condemn perpetrators of malicious activities related to our artists, including the spreading of groundless information and defamation,” saad ng Sparkle.

Dahil sa insidente, maglalatag ng legal na rekurso ang GMA laban sa mga sangkot na indibidwal sa pagpapakakat ng pekeng larawan at ilang pang malisyusong komento ukol dito.

“We all need to guard against fake news, so we urge the public to think before you click,” dagdag ng Sparkle.

Pahayag ng Sparkle GMA Artists Center

Matatandaang nitong pagpasok ng buwan ng Abril, isang April Fool’s Day entry ang unang ibinida ni Xian Gaza sa kanyang Facebook page.

Basahin: Xian, may pa-April Fool’s Day kay Alden: ‘Nasendan ako, in fairness ha, malaki… pangalanan kong ‘Whitey’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Batay sa mensaheng ipinadala niya umano sa private message kay Alden, may tinutukoy siyang tila litrato na naipadala raw sa kaniya. “Amputi, Mars. Kung gagawin kong alaga eh papangalanan kong ‘Whitey,’” pagpapatuloy pa ni Xian.

Screengrab mula sa buradong Facebook post ni Xian Gaza
Screengrab mula sa buradong Facebook post ni Xian Gaza

Sunod na ibinalandra ni Xian ang larawang natanggap umano niya kung saan tila makikita ang hubad na larawan ni Alden.

Sa pag-uulat, burado na ang mga nasabing Facebook posts na ito ng online personality.

Nanggigil naman ang mga fans ni Alden at ibinaling ang sisi kay Xian.

“Christian Albert Gaza ihanda mo na ang 1 billion mo,” saad ng isang netizen.

“Christian Albert Gaza THINK BEFORE YOU CLICK! THANK YOU!” payo ng isa pa.

“Kakamarites mo yan Xian Gaza kakasuhan ka ng GMA Sparkle yari ka hahahahaha 🤣.”

Wala pang tugon si Xian sa naturang isyu.

Tags: Alden Richards
Previous Post

Pagsibak sa police official na adik sa e-sabong, pinamamadali na!

Next Post

Aika sa komentong ‘elitista’ ang kampanya ng kanyang ina: ‘Balikan natin yung buhay niya’

Next Post
‘Krusada’ ng Kakampinks, pinayanig ang campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Pasig

Aika sa komentong ‘elitista’ ang kampanya ng kanyang ina: ‘Balikan natin yung buhay niya’

Broom Broom Balita

  • Mga lolang biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon, nagmartsa para sa hustisya
  • 2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’
  • Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero
  • 2 most wanted person sa Laguna, nakorner sa magkahiwalay na operasyon
  • ‘A mother’s love’: Mensahe ng ina sa kinasal na anak, kinaantigan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.