• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Ginang, 2 anak na paslit, patay sa sunog sa Taguig

Bella Gamotea by Bella Gamotea
April 3, 2022
in Balita, National / Metro
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Natagpuang patay ang isang ginang at dalawa nitong anak na paslit matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Taguig City, nitong Sabado, Abril 2.

Sa loob ng comfort room o palikuran natagpuang magkakasama at wala nang buhay ang mag-iina na kinilalang sina Ivy Berde, 33; Chris Vynard, 4; at Chris Jhayvien, pawang residente ng Barangay Calzada, Tipas, Taguig City.

Nakaligtas naman ang bunsong anak ni Ivy na 4-buwang gulang na unang naipasa nito sa kamay ng kanyang lola bago nagmamadaling balikan ang dalawang nabanggit na anak subalit tuluyang hindi na nakalabas ng bahay.

Sa inisyal na ulat ni SFO1 Jerry Panganiban ng Taguig City Bureau of Fire Protection, dakong 9:49 ng umaga nitong Sabado nagsimula ang apoy sa bahay ni Obdulla Delos Santos na nasa Generao Street corner Sta. Barbara St., Purok 5, Barangay Calzada-Tipas, Taguig City.

Mabilis na kumalat ang apoy at naabot ang 50 bahay na pawang gawa sa light materials.

Bandang 11:59 ng umaga nang ideklarang fire out ni SFInsp Demetrio Sablan ang sunog sa lugar.

Patuloy pang sinisiyasat ng awtoridad ang sanhi ng sunog sa lugar at tinatayang P350,000 halaga ng ari-arian ang natupok sa insidente.

Ang mga nasunugan ay nanunuluyan ngayon malapit sa paaralan kung saan inaayudahan sila ng barangay at ng Taguig City Government.

Tags: sunog
Previous Post

Xian Gaza, pumalag kay Kit Thompson; kapitbahay sa Bangkok daw tinutukoy sa blind item

Next Post

Parañaque LGU, namahagi ng land title sa isang Homeowners Association

Next Post
Parañaque LGU, namahagi ng land title sa isang Homeowners Association

Parañaque LGU, namahagi ng land title sa isang Homeowners Association

Broom Broom Balita

  • BOC, nagbabala vs payment scam
  • Pinoy spaghetti, hotsilog, kinalas, balut, apat sa ‘worst rated’ na pagkain sa mundo ng Taste Atlas
  • Felip, nagpabilib sa debut EP na ‘COM.PLEX’; nais patunayang ‘versatile’ ang SB19
  • Allein Maliksi, bumida: Bossing, dinurog ng Meralco
  • Benepisyo para sa mga naging pangulo ng PH, isinusulong ng ilang senador
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.