• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Bituin Escalante, nag-react sa umano’y pagkakaharang ng tent sa rebulto ni Ninoy sa UniTeam sortie sa Tarlac

Richard de Leon by Richard de Leon
April 3, 2022
in Showbiz atbp.
0
Bituin Escalante, nag-react sa umano’y pagkakaharang ng tent sa rebulto ni Ninoy sa UniTeam sortie sa Tarlac

Bituin Escalante (Screengrab mula sa Twitter/FB/Ellson Quismorio/MB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi napigilang maglabas ng saloobin ang singer at Kakampink na si Bituin Escalante sa balitang natakpan umano ng tent ang rebulto ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. sa plaza sa labas ng city hall, sa sortie ng UniTeam sa Tarlac.

Nakita rin sa paanang bahagi ng rebulto ni Aquino ang isang plastic bag na naglalaman ng basura.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/02/rebulto-ni-ninoy-aquino-naharangan-ng-tent-sadya-nga-ba/

Saad ni Bituin sa kaniyang tweet, “Ano na namang kahangalan ito? Ganyan talaga asal ninyo?”

Screengrab mula sa Twitter/Bituin Escalante

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

“Nananadya! Wala talagang moral values ‘yang mga ‘yan, kahit sino pa ‘yan, kahit hindi ‘yan si Ninoy, hindi ganyan dapat ang ginagawa nila. Sana mga Kakampink sa Tarlac, hindi nila hinayaan.”

“Para ‘yan lang? Tapos lalahatin n’yo, pwe! Yung Manila International Airport nga, nanahimik pinangalan n’yo sa Poon n’yong Traydor ng Bayan na si Ninoy. Istorbo kasi ‘yang rebulto ng panginoon n’yo. Pagano talaga kayo sinasanto n’yo si Ninoy Traydor! Pwe! Pwe!”

“Nakuha sa tatay nilang taga-Davao ang ganyang pag-uugali.”

“Daming na-trigger na Kakampigs. May parespe-respeto pang nalalaman, samantalang na-coveran lang ng tent yung rebulto, di ba mas baboy at walang respeto yung magpahukay ng burol? Pareho lang kayo ng mama n’yo pasmado at may foot and mouth disease mga bibig astang disente mga animels.”

“Sanay naman sila mangbaboy ng karapatang pantao. Kaya this is no surprise. Bastos through and through.”

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, para sa gobernador ng probinsya ng Tarlac na si Governor Susan Yap, mali ang ginawa sa rebulto ni Ninoy.

“It should not have been done that way. We respect naman,” saad ng gobernadora. Hindi pa umano sila nagkakausap ng mayor ng Tarlac City na si Mayor Cristy Angeles tungkol dito.

“Pabayaan na natin ang mga bumabatikos. It is time for forgiveness and healing. Mag-unite na lang tayo,” pahayag naman ni Angeles sa isang panayam.

Hindi naman daw sinasadya ng UniTeam ang ganoong senaryo, ayon kay Gibo Teodoro na tumatakbong senador sa naturang partido, na pangalawang pinsan naman ni dating pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

This image has an empty alt attribute; its file name is 75732-1-450x600.jpeg
Ellson Quismorio/MB

Wala pa ring reaksyon dito ang Aquino sisters, lalo na si Kris, na kamakailan ay bumulaga sa Leni-Kiko sortie sa Tarlac. Itinuturing na ‘Aquino country’ o balwarte ng mga Aquino ang naturang lalawigan.

Tags: bituin escalanteninoy aquinotarlacUniTeam sortie
Previous Post

Migz Zubiri sa umano’y isyu sa pagitan ng ama at ni BBM: ‘it’s just a simple miscommunication…’

Next Post

Comelec, handa na para sa overseas voting

Next Post
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Comelec, handa na para sa overseas voting

Broom Broom Balita

  • Pagkapanalong ‘Best Female TV host’ ni Kim Chiu sa PMPC, inulan ng reaksiyon
  • Senador Mark Villar, ginawaran ng honorary Doctor of Laws, Honoris Causa
  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.