• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Herlene ‘Hipon Girl’ Budol, sinagot ang isyu ng pagiging ‘bobita’ at iba pang paratang sa kaniya

Richard de Leon by Richard de Leon
April 2, 2022
in Showbiz atbp.
0
Herlene ‘Hipon Girl’ Budol, sinagot ang isyu ng pagiging ‘bobita’ at iba pang paratang sa kaniya

Herlene Budol at Angelica Yap (Screengrab mula sa YT/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Walang takot na hinarap ni Herlene ‘Hipon Girl’ Budol ang mga masasakit na komento at paratang sa kaniya ng mga netizen na madalas umanong ibato sa kaniya.

Naging prangka si Herlene Budol, o mas kilala sa tawag na Hipon Girl, tungkol sa nasty at hate comments na ipinupukol sa kanya ng bashers.

Herlene Budol at Angelica Yap (Screengrab mula sa YT/Herlene Budol)

Sinagot ni Herlene na isa nang ganap na Kapuso, ang mga pinakamasasakit na intriga sa kaniya, sa kaniyang vlog noong Marso 23, 2022 kasama si Angelica Yap, na nakilala naman bilang si ‘Pastillas Girl’ sa ‘It’s Showtime’ na siyang ipinantapat noon ng noontime show sa ‘Kalyeserye’ ng ‘Eat Bulaga’ na nagsilang sa tambalang ‘AlDub’ nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Isa sa mga ipinupukol sa kaniya ay ang “Maganda ka sana kaya lang bobita ka.”

Bagay na prangka namang sinagot ni Herlene na totoo ito, at sabi niya, hindi naman siya naaapektuhan dahil alam daw niyang totoo ito. Lahat naman daw ay napag-aaralan. Gusto na lamang daw niyang tawaging bobo dahil nangangahulugan itong willing pa siyang matuto ng mas maraming bagay.

“Level 1 pa lang ako. So, ang dami ko pang hindi alam. Pero sa ganda, salamat. Ikaw ang bukod-tanging nagsabi niyan. Saka tatay ko,” pabirong sey ni Hipon Girl.

Ngunit pinalagan naman niya ang paratang sa kaniya na “Siguro kaya tinanggal ka sa Wowowin dahil nilaspag ka na ni Kuya Wil.” Aniya, wala itong katotohanan, at hindi rin totoo ang bintang na ginagawa rin ito ng batikang TV host sa ibang mga dancer na nakakapasok sa show.

“Grabe naman. Napakasama naman ng mga ugali n’yo. Nalaspag, hindi naman. Iyan yung gusto kong linawin din. Sabi kasi nila, lahat daw ng pumapasok kay Kuya Wil, tinitira ni Kuya. Lilinawin ko, napakabait ni Kuya Wil. Napakasama n’yo naman. Huwag naman ganoon. Tumutulong na nga sa kapwa tao eh,” depensa ni Herlene kay Kuya Will o si Willie Revillame.

Malaki umano ang utang na loob ni Herlene kay Kuya Wil dahil ito ang nag-build up sa kaniya.

“Kung walang Kuya Wil, walang Hipon sa inyong harapan, kaya huwag kayong magsasabi ng hindi n’yo pa alam ang buong istorya. Doon ako natuto kung paano ako makikapwa-tao. Halos kalahati ng utak ko siya yung nag-ambag. Talagang love ko siya as a tatay. Kumbaga, tatay ko siya sa showbiz, eh.”

Nilinaw rin ni Herlene na hindi siya ganoong klaseng babae.

Inamin din ni Herlene na sumasabak na siya sa training para sa beauty pageants pero marami pa raw siyang kakaining bigas.

Tags: Angelica YapHerlene BudolHipon Girl
Previous Post

Xian, may pa-April Fool’s Day kay Alden: ‘Nasendan ako, in fairness ha, malaki… pangalanan kong ‘Whitey’

Next Post

Rebulto ni Ninoy Aquino, naharangan ng tent; sadya nga ba?

Next Post
Rebulto ni Ninoy Aquino, naharangan ng tent; sadya nga ba?

Rebulto ni Ninoy Aquino, naharangan ng tent; sadya nga ba?

Broom Broom Balita

  • 50M Nat’l ID cards, target ipamahagi ngayong 2022 — PSA
  • Linyahan ni John Arcilla sa ‘Ang Probinsyano,’ usap-usapan!
  • Julia, proud na proud kay Coco sa pagiging direk, pitong taong itinakbo ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
  • 1.1M turista, dumagsa sa ‘Pinas kahit pandemya
  • 4.4-magnitude, yumanig sa Leyte
50M Nat’l ID cards, target ipamahagi ngayong 2022 — PSA

50M Nat’l ID cards, target ipamahagi ngayong 2022 — PSA

August 13, 2022
Linyahan ni John Arcilla sa ‘Ang Probinsyano,’ usap-usapan!

Linyahan ni John Arcilla sa ‘Ang Probinsyano,’ usap-usapan!

August 13, 2022
Julia, proud na proud kay Coco sa pagiging direk, pitong taong itinakbo ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Julia, proud na proud kay Coco sa pagiging direk, pitong taong itinakbo ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

August 13, 2022
1.1M turista, dumagsa sa ‘Pinas kahit pandemya

1.1M turista, dumagsa sa ‘Pinas kahit pandemya

August 13, 2022
4.4-magnitude, yumanig sa Leyte

4.4-magnitude, yumanig sa Leyte

August 13, 2022
‘First Lady’ Shawie, tribute kay Susan, pagbulaga ni Julia; mga eksena sa finale ng FPJ’s Ang Probinsyano

‘First Lady’ Shawie, tribute kay Susan, pagbulaga ni Julia; mga eksena sa finale ng FPJ’s Ang Probinsyano

August 13, 2022
Doctolero sa ‘bad reviews’: ‘Nakakalasing ang mga papuri, nakaka-humble at natututo ka sa criticisms’

Doctolero sa ‘bad reviews’: ‘Nakakalasing ang mga papuri, nakaka-humble at natututo ka sa criticisms’

August 13, 2022
Best Supporting Actor ng ‘Katips’ na si Johnrey Rivas, pinasaringan si Suzette Doctolero?

Best Supporting Actor ng ‘Katips’ na si Johnrey Rivas, pinasaringan si Suzette Doctolero?

August 13, 2022
DA official na nag-utos na umangkat ng asukal, nag-resign –Malacañang

DA official na nag-utos na umangkat ng asukal, nag-resign –Malacañang

August 12, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Senior citizen na nahaharap sa anim na bilang ng kasong rape, timbog

August 12, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.