• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Rep. Roman kung bakit solid Sara Duterte supporter: ‘Mahal na mahal niya ang mga LGBT’

Angelo A. Sanchez by Angelo A. Sanchez
April 1, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
Rep. Roman kung bakit solid Sara Duterte supporter: ‘Mahal na mahal niya ang mga LGBT’

Mga larawan: Mayor Sara Duterte, Rep. Geraldine Roman/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinuri ni Bataan First District Rep. Geraldine Roman ang pagmamahal ni Davao City Mayor at ngayon ay vice-presidential candidate Sara Duterte sa sektor ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT).

Sa pagsasalita sa harap ng mga tagasuporta ng UniTeam sa Limay Sports Complex nitong Huwebes, Marso 31, ibinahagi ni Roman kung paano niya iniidolo si Duterte dahil sa kanyang pagmamahal at pagtanggap sa mga miyembro ng LGBT community.

“Mahal na mahal ko ang babaeng ito dahil mahal na mahal niya ang mga LGBT,” ani Roman, na siyang kauna-unahang transgender elected sa Lower House of Representatives.

“Narito po ako, berdeng-berde, para po magpaabot ng aking suporta sa ating magiging vice president ng republika, walang iba kundi si Vice President Sara Duterte,” dagdag pa ni Roman.

Nagpahayag din ng buong suporta si Roman para sa kandidato sa pagkapangulo ng UniTeam na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Aniya, “Ako ay galing sa 1st district at nais kong malaman ninyo lahat na kami ay solid BBM-Sara. Tayong lahat rin dito sa Limay ay solid BBM-Sara din.”

Inawitan rin ni Roman si Duterte ng rendition nito ng “Umagang kay Ganda,” isa sa mga kantang ginagamit ni Marcos sa pagkampanya.

Kumpiyansa si Roman na ipagpapatuloy pa ni Duterte ang serbisyo nito sa publiko kung mahalal na bise presidente.

Tags: Mayor Sara DuterteRep. Geraldine Roman
Previous Post

PNP, AFP sa Comelec: Mahigit 300 lugar, ideklara bilang ‘areas of concern’

Next Post

Anak ni Rep. Teves na nambugbog ng sekyu, kinasuhan na!

Next Post
Anak ni Rep. Teves na nambugbog ng sekyu, kinasuhan na!

Anak ni Rep. Teves na nambugbog ng sekyu, kinasuhan na!

Broom Broom Balita

  • Reporter, tinanggihan ng OPS–Malacañang Press Corps, umalma!
  • IT expert, ipinwesto ni Marcos sa Comelec
  • Magnitude 5.6, tumama sa Davao del Sur
  • Dating DA chief, itinalaga bilang undersecretary
  • Mayor Honey: Quarantine facilities sa mga paaralan sa Maynila, tatanggalin na
Reporter, tinanggihan ng OPS–Malacañang Press Corps, umalma!

Reporter, tinanggihan ng OPS–Malacañang Press Corps, umalma!

August 15, 2022
IT expert, ipinwesto ni Marcos sa Comelec

IT expert, ipinwesto ni Marcos sa Comelec

August 15, 2022
4.4-magnitude, yumanig sa Leyte

Magnitude 5.6, tumama sa Davao del Sur

August 15, 2022
Dating DA chief, itinalaga bilang undersecretary

Dating DA chief, itinalaga bilang undersecretary

August 15, 2022
VM Lacuna, nanawagan ng respeto para sa LGBTQ+ community

Mayor Honey: Quarantine facilities sa mga paaralan sa Maynila, tatanggalin na

August 15, 2022
DA, binira sa smuggling ng sibuyas

DA, binira sa smuggling ng sibuyas

August 15, 2022
DOTr sa mga bus, PUVs, terminals sa NCR: Minimum health protocols at 70% capacity, tiyaking nasusunod

Dahil sa F2F classes: Mas maraming bus at bus stops sa EDSA busway, nais ng DOTr

August 15, 2022
PNP, nasilip ng COA sa ₱267M ‘unrecorded’ donations

PNP, nasilip ng COA sa ₱267M ‘unrecorded’ donations

August 15, 2022
Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens

Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens

August 15, 2022
Herlene Budol, aprub sa diborsyo, same-sex marriage; di pabor sa abortion

Herlene Budol, aprub sa diborsyo, same-sex marriage; di pabor sa abortion

August 15, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.