• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Expert, iginiit ang kahalagahan ng COVID-19 vaccines sa mga batang may cancer

Balita Online by Balita Online
April 1, 2022
in National / Metro
0
Expert, iginiit ang kahalagahan ng COVID-19 vaccines sa mga batang may cancer

Larawan mula AFP/Manila Bulletin

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Binigyang-diin ng isang eksperto sa kalusugan noong Biyernes, Abril 1, ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga batang may kanser laban sa Covid-19, at muling ipinunto ang proteksyong inaalok ng mga bakuna sa mga batang immunocompromised.

Sa virtual forum na pinangunahan ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), sinabi ni Dr. Patricia Alcasabas, pinuno ng Pediatric Hematology-Oncology sa UP-Philippine General Hospital, na 5,200 batang Pilipino ang nagkakasakit ng cancer bawat taon, at binibigyan sila ng bakunang magpoprotekta sa kanilan laban sa viral disease.

“Sa simula’t simula pa lang po ng pandemic pinapakita na ang mga bata na may comorbidities ang unang natatamaan ng Covid,” ani Alacasabas.

“Ang mga bata pong may cancer, ang Covid po nila ay mas malala,” aniya habang idinagdag na ang mga nakaligtas sa kanser ay nasa panganib din para sa severe Covid-19.

Sinabi ni Alcasabas na ang tiyempo ng pagbabakuna ay dapat munang talakayin sa mga oncologist at hematologist ng bata.

Inirerekomenda din niya ang pagbibigay ng ikatlong dosis ng bakuna sa mRNA sa mga batang may kanser. Parehong gumagamit ng mRNA ang Pfizer-BioNTech at ang Moderna Covid-19 vaccines.

Inirerekomenda din ang mga miyembro ng pamilya at malalapit na kasama na kumuha ng pangatlong dosis, ani Alcasabas.

“Bakit ang batang may cancer ay dapat talagang bigyan ng vaccination? Dahil sila po ay at risk for severe Covid and complications at napuputol po ang kanilang gamutan sa cancer at dahil dito, baka sila mag-relapse agad,” pagpupunto niya.

Gabriela Baron

Tags: cancerCOVID-19 vaccine
Previous Post

Comelec, hinimok ang mga saksi ng vote-buying na lumantad, magsampa ng reklamo

Next Post

100% vaxx rate sa PH sa katapusan ng Hunyo 2022, target ng Duterte admin

Next Post
Nasa 230 bakunadong guro ng DepEd, nakatanggap ng insentibo

100% vaxx rate sa PH sa katapusan ng Hunyo 2022, target ng Duterte admin

Broom Broom Balita

  • ‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan
  • Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’
  • Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’
  • GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters
  • Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling
Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

September 27, 2023
Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

September 27, 2023
GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

September 27, 2023
Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

September 27, 2023
‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

September 27, 2023
Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

September 27, 2023
Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

September 27, 2023
Auto Draft

Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara bumaba – OCTA

September 26, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

PRC, inanunsyo F2F oathtaking para sa bagong psychologists, psychometricians

September 26, 2023
Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon

Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon

September 26, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.