• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kit Thompson, nakiusap kay Xian Gaza: ‘Stop spreading misinformation’

Richard de Leon by Richard de Leon
March 31, 2022
in Showbiz atbp.
0
Kit Thompson, nakiusap kay Xian Gaza: ‘Stop spreading misinformation’

Kit Thompson at Xian Gaza (Larawan mula sa Manila Bulletin/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinita ng kontrobersyal na aktor na si Kit Thompson ang social media post ni ‘Pambansang Lalaking Marites’ na si Xian Gaza, tungkol sa kaniyang blind item noong Marso 19, 2022, sa kasagsagan ng isyu ng pambubugbog at pananakit umano ni Kit sa kaniyang nobyang si Ana Jalandoni.

“ALMUSAL BLIND ITEM: “SINETCH ITEY NA ISANG CONTINENTAL GIRLALOO ANG NAGPUNTA NG AMANPULO KASAMA ANG KANYANG 5’4″ CHINESE SPONGKEY NA KALBO KAPALIT NG 250,000 PESOS? ANG NASABING LUXURIOUS VACATION AY NALAMAN NG JOWA NI BABAE TAPOS WAIT TULOG MUNA KO AT NAPIPIKIT NA ITULOY KO LATER PAGKAGISING GOOD NIGHT EVREBADEH,” saad sa blind item ni Xian.

Shinare ito ni Kit na may caption na ‘Stop spreading misinformation’.

Screengrab mula sa FB/Kit Thompson

Marami tuloy ang na-curious kung ano ba ang ibig sabihin ng ‘spongkey’, bagay na sinagot din niya.

“SPONGKEY is a noun, meaning a person who gives financial support in exchange for sexual favors or intimate relationship,” ayon sa screengrab na ibinahagi niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/21/ano-nga-ba-ang-ibig-sabihin-ng-salitang-spongkey-sa-pa-blind-item-ni-xian-gaza/

Samantala, matatandaang pansamantalang nakalaya si Kit dahil sa piyansa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/22/kit-thompson-pansamantalang-nakalaya-dahil-sa-piyansang-72k/

Nagsagawa na rin ng press conference si Ana kasama ang kaniyang mga abogado. Inilahad ni Ana ang mga pangyayari sa likod ng ginawa sa kaniya ni Kit, noong Marso 28, 2022 sa Quezon City.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/29/kit-papatayin-daw-si-ana-kapag-iniwan-siya-akin-ka-lang-di-ka-puwedeng-mapunta-sa-iba/

Batay sa pagsasalaysay ng aktres, pareho silang lasing ng nobyo habang naka-check in sila sa isang hotel sa Tagaytay kung saan na-rescue ito. Naganap umano ang insidente noong Marso 17, 2022. Selos umano ang naging puno’t dulo ng away. Pinagselosan umano ng nobyo ang kaniyang ex-husband. Hiwalay na umano sila noon pang 2018.

Napunta sila sa ganoong usapan dahil may plano raw sanang pakasalan ni Kit si Ana. Mahal na mahal daw siya ni Kit, at siya raw ang nais na iharap nito sa dambana. Mahal na mahal din naman daw ni Ana si Kit.

“Tapos po, sabi niya mahal na mahal niya ako, ganun din ako sa kanya. Tapos po, may pina-delete po ako sa kanya na mga pictures namin sa social media. Tapos, naging okay naman po yung usapan namin,” wika ni Ana.

Hanggang sa mabanggit ni Kit ang tungkol sa kaniyang dating mister. Dito na raw siya binantaan ni Kit na papatayin kapag hiniwalayan daw siya ng nobya.

“And then, ang next na po niya na tanong sa akin, ‘Iniwan mo yung ex mo, di ba? Di ba, hiniwalayan mo siya?’ ‘Ako, pag iniwan mo ako, patayin kita.’ Tapos, sabi niya, ‘Akin ka lang, hindi ka puwedeng mapunta sa iba'” emosyunal na pagkukuwento ni Ana.

“Kaya nang sinagot ko siya, sabi ko sa kanya, ‘Mahal kita, hindi kita iiwan, alam mo ‘yan.'”

Matapos nito ay lumabas siya ng kanilang unit para tawagan ang isang kaibigang babae na pinangalanan niyang ‘Victoria’. May kahinaan daw kasi ang signal sa loob ng kanilang hotel room kaya nagtungo siya sa pangatlong palapag ng hotel upang makausap ang kaibigan. Sa puntong ito, nagising daw si Kit, lumabas ng kuwarto, at hinanap ang nobya.

Sa pamamagitan daw ng isang babaeng sekyu ay natunton ni Kit si Ana. Binitbit daw siya ni Kit pabalik ng kanilang kuwarto. Inakala raw ni Kit na iiwanan siya ni Ana.

Paghiga raw nila sa kama, agad daw siyang sinampal ng nobyo. Dito na nagpaliwanag si Ana kung bakit kinailangan niyang magtungo sa pangatlong palapag ng hotel. Nagalit daw si Kit nang iwanan niya ito.

Lagpas alas-singko ng hapon ng Huwebes, Marso 17, nangyari na umano ang bugbugan. Lagpas 7:00 ng gabi naman nang dumating ang mga pulis sa hotel para iligtas si Ana. Nagising daw si Kit dahil sa pagdating ng mga pulis.

Kuwento pa ni Ana, habang tulog ang nobyo matapos ang pambubugbog nito, sinamantala na ito ng aktres para makahingi ng tulong sa isang kaibigan sa pamamagitan ng FB Messenger. Marami nang pasa sa kaniyang mukha si Ana kabilang na ang bandang mata, kaya hirap na siyang makakita kung ano ang mga nai-chat niya.

Hindi lingid sa kaalaman ni Ana na may problema sa anger management ang nobyo.

Nagpadala naman ang talent manager ni Kit kay Ana ng pulumpon ng mga bulaklak at liham nang nasa ospital na ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/22/manager-ni-kit-thompson-may-pa-bulaklak-kay-ana-jalandoni/

Samantala, ibinahagi naman ni Atty. Faye Singson na naisalaysay sa kanila ni Ana na habang papunta pala sila ni Kit sa Tagaytay, nabanggit daw ni Ana na may shooting siya sa susunod na movie project niya. Matatandaang naging bahagi ang aktres sa pelikulang ‘Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar’ sa Vivamax.

Inuntag daw ni Kit si Ana kung may hubaran scene dito. Ayon naman kay Ana, imposibleng wala dahil sexy nga ang imahe niya.

“Magpapalamas ka na naman ng s*so?” tanong daw ng nobyo sa kaniya habang nilalamas nito ang boobelya niya. Matagal na palang pinahihinto ni Kit si Ana sa paghuhubad sa pelikula.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/30/kit-sinabihan-daw-si-ana-magpapalamas-ka-naman-ng-sso/

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang aktor tungkol sa expose ng nobya.

Tags: Kit ThompsonXian Gaza
Previous Post

Lacson, hinikayat ang mga botante na ibasura ang ‘survey mentality’

Next Post

‘World’s longest caravan?’ Guinness World Record, pinabulaanan ang post ng UniTeam supporters

Next Post
‘World’s longest caravan?’ Guinness World Record, pinabulaanan ang post ng UniTeam supporters

'World's longest caravan?' Guinness World Record, pinabulaanan ang post ng UniTeam supporters

Broom Broom Balita

  • Timeout muna: Mga manlalaro ng Magic, Timberwolves nagsuntukan
  • Hontiveros, Pangilinan, nakipagpulong sa onion farmers sa Occidental Mindoro
  • ‘Valentina,’ may new look para sa finale ng ‘Darna’
  • Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa Davao Occidental
  • Guanzon sa planong pagbuo ng WRMO: ‘They might pack this Office with incompetent cronies’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.