• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Bea, 2 oras daw late sa isang launch; sey ni Lolit, nagtagal daw sa pagtakip ng wrinkles

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
March 30, 2022
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Bea, 2 oras daw late sa isang launch; sey ni Lolit, nagtagal daw sa pagtakip ng wrinkles

Larawan mula Instagram ni Bea Alonzo (kaliwa) at Manay Lolit Solis (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Teyorya ng veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis, “matagal na tinakpan ang mga wrinkles” ni Bea Alonzo o ‘di kaya’y “medyo mabagal” na ang kilos nito dahil “malapit na maging senior star” matapos umano’y ma-late ito  ng dalawang oras sa isang launch ng isang brand kamakailan.

Sa kanyang Instagram, pinuri ni Manay Lolit ang kabaitan ni Beautederm President and CEO Rhea Tan sa pagbibigay pa rin ng “napakagandang launching” kay Bea Alonzo bilang pinakabagong mukha ng kanyang brand kahit na-late daw ito.

“Talagang kahit na late ng 2 oras sa meet the press si Bea Alonzo, binigay parin niya ang oras at napakagandang launching lunch para sa ambassador niya na siguro kaya na late matagal na tinakpan mga wrinkles ng foundation para hindi makita. Or baka naman dahil nga malapit ng maging senior star si Bea Alonzo medyo mabagal na ang kilos dahil sumasakit na mga buto,” walang pagpipigil na sabi ni Manay Lolit.

Nauna nang ikinadismaya ng batikang showbiz insider ang pangpa-power trip umano ng Kapuso actress matapos ipatanggal umano nito siya, at ang dalawa pa niyang kasamahang writers, sa listahan ng mga dadalong press members sa naturang launching.

Basahin: Manay Lolit, tumalak matapos ipatanggal siya umano ni Bea Alonzo sa isang launching event – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Baka kaya nag request siya na huwag kami pumunta nila Salve at Gorgy para hindi kami mainip dahil nga 2 oras siyang ma late at dahil mahal niya kaming 3 ni request niya na huwag kami invite. Bongga ang pagiging professional di ba, 2 oras paghintayin ang mga writers para sa isang malapit ng maging senior na star,” pagpapatuloy na saad ni Manay Lolit.

“Talagang dapat siyang mag pasalamat sa Beautederm, imagine mo kunin kang ambassador at that age, bongga ‘di ba? Kaya sure ako magiging number one top seller ang product na endorse niya, dahil proof si Bea Alonzo ng isang mature na pero hindi halata dahil sa paggamit ng Beautederm products,” dagdag niya.

“Bongga ha, 2 hours late, next year, 4 hours na iyan, kasi mas matanda na, hah hah hah joke joke joke love love love,” tila pagkambyo naman ni Manay Lolit.

Basahin: Manay Lolit, muling binanatan ang aniya’y ‘malapit nang maging senior’ na si Bea Alonzo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tags: bea alonzoManay Lolit Solis
Previous Post

Arjo Atayde sa suporta ng ina sa kanyang pagsabak sa politika: ‘I truly appreciate your time, love…’

Next Post

Paalala ni Kyla, research muna bago kuda; netizen, supalpal!

Next Post
Paalala ni Kyla, research muna bago kuda; netizen, supalpal!

Paalala ni Kyla, research muna bago kuda; netizen, supalpal!

Broom Broom Balita

  • Cleanup drive sa nasunog na palengke sa Baguio, natapos sa loob ng 7 araw; manininda, balik-operasyon na
  • Higit ₱400.7M shabu mula Africa, nasabat sa Pasay City
  • Unbothered queen? Nadine Lustre, naglabas ng isang ‘raw’ vlog sa gitna ng James-Issa issue
  • Pag-expel kay Rep. Teves, nakasalalay sa Kamara – Sec. Remulla
  • Lalaki, timbog sa umano’y panggahasa sa QC
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.