• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Higit 1,400 residente ng Pasig, nakatanggap ng booster sa ilalim ng H2H vaxx initiative

Balita Online by Balita Online
March 29, 2022
in National / Metro
0
Higit 1,400 residente ng Pasig, nakatanggap ng booster sa ilalim ng H2H vaxx initiative
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

May kabuuang 1,431 Covid-19 booster shots ang naipamahagi sa mga nasa hustong gulang na residente ng Pasig City sa pamamagitan ng isang house-to-house vaccination (H2H) program noong Linggo, Marso 27.

Ang H2H program ay pangunahing pinamumunuan ng isang medical team mula sa Department of Health (DOH), at isinasagawa sa tulong ng Pasig Health Aides (PHAs) mula sa mga barangay health center ng lungsod.

Simula Marso 10, nag-aalok ang programa ng pagbabakuna ng AstraZeneca booster shot sa mga residente sa mga piling barangay at lugar sa lungsod tuwing Martes, Huwebes, at Biyernes.

Ang programa ay tumatakbo bilang complementary sa patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan sa pagbabakuna na nagbunga ng pagbawas sa mga kaso ng Covid-19.

Noong Marso 27, ang Pasig City ay nakapagtala ng 20 aktibong kaso ng Covid-19, kung saan 21 sa 30 barangay ang nagtala ng zero active cases.

Ang Covid-19 tally ng lungsod ay nagtala ng mas mababa sa 50 aktibong kaso mula Marso 10 hanggang Marso 27. Noong Biyernes, Marso 25, ang local health department ay nagbigay ng 1,360,045 na bakuna sa lungsod, na binubuo ng 615,018 na bakuna para sa unang dosis, 586,825 para sa pangalawang dosis, at 158,202 para sa mga booster shot.

Ang mga iskedyul ng pagbabakuna sa Covid-19 sa lungsod para sa Lunes, Marso 28, hanggang Sabado, Abril 2, ay nasa first come, first served basis.

Ang mga available na vaccination site para sa mga matatanda ay kinabibilangan ng Pasig Sports Center (2nd/Booster), Pasig Mega Parking II (1st /2nd/ Booster), Arcovia (1st / 2nd / Booster), at SM City East Ortigas (2nd / Booster sa Sabado).

Para sa mga pediatric vaccination na may edad 12 hanggang 17, available ang mga slot sa Pasig Sports Center (1st /2nd), at SM City East Ortigas (1st /2nd sa Sabado).

Para sa pagbabakuna ng mga bata na may edad lima hanggang 11, ang mga site sa SM City East Ortigas (1st / 2nd dose mula Lunes hanggang Biyernes), SM Center Pasig (1st / 2nd), at McDonalds Arcovia (1st/2nd) ay bukas.

Pinaalalahanan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga hindi pa nabakunahan na residente na magpaturok na, at para sa mga magulang o legal na tagapangala ng lima hanggang 11 taong gulang na irehistro ang kanilang mga anak para sa pediatric vaccination.

Kriscielle Yalao

Tags: Pasig City
Previous Post

Grupo ng mga doktor sa GenSan, nagpahayag ng suporta sa UniTeam

Next Post

Kampo ni Robredo, kinilala ang papel ng People’s Campaign sa dumaraming suporta mula local execs

Next Post
Kampo ni Robredo, kinilala ang papel ng People’s Campaign sa dumaraming suporta mula local execs

Kampo ni Robredo, kinilala ang papel ng People's Campaign sa dumaraming suporta mula local execs

Broom Broom Balita

  • P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet
  • Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez
  • Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint
  • Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon
  • 2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental
P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

July 3, 2022
Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

July 3, 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint

July 3, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

July 3, 2022
2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

July 3, 2022
‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

July 3, 2022
Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

July 3, 2022
DOH, ‘di inirerekomenda ang antigen test para sa mga maghahain ng COCs sa Oktubre

Higit 1,300 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong Linggo

July 3, 2022
CPP-NPA, mas epektibo raw ang mga hakbang sa pagtugon ng COVID-19 pandemic sa kanayunan?

Nakatagong mga armas ng NPA, nadiskubre sa Tarlac

July 3, 2022
Private hospitals, nakahanda sakaling muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa banta ng Omicron

Marcos, hinikayat na apurahin na ang pagpili ng bagong ‘responsableng’ hepe ng DOH

July 3, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.