• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Willie, may hiling: ‘Ipagdasal ninyo ako na sana hindi cancerous yung nakita sa aking polyps’

Richard de Leon by Richard de Leon
March 27, 2022
in Showbiz atbp.
0
Willie, may hiling: ‘Ipagdasal ninyo ako na sana hindi cancerous yung nakita sa aking polyps’

Willie Revillame (Screengrab mula sa YouTube)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Dasal ang hiling ni Wowowin host Willie Revillame sa publiko matapos niyang ibahagi na may kinatatakutan siya ngayon hinggil sa kaniyang kalusugan, sa YouTube channel ng Wowowin noong Marso 24, 2022.

Paglalahad ni Willie, matagal na siyang sumasailalim sa executive check-up subalit nahinto nang magkapandemya.

“Ngayong Lunes ko malalaman kung positive ako sa cancer or not. Medyo nagulat ako. Two years ako hindi nagpa executive checkup because of the pandemic. Noong 2019, may mga nakita ng polyps pero benign naman po. Pero itong ngayon, medyo kinakabahan ako,” sey ni Willie.

Matagal na umanong nakikitaan ng polyps si Willie sa colon at ang isa naman ay sa stomach.

Kung wala raw si Willie sa Lunes, Marso 28, nangangahulugang naka-confine na ang game show host. Kapag ganoon daw, kailangan niyang magpahinga sa loob ng isang buwan.

“Kung wala ako sa Lunes, ibig sabihin na-confined na po ako. Pero huwag naman sana.”

“Basta magla-live ako kung nasaan man ako sa lunes, kung nasa hospital man ako. Gusto ko malaman ninyo yung tutoo so bakit naman ako magsisinungaling? Lahat ng sinabi ko sa inyo totoo. Anyway, sana ipagdasal ninyo ako na sana hindi cancerous yung nakita sa aking polyps.”

Umani naman ito ng iba’t ibang mensahe mula sa mga netizen.

“Prayers for your good health, Kuya Will. I know God will listen for all your prayers kasi isa kang mabuting tao at matulungin sa kapwa. God Bless you always and get well soon. Mahal na mahal ka po namin. Mag-iingat ka po palagi.”

“Praying for your fast recovery Kuya Wil. God is good. So don’t lose hope. You have a beautiful heart for every Filipino person, especially the needy. So stay strong. God bless you po.”

“Magpagaling po kayo sana panatilihing masigla at malakas ka pa Kuya Wil, lagi ka nami pagdadasal, stay safe po and be strong!”

Si Willie ay 61 anyos na.

Tags: willie revillame
Previous Post

Kathryn, ‘pasabog’ at ‘pakabog’ ang 26th birthday: ‘I’ve learned to fully embrace in my journey to self-love’

Next Post

AJ, wapakels na lang sa mga isyu: ‘Para sa akin po, f*ck them all, wala na rin po akong pakialam’

Next Post
AJ, wapakels na lang sa mga isyu: ‘Para sa akin po, f*ck them all, wala na rin po akong pakialam’

AJ, wapakels na lang sa mga isyu: 'Para sa akin po, f*ck them all, wala na rin po akong pakialam'

Broom Broom Balita

  • Sagot ni Janella na masaya sila ‘individually’ ni Markus, ‘chinarot-charot pa,’ sey ng netizens
  • Ivana Alawi, namahagi ng 8,000 grocery bags, P1.2M cash, sa ilang mahirap na komunidad
  • Umano’y motornapper sa Nueva Ecija, arestado matapos kuyugin ng ilang tambay
  • Nilangaw ang ‘Katips?’ Sey ni Tañada: ‘Kung flop dapat wala na kami sa sinehan’
  • P3.4M halaga ng shabu na ipadadala sana sa QC, nasabat sa Zamboanga
Sagot ni Janella na masaya sila ‘individually’ ni Markus, ‘chinarot-charot pa,’ sey ng netizens

Sagot ni Janella na masaya sila ‘individually’ ni Markus, ‘chinarot-charot pa,’ sey ng netizens

August 10, 2022
Ivana Alawi, namahagi ng 8,000 grocery bags, P1.2M cash, sa ilang mahirap na komunidad

Ivana Alawi, namahagi ng 8,000 grocery bags, P1.2M cash, sa ilang mahirap na komunidad

August 10, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Umano’y motornapper sa Nueva Ecija, arestado matapos kuyugin ng ilang tambay

August 10, 2022
Tanada, ginagapang ang ‘Katips,’ nakapagpareserba na ng 51 sinehan nationwide

Nilangaw ang ‘Katips?’ Sey ni Tañada: ‘Kung flop dapat wala na kami sa sinehan’

August 10, 2022
Higit P3M halaga ng shabu, nasamsam sa 2 suspek sa Ilocos Norte

P3.4M halaga ng shabu na ipadadala sana sa QC, nasabat sa Zamboanga

August 10, 2022
Tim Connor, sinagot na ang akusasyong ‘adultery’ ni Victor Consunji

Tim Connor, sinagot na ang akusasyong ‘adultery’ ni Victor Consunji

August 10, 2022
Resibo queen? Maggie, patuloy na idinidiin ang umano’y pangangaliwa sa kaniya ni Victor

Resibo queen? Maggie, patuloy na idinidiin ang umano’y pangangaliwa sa kaniya ni Victor

August 10, 2022
Auto Draft

Ricky Lee, Gina Alajar, Juday, patuloy na nagpakita ng suporta sa ‘Katips’

August 10, 2022
Bawas-presyo sa produktong petrolyo, asahan next week

Bawas-presyo sa produktong petrolyo, asahan next week

August 10, 2022
Kaladkaren, pinalagan ang pa-unity ni Ruffa Gutierrez sa ‘It’s Showtime?’

Kaladkaren, pinalagan ang pa-unity ni Ruffa Gutierrez sa ‘It’s Showtime?’

August 10, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.