• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Angge, plano na mag-vlog: ‘Ano ang mga gusto n’yo malaman sa panibagong journey ng buhay ko ngayon?’

Richard de Leon by Richard de Leon
March 27, 2022
in Showbiz atbp.
0
Angge, plano na mag-vlog: ‘Ano ang mga gusto n’yo malaman sa panibagong journey ng buhay ko ngayon?’

Angelica Panganiban at Gregg Homan (Larawan mula sa Twitter/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos ang big announcement na magiging isang ganap na ina na siya, may tweet naman para sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban ngayong Linggo ng umaga, Marso 27.

Tila nagbabalak nang magkaroon ng vlog si Angge kaya nagtanong siya sa mga netizen kung anong puwedeng mai-content niya tungkol sa bagong journey ng buhay niya ngayon.

“Soooo, iniisip ko mag-start ng vlog, kung sakali, ano ang mga tanong/gusto n’yo malaman sa panibagong journey ng buhay ko ngayon? Hangga’t kaya sagutin, subukan namin sagutin yarn (emoji) game?” aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Angelica Panganiban

Game naman na nagtanong at nagbigay ng mungkahi ang ilan sa mga netizen. May nagtanong kung gaano ‘kalaki’ ang notabels sa naibahagi niyang ‘Tinder date’ experience sa podcast ng kaibigang direktor na si Antoinette Jadaone.

“Gaano kalaki mamsh yung ‘malaki’ na binanggit mo dun sa podcast nila [email protected]???? Hahaha,” saad ng netizen.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/16/angelica-windang-sa-ka-tinder-date-abroad-natakot-sa-nakitang-malaki/

Sey naman ng isa, “Your journey from heartbreak to finding yourself and your true love. I want to hear how you found yourself and how you loved yourself after all the heartbreaks. And how it leads to you having happiness and peace now. Happy for you, Ms Angge!”

May mga tanong din kung papayagan din ba niyang pasukin ng anak ang mundo ng showbiz.

“Just in case na nakapanood na ng movies yung anak mo, anong film mo ang una mong ipapanood sa kanya?”

“Will you allow your child to join showbiz in the future? Just interested to know. Hope you can answer this in one of your vlogs. God bless!”

Pero may mga nagmungkahi rin na chill na lang muna siya at baka makaapekto pa sa kaniyang ipinagbubuntis ang stress.

“Patapusin mo muna mhie ang elections, agit mga tao ngayon. Double time ang trolls. Tc always.”

“Wag muna beb siguro video-video ka lang release mo na lang after mo manganak mapano ka pa, daming toxic.”

“Madam, kung gagawin mo yan… chill topics and feel good para di nakaka-stress nang bongga! Pag binuo mo ‘yan, I shall follow you to the moon and back, beks!”

Samantala, mukhang kinabahan naman si Angge sa tanong sa kaniya na “Magiging full-time mother at wife ka na lang po ba, may balak pa rin po ba kayong bumalik sa showbiz?”

Screengrab mula sa Twitter/Angelica Panganiban

Matatandaang inanunsyo na ni Angge noong 2021 na magreretiro na siya sa paggawa ng mga teleserye matapos ang ‘Walang Hanggang Paalam’, bagama’t hindi naman siya humihindi sa mga digital series gaya ng ‘The Kangks Show’ at ‘The Goodbye Girl’.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/11/the-kangks-show-ni-angelica-panganiban-nangunguna-sa-wetv-ph-5-sa-wetv-us/

Siya sana ang leading lady ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa sweetcom na ‘My Papa Pi’ pero nabunyag nga na dahil sa kaniyang pagbubuntis, out na siya roon, at ang pumalit sa kaniya ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na nagbabalik-eksena sa showbiz. Sa katunayan, isa siya sa mga magiging host ng Miss Universe Philippines 2022 na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/20/magiging-ganap-na-ina-na-po-ako-angelica-kinumpirma-ang-pregnancy-rumors/

Anyway, wala pang pahayag si Angge sa ‘nakakakabang’ tanong sa kaniya ng netizen, kung anong plano niya pagkatapos manganak sa unang supling nila ni Gregg Homan.

Tags: angelica panganibanvlog
Previous Post

AJ, wapakels na lang sa mga isyu: ‘Para sa akin po, f*ck them all, wala na rin po akong pakialam’

Next Post

P31.2M jackpot prize ng Lotto 6/42, nasolo ng taga-Rizal

Next Post
Bentahan ng lotto tickets at iba pang PCSO digit games sa MM, suspendido na simula ngayong Biyernes dahil sa ECQ

P31.2M jackpot prize ng Lotto 6/42, nasolo ng taga-Rizal

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.