• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘For sure kay Leni’: Monsour del Rosario, suportado si VP Leni

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
March 24, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
‘For sure kay Leni’: Monsour del Rosario, suportado si VP Leni

Monsour del Rosario (Facebook) and VP Leni Robredo (MB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Suportado ni dating Makati Rep. at Partido Reporma Senatorial aspirant Monsour del Rosario ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo. 

Sa kanyang Facebook post nitong Huwebes, Marso 24, na ibibigay niya ang kanyang suporta kay Robredo dahil naniniwala siya sa misyon umano nito na baguhin at i-angat ang bansang Pilipinas. 

“Ngayon, ibinibigay ko ang aking suporta sa ating kagalang-galang na Bise Presidente Leni Gerona Robredo sa kanyang hangarin na maging susunod na Pangulo ng Pilipinas,” ani del Rosario.

“Naniniwala ako na ang kanyang misyon upang baguhin at iangat ang bansa ay naaayon sa sarili kong kagustuhan para magkaroon ng tunay na pagbabago sa buhay ng ordinaryong Pilipino, lalo na ang mga napabayaan ng mga nakaraang administrasyon,” dagdag pa niya.

Gayunman, iginagalang niya ang desisyon ni presidential aspirant at Senador Ping Lacson sa pagbibitiw bilang chairman ng Partido Reporma. Saad niya, isang mabuting tao na may tapat na puso at taos-pusong hangarin na maglingkod sa mga Pilipino.

“Naniniwala ako na marami pa siyang magagawang mabuti para sa ating bansa, at ang aking kahilingan para sa kanya ay pawang kabutihan lamang,” aniya.

Panalangin din ng senatorial aspirant na makita ang isang mas magandang Pilipinas para sa bawat Pilipino.

“Dalangin ko na ang aming pananaw na makita ang isang mas magandang Pilipinas at mas magandang kalagayan ng pamumuhay para sa bawat Pilipino – lalaki man, babae, o bata – ay maisakatuparan,” ani del Rosario.

“Umaasa ako na anuman ang resulta ng halalan sa Mayo 9 ay magiging simula ito ng tunay na pag-unlad na patas at kaakibat ang lahat,” dagdag pa niya.

Kaugnay naman sa kanyang pagtakbong senador, sinabi niyang sasagutin niya ang panawagan ng bansa para sa pagkakaisa.

“Tungkol naman sa aking kandidatura, diringgin ko ang salita ni dating Pangulong Manuel L. Quezon: “Ang aking katapatan sa alinmang paksyon ay nagtatapos kung saan nagsisimula ang aking katapatan sa bayan,”” aniya.

“At ngayon ay narito ako upang sagutin ang panawagan ng bansa para sa pagkakaisa at makiisa sa kilusan para sa tunay na pagkakaisa,” dagdag pa nito.

Si Monsour del Rosario ay tumatakbo sa ilalim ng Partido Reporma.

Nangyari ang pahayag na ito matapos i-endorso ni dating House Speaker at Presidente ng Partido Reporma Pantaleon Alvarez si Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Tags: Monsour del RosarioPartido RepormaVice President Leni Robredo
Previous Post

87.2% ng balota para sa 2022 elections, tapos na! –Comelec

Next Post

Briton na lider ng criminal group, misis, arestado sa Makati

Next Post
Briton na lider ng criminal group, misis, arestado sa Makati

Briton na lider ng criminal group, misis, arestado sa Makati

Broom Broom Balita

  • BuCor, binaklas ang mga kuntador na ilegal na nakakabit sa NBP
  • Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima
  • Manay Lolit, 75, sasailalim sa isang kidney transplant, grateful sa kaniyang sponsors
  • Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na
  • ₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd
Auto Draft

BuCor, binaklas ang mga kuntador na ilegal na nakakabit sa NBP

August 19, 2022
Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima

Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima

August 19, 2022
Manay Lolit Solis sa kaniyang followers: ‘Pray for my recovery, ang hirap ng may sakit’

Manay Lolit, 75, sasailalim sa isang kidney transplant, grateful sa kaniyang sponsors

August 19, 2022
Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

August 19, 2022
₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

August 19, 2022
May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

August 19, 2022
Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

August 19, 2022
‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

August 19, 2022
Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22

Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22

August 19, 2022
Vice Ganda, tinuldukan ang chismis na hiwalay na sila ni Ion Perez

Vice Ganda, tinuldukan ang chismis na hiwalay na sila ni Ion Perez

August 19, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.