• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Duterte, posibleng mamagitan sa alitang Russia vs. Ukraine — spox

Angelo A. Sanchez by Angelo A. Sanchez
March 23, 2022
in Balita, Daigdig
0
‘Public Service Act,’ naisabatas na

President Rodrigo Duterte (KING RODRIGUEZ / PRESIDENTIAL PHOTO)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Itinaas ng Malacañang ang posibilidad na mamagitan si Pangulong Rodrigo Duterte para maayos ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, maaaring makumbinsi si Duterte na kumilos bilang tagapamagitan sa pagitan ng Russia at Ukraine, sakaling humingi ng tulong sa kanya ang mga world leader.

“Kung hihilingin po iyan ng mga world leader, maaari naman po,” ani Andanar sa isang online press briefing, nang tanungin kung magsisilbing tagapamagitan si Duterte sa dalawang bansa.

Inilabas ni Andanar ang pahayag, isang araw matapos sabihin ni dating presidential spokesperson at senatorial aspirant na si Harry Roque na maaaring magsilbi si Duterte bilang peacemaker sa pagitan ng Russia at Ukraine, dahil sa neutral na posisyon ng Pilipinas at constitutionally-mandated foreign policy of peace with all nations.

Giit ni Roque na ang katayuan ni Duterte sa mga bansa na direkta at hindi direktang sangkot sa labanan sa Silangang Europa ay maaaring maging daan upang pagkasunduin ang dalawang partido.

Matatandaan na sa kanyang Talk to the People tape noong Lunes ng gabi, Marso 21, ngunit ipinalabas noong Martes ng umaga, muling iginiit ni Duterte na mananatiling neutral ang Pilipinas sa labanan ng Russia-Ukraine.

Si Duterte, gayunpaman, ay nagpahayag ng pag-asa na ang standoff, na binansagan niyang “stupid war,” ay matatapos na.

“I hope that this war, I said I call it a ‘stupid war,’ dapat mahinto na nila. At this time, we choose to remain neutral. Huwag na muna tayong makialam,” ani Duterte.

Iniulat ng United Nations High Commissioner for Refugees na humigit-kumulang 10 milyong tao ang nawalan ng tirahan dahil sa digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ang sigalot sa pagitan ng Moscow at Kyiv ay nagresulta sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at napakalaking problema ng mga refugee sa Silangang Europa.

Ang krisis ay nagtulak din sa Department of Foreign Affairs (DFA) na itaas ang Alert Level 4 sa Ukraine, na nagbibigay-daan sa mandatoryong paglikas ng mga Pilipinong naninirahan sa bansang nasalanta ng digmaan.

Sa ngayon ay tinulungan ng DFA ang humigit-kumulang 382 na mga Pilipino upang makaalis sa Ukraine mula nang salakayin ng Russia.

Humigit-kumulang 330 sa 382 Pilipino ang nakauwi na sa Pilipinas, habang 52 iba pa ang nasa ligtas na kanlungan sa ibang mga bansa sa Silangang Europa.

Tags: Russia vs Ukraine
Previous Post

Sabay sa kaarawan ng yumaong si Spanky Manikan, Susan Africa may mensahe rin kay Robredo

Next Post

Dahil sa ‘Ciara All’ shirt, netizens may urirat: May magsasanib-pwersa nga ba?

Next Post
Dahil sa ‘Ciara All’ shirt, netizens may urirat: May magsasanib-pwersa nga ba?

Dahil sa 'Ciara All' shirt, netizens may urirat: May magsasanib-pwersa nga ba?

Broom Broom Balita

  • Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay
  • Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit
  • “I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado
  • OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?
  • Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks
Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

May 24, 2022
Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

May 24, 2022
“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

May 24, 2022
OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

May 24, 2022
Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

May 24, 2022
Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

May 24, 2022
Sinong binabakbakan ni Skusta Clee sa ‘Not my baby’ at ‘Mababang uri ng tao. Gets n’yo na ‘yon’ posts?

Sinong binabakbakan ni Skusta Clee sa ‘Not my baby’ at ‘Mababang uri ng tao. Gets n’yo na ‘yon’ posts?

May 24, 2022
Mag-jowa sa Cebu City, nag-prenup photoshoot sa sementeryo

Mag-jowa sa Cebu City, nag-prenup photoshoot sa sementeryo

May 24, 2022
Kyla, ipagdarasal na lang mga basher: “I pray that in time, you’ll become a better person”

Kyla, ipagdarasal na lang mga basher: “I pray that in time, you’ll become a better person”

May 24, 2022
Zeus Collins, nag-propose sa kaniyang gf sa mismong Star Magic All-Star Games 2022

Zeus Collins, nag-propose sa kaniyang gf sa mismong Star Magic All-Star Games 2022

May 24, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.