• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Episode 1 ng ‘Baby M’, umere na; gumanap na ‘DaughterTe’, hawig na hawig daw ni Inday Sara

Richard de Leon by Richard de Leon
March 21, 2022
in Showbiz atbp.
0
Episode 1 ng ‘Baby M’, umere na; gumanap na ‘DaughterTe’, hawig na hawig daw ni Inday Sara

Baby M (PJ Rosario) at DaughterTe (LJ Ramos)/Screengrab mula sa FB/VinCentiments

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umere na ang unang episode ng ‘Baby M’ ng VinCentiments, sa direksyon at panulat ni Darryl Yap, ang nasa likod din ng ‘Kape Chronicles’ at ‘The Exorcism of Lenlen Rose’ na inilabas na rin ang finale episode nitong Marso 19, 2022.

Baby M (PJ Rosario) at DaughterTe (LJ Ramos (Screengrab mula sa FB/VinCentiments)

Makikita sa simula na tila nagja-jogging sina Baby M at DaughterTe nang sabay with background music.

“Oh, akala ko hindi ka tatakbo?” tanong ni Baby M kay DaughterTe.

“Bakit? Ayaw mo?” sagot ni DaughterTe.

Maya-maya, hinawakan ni Baby M ang kamay ni DaughterTe at sabay na silang tumakbo.

Sumunod na eksena ay kumakain sila.

“Uy salamat ah? Hindi naman talaga kasi ako tumatakbo eh. Nagmomotor ako,” saad ni DaughterTe.

“Alam mo, dapat sa’yo ako magpasalamat,” tugon naman ni Baby M.

“Salamat saan?” tanong ni DaughterTe.

“Di ba sabi mo, tatakbo ka na rin sa Student Council? Sasamahan mo na ako,” wika ni Baby M.

“Ah ganoon ba? Hindi rin naman para sa’yo ‘yun. Para sa akin din, at para sa campus,” sagot naman ni DaughterTe.

Napag-usapan din nila ang tungkol sa kanila-kanilang mga tatay, ang panliligaw ni Baby M kay DaughterTe para maging VP niya sa Student Council, at ang ‘North Campus’ at ‘South Campus’.

Sa bandang dulo, natanong ni DaughterTe kung ano ang meaning ng ‘M’ sa Baby M.

“Mo… baby mo…baby ng lahat,” saad ni Baby M.

May be an image of 2 people, people standing, outdoors and brick wall
Baby M (PJ Rosario) at DaughterTe (LJ Ramos)/Screengrab mula sa FB/VinCentiments

Habang isinusulat ang artikulong ito ay may 124K views na ito, 4.2K shares, at 2.6K comments. Si Baby M ay ginampanan ni PJ Rosario at si DaughterTe naman ay si LJ Ramos.

Samantala, marami naman ang nakapansin ng malaking pagkakahawig nina LJ at si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte. May mga netizen pa nagpadala ng lumang litrato ni Inday Sara.

Baby M (PJ Rosario, DaughterTe (LJ Ramos), at Davao City Mayor Inday Sara Duterte (Screengrab mula sa FB/VinCentiments)
DaughterTe (LJ Ramos), at Davao City Mayor Inday Sara Duterte (Screengrab mula sa FB/VinCentiments)

Tags: baby mDarryl YapDaughterTeVinCentiments
Previous Post

₱79.6M, ₱67.8M jackpot prize sa lotto, sabay na napanalunan nitong Linggo!

Next Post

Ukraine, tinanggihan ang ultimatong isuko ang Mariupol sa Russia

Next Post
11 Pinoy sakay ng barkong binomba sa labas ng Ukraine, ligtas at hindi nasaktan

Ukraine, tinanggihan ang ultimatong isuko ang Mariupol sa Russia

Broom Broom Balita

  • Konstitusyon, pinaaamyendahan para sa termino ng pangulo
  • Mahigit sa 70.8M, bakunado na vs Covid-19
  • NLEX Road Warriors, pinadapa ng Magnolia
  • Covid-19 cases sa Pilipinas, tumaas
  • Doktor, arestado matapos barilin ang isang estudyanteng nakaalitan sa isang bar sa Davao
Konstitusyon, pinaaamyendahan para sa termino ng pangulo

Konstitusyon, pinaaamyendahan para sa termino ng pangulo

July 3, 2022
Mahigit sa 70.8M, bakunado na vs Covid-19

Mahigit sa 70.8M, bakunado na vs Covid-19

July 3, 2022
NLEX Road Warriors, pinadapa ng Magnolia

NLEX Road Warriors, pinadapa ng Magnolia

July 2, 2022
‘Napakabagal’ na pagtaas ng Covid-19 cases, naitala sa NCR

Covid-19 cases sa Pilipinas, tumaas

July 2, 2022
Dalawang militanteng grupo, kinilala ang imbestigasyon ng ICC sa umano’y EJKs sa ilalim drug war

Doktor, arestado matapos barilin ang isang estudyanteng nakaalitan sa isang bar sa Davao

July 2, 2022
P177,000 halaga ng shabu, kumpiskado sa naarestong tulak umano ng droga sa Bacolod

P177,000 halaga ng shabu, kumpiskado sa naarestong tulak umano ng droga sa Bacolod

July 2, 2022
Ban sa pag-aangkat ng poultry products mula Belgium, inalis na! — DA

Ban sa pag-aangkat ng poultry products mula Belgium, inalis na! — DA

July 2, 2022
Guro sa Iloilo, nakipagpalit ng sapatos sa estudyante na suot lang ang tsinelas sa kaniyang graduation

Guro sa Iloilo, nakipagpalit ng sapatos sa estudyante na suot lang ang tsinelas sa kaniyang graduation

July 2, 2022
‘Araling Panlipunan’, trending sa Twitter matapos mag-viral ang pahayag ni Ella Cruz

‘Araling Panlipunan’, trending sa Twitter matapos mag-viral ang pahayag ni Ella Cruz

July 2, 2022
Neri Miranda, degree holder sa edad na 36; Chito, proud sa misis!

Neri Miranda, degree holder sa edad na 36; Chito, proud sa misis!

July 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.