• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Imbyerna na? Cristy, may gigil na payo kay Carla, Tom sa dami ng isyung ayaw pang sagutin

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
March 18, 2022
in Celebrities, Showbiz atbp.
0

Larawan mula Instagram ni Tom (kanan) at screengrab mula sa programang Cristy Ferminute (kaliwa)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos kumambyo ang ama ni Carla Abellana na si Rey “PJ” Abellana sa unang pahayag nito kaugnay ng umano’y kinasangkutang “one-night stand” ng manugang na si Tom Rodriguez, may gigil na payo ang showbiz commentator na si Cristy Fermin sa kontrobersyal na Kapuso couple.

Sa panayam ng “Chika Minute” kamakailan, binawi ni PJ ang unang mabibigat na salaysay nito sa programa ni Cristy. Aniya, wala raw nangyaring one night stand, at sa halip ay sinabi sa kanya ni Tom ang hangarin nitong ayusin ang hidwaan nilang mag-asawa.

“At first may nakarating po at nalaman ni Carla na may issue na one night stand na involve si Tom. Si Tom naman ah…was already able to explain kay Carla na wala naman din pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari iyon. So wala pong natuloy na one night stand according to Tom side naman. So yun po yung senaryo ng issue ng one night stand,” pagbawi ni PJ.

Tila nanggigil naman si Cristy Fermin matapos baliktaran ng aktor ang mga pahayag nito.

“Eh kung ganoon naman pala ang nangyayari, ano pa ba ang kailangan nating pagtalunan? Mag-usap na kasi kayong dalawa. Yun lang naman yun. Ay naku,” tila gigil na payo ni Cristy sa Kapuso couple.

“Bakit ba ayaw nilang magpahayag kung ano ang gusto nilang sabihin? Para hindi na lang kung ano-ano ang lumabas. ‘Yan tignan mo, pati karakter niya ngayon napupuna na, imbis na problema lang. Ito na, dugtong-dugtong na talaga,” paggatong pa ng partner ni Cristy na si Rommel.

Naungkat din kasi kamakailan ang lumang isyu kaugnay ng umano’y pagiging maldita ni Carla matapos mapabalitang na-imbyerna ang aktres sa ama kasunod ng “one night stand” issue.

“Kailan kayo magsasalita? Kapag punong-puno na ang husga sa inyo ang bayan? Buti nga nandiyan si Rey Abellana [at] kahit papano nagbigay ng impormasyon, ‘di ba,” dagdag na hirit ni Cristy.

Hindi rin benta kina Cristy at Rommel ang dahilan ni Carla sa patuloy nitong pagiging tikom sa isyu. Ani Rommel, ang dalawa ang unang nagbigay ng ilang makahulugang posts dahilan para sumabog ang isyu at pagpiyestahan ng mga Marites.

“Bakit siya nagpo-post ng mga cryptic post?” tanong ni Rommel.

“Totoo ‘yan. Parang ikaw ang nagbibigay ng alarma,” segunda ni Cristy.

Sa huli, muling binigyang-diin ni Cristy na dapat nang magsalita ang mag-asawa para iwasan pang magsilang ng dagdag na mga isyu ang kanilang hidwaan.

Tags: CarlaCristy FerminPJ AbellanaTom Rodriguez
Previous Post

Tama si Mommy D? Pacquiao, inaming kinakapos na ang kanyang campaign fund

Next Post

Sexy starlet Ana Jalandoni, binugbog, ikinulong umano ng jowang si Kit Thompson

Next Post
Sexy starlet Ana Jalandoni, binugbog, ikinulong umano ng jowang si Kit Thompson

Sexy starlet Ana Jalandoni, binugbog, ikinulong umano ng jowang si Kit Thompson

Broom Broom Balita

  • Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros
  • Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan
  • Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor
  • Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla
  • ₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

June 30, 2022
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 30, 2022
₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

June 29, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera

June 29, 2022
OCTA, idineklarang ‘very low risk’ para sa COVID-19 ang Metro Manila

PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes

June 29, 2022
Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

June 29, 2022
Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

June 29, 2022
Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.