• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Confirmed! Ruffa Gutierrez, flinex ang jowang si Bistek; aprub kaya ni Tita Anabelle?

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
March 18, 2022
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Confirmed! Ruffa Gutierrez, flinex ang jowang si Bistek; aprub kaya ni Tita Anabelle?

Mga larawan mula Instagram ni Ruffa Gutierrez

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos ang ilang buwang espekulasyon, sa wakas, nauwi rin sa kumpirmasyon ang relasyon nina Ruffa Gutierrez at Herbert “Bistek” Bautista. Sa isang Instagram post, proud girlfriend ang peg ng aktres kasunod ng isang pinakahuling senatorial survey.

Hindi na nga nagpatumpik-tumpik pa at nilantad na ng actress-host na si Ruffa ang espesyal na ugnayan nila ng dating Quezon City Mayor at ngayo’y senatorial aspirant sa darating na botohan sa Mayo.

Sa isang Instagram post, ibinalandra ni Ruffa ang kanilang larawan at bidyo ng kampanya ni Bistek para sa kanyang senatorial bid. Unang beses ring nakapasok sa Magic 12 ng isang survey si Bistek dahilan para agad i-flex ni Ruffa.

“#8 sa balota, #1 sa puso ko! ????#MySenatorMadeItToTop12,” mababasa sa caption ni Ruffa.

Inulan naman ng heart reactions mula sa malalapit na kaibigan at kapamilya ang pa-dyowa reveal ng aktres.

Matatandaan na unang naging laman ng balita ang relasyon ng dalawa matapos tila depensahan ni Ruffa si Bistek sa pagsita ni Kris Aquino kaugnay ng isang kontrobersyal na TOTGA o “the one that got away” tweet nito noong Nobyembre 2021.

Naging matunog pa lalo ang espesyal na ugnayan ng dalawa nang mamataan sa Christmas celebration ng mga Gutierrez ang actor-politician noong Disyembre 2021.

Basahin: Herbert Bautista, Ruffa Gutierrez nagcelebrate ng Christmas na magkasama – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ayon sa showbiz commentator na si Cristy Fermin, suportado naman ng pamilya ni Ruffa ang bagong lovelife nito.

Sa katunayan, natutuwa umano si Anabelle Rama kay Bistek dahil magandang impluwensya ito sa anak, partikular ang paghikayat nito na mag-enrol sa isang online class. Libro rin umano ang parating bitbit ng aktor sa tuwing bumibisita sa tahanan ng mga Gutierrez.

Basahin: Herbert, magandang influence kay Ruffa, sey ni Annabelle Rama – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Taong 2020 nang magkatrabaho ang dalawa sa comeback project ng Kathniel na “The House Arrest of Us.” Nagtambal na mag-asawa ang dalawa sa naturang serye.

Tags: Anabelle Ramaherbert bautistaRuffa Gutierrez
Previous Post

Patrick sa pagyakap sa kanya ni Isko bilang tunay na anak: ‘Di ko naramdaman na may iba sa‘kin’

Next Post

Tama si Mommy D? Pacquiao, inaming kinakapos na ang kanyang campaign fund

Next Post
Tama si Mommy D? Pacquiao, inaming kinakapos na ang kanyang campaign fund

Tama si Mommy D? Pacquiao, inaming kinakapos na ang kanyang campaign fund

Broom Broom Balita

  • Sen. Robin Padilla, magiging bahagi ng ‘Maid in Malacañang’
  • Bagong graduate, eksenadora sa graduation; rumampa suot ang ‘couture toga gown’
  • Bahagi ng Makati, QC, mawawalan ng suplay ng tubig
  • ‘Mahal kita!’ Agot Isidro, inilarawan si Ella Cruz bilang ‘sweetest person’ subalit may payo sa kaniya
  • Nahimasmasan? Dennis, binura ang open letter sa mga anak, tugon kay Leon
Sen. Robin Padilla, magiging bahagi ng ‘Maid in Malacañang’

Sen. Robin Padilla, magiging bahagi ng ‘Maid in Malacañang’

July 3, 2022
Bagong graduate, eksenadora sa graduation; rumampa suot ang ‘couture toga gown’

Bagong graduate, eksenadora sa graduation; rumampa suot ang ‘couture toga gown’

July 3, 2022
Bahagi ng Makati, QC, mawawalan ng suplay ng tubig

Bahagi ng Makati, QC, mawawalan ng suplay ng tubig

July 3, 2022
‘Mahal kita!’ Agot Isidro, inilarawan si Ella Cruz bilang ‘sweetest person’ subalit may payo sa kaniya

‘Mahal kita!’ Agot Isidro, inilarawan si Ella Cruz bilang ‘sweetest person’ subalit may payo sa kaniya

July 3, 2022
Nahimasmasan? Dennis, binura ang open letter sa mga anak, tugon kay Leon

Nahimasmasan? Dennis, binura ang open letter sa mga anak, tugon kay Leon

July 3, 2022
VP Sara, nagpatayo ng satellite offices; dumalo ng misa kasama si PBBM

VP Sara, nagpatayo ng satellite offices; dumalo ng misa kasama si PBBM

July 3, 2022
Filipino historian Ambeth Ocampo, nilektyuran si Ella Cruz tungkol sa history

Filipino historian Ambeth Ocampo, nilektyuran si Ella Cruz tungkol sa history

July 3, 2022
Konstitusyon, pinaaamyendahan para sa termino ng pangulo

Konstitusyon, pinaaamyendahan para sa termino ng pangulo

July 3, 2022
Mahigit sa 70.8M, bakunado na vs Covid-19

Mahigit sa 70.8M, bakunado na vs Covid-19

July 3, 2022
NLEX Road Warriors, pinadapa ng Magnolia

NLEX Road Warriors, pinadapa ng Magnolia

July 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.