• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Valentine, bayad daw para siraan ang Kakampink community, kampanya ni Robredo – Xian

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
March 14, 2022
in Balita, Dagdag Balita, Eleksyon
0
Valentine, bayad daw para siraan ang Kakampink community, kampanya ni Robredo – Xian

Larawan mula Facebook account ni Valentine Rosales (kaliwa) at Xian Gaza (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kumpiyansa si Xian Gaza sa kanyang teyorya na ang social media publicity kaugnay ng isang convenience store sa Cubao at isang Kakampink ay kontrolado ng kalaban ni Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo para siraan ang buong kampanya nito at ang mga Kakampink.

Matapos ang sagutan nina Xian Gaza at ng nagpakilalang Kakampink na si Valentine Rosales, isang pasabog pa ang pinakawalan ng tinaguriang Pambansang Marites. Bagong chika nito, bayaran umano ang ‘nagpanggap’ na Kakampink.

Basahin: 7/11 branch na tinutukoy ni Valentine Rosales, kinumpirmang sarado ng Balita – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“This guy [Rosales] is not a legitimate Kakampink. Under siya sa payroll ng kalaban. This entire 7-eleven drama is just black propaganda against Leni’s campaign. It’s a master plan. It’s the brainchild of someone I know. Ni-recruit nila ang taong ito two weeks ago kapalit ng pera at massive exposure,” saad ni Xian.

Hindi man binanggit kung kaninong partikular na kampo ang tinutukoy nito, idinetalye naman Xian ang aniya’y naging estratehiya ng kampo para mas maging kapani-paniwala ang lahat.

“Ang plano ay magpapanggap ang subject as Kakampink tapos magpo-post siya ng picture with Leni’s tumbler and pink damit. Gagawan nila ito ng kwentong barbero caption at sasadyain na maraming edits para mawalan ng credibility ang post at maging katawa-tawa and very vulnerable to bashing.

“After a few hours from the time of posting eh pa-pa-viralin nila ito through massive sharing upang ma-bash ng husto ang subject nang mapasama ang buong kakampink community,” pagpapatuloy ni Xian.

Ang mga nabanggit ang umano’y dahilan kung bakit hindi pa rin natinag si Rosales at pinanindigan nito ang kanyang Facebook post sa kabila ng matinding pambabatikos na inabot online.

“Pinapalaki pa niya lalo ang issue upang lalo siyang ma-bash. Yun din ang dahilan kung bakit handang-handa siya sa kanyang new Kakampink profile picture right after the entire 7-eleven drama. Naka-plano kasi ang lahat. Bayad kasi siya. Nakuha na niya yung massive attention na gustong-gusto niya,” mabibigat na teyorya ng social media personality.

Dagdag pa ni Xian, “last week” pa niya nalaman ang buong black propaganda sa isang credible source na kanya namang sinakyan para makinabang at maging relevant.

“Tuwang-tuwa sila kahapon nang malaman nila na ang pambansang marites na si xian gaza ay sasawsaw sa issue. Alam kasi nila kung gaano katindi ang social media mileage ko. Akala nila ay napakinabangan nila ako sa kanilang negative campaigning,” pagtatapos ni Xian.

Sunod pa nitong ipinaskil sa hiwalay na Facebook post ang larawan ni Rosales kasama si senatorial aspirant at dating presidential legal counsel Salvador Panelo.

Larawan mula Facebook post ni Xian Gaza

Matatandaang nakuha rin ni Panelo ang pormal na endorsement ng Lakas-CMD chairperson at Vice Presidential candidate na si Davao City Mayor Inday Sara, ka-tandem ng mahigpit na karibal ni Robredo sa Palasyo, si dating senador Bongbong Marcos Jr.

Tags: KakampinksValentine RosalesVice President Leni RobredoXian Gaza
Previous Post

‘Pipiliin ka araw-araw’: Sikat na bandang Ben&Ben, certified Kakampink!

Next Post

Dating Ginebra player Sol Mercado, engaged na kay ex-Miss Universe PH bet Sandra Lemonon

Next Post
Dating Ginebra player Sol Mercado, engaged na kay ex-Miss Universe PH bet Sandra Lemonon

Dating Ginebra player Sol Mercado, engaged na kay ex-Miss Universe PH bet Sandra Lemonon

Broom Broom Balita

  • Dalagang may kapansanan, nagtapos bilang cum laude sa Pangasinan
  • ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa
  • Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming-maraming salamat’
  • Converge, biniktima ng San Miguel
  • Covid-19 cases sa PH, lalo pang tumaas
Dalagang may kapansanan, nagtapos bilang cum laude sa Pangasinan

Dalagang may kapansanan, nagtapos bilang cum laude sa Pangasinan

June 27, 2022
ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa

ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa

June 27, 2022
Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming-maraming salamat’

Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming-maraming salamat’

June 27, 2022
Converge, biniktima ng San Miguel

Converge, biniktima ng San Miguel

June 26, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

Covid-19 cases sa PH, lalo pang tumaas

June 26, 2022
4 patay, 1 pa nawawala sa tumaob na fishing boat sa Bataan

4 patay, 1 pa nawawala sa tumaob na fishing boat sa Bataan

June 26, 2022
₱105M illegal drugs, naharang sa Central Visayas

₱105M illegal drugs, naharang sa Central Visayas

June 26, 2022
Paggamit ng face masks, mahigpit pa ring ipinatutupad sa Baguio City

Paggamit ng face masks, mahigpit pa ring ipinatutupad sa Baguio City

June 26, 2022
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Online reactivation sa mga deactivated voters hanggang July 19 pa– Comelec

June 26, 2022
Balik-kulungan na! De Lima, nakalabas na ng ospital

Balik-kulungan na! De Lima, nakalabas na ng ospital

June 26, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.