• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Vivian, may pasaring kay ‘Can’t-Man’?: ‘Can’t join debates… can’t return stolen wealth’

Richard de Leon by Richard de Leon
March 12, 2022
in Showbiz atbp.
0
Vivian, may pasaring kay ‘Can’t-Man’?: ‘Can’t join debates… can’t return stolen wealth’

Vivian Velez (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mukhang may pinariringgang kandidato si Director General ng Film Academy of the Philippines na si Vivian Velez sa kaniyang Facebook post nitong Marso 11, 2022, kung saan ibinahagi niya ang isang kumakalat na meme patungkol sa Marvel Studio character na si ‘Ant-Man’.

Sa halip na ‘Ant-Man’ ay ginawa itong ‘Can’t-Man’. Sa ilalim nito, may paliwanag kung bakit ito ang pasaring na tawag sa isang kandidato.

“Can’t join debates. Can’t disclose SALN. Can’t provide a solid platform. Can’t pay taxes. Can’t enter America. Can’t accept defeat. ‘Can’t return stolen wealth,” ayon sa nakalagay na text caption sa naturang meme.

“‘TIS SAID THAT WHEN A CRIMINAL goes back to the scene of the crime, it is to ascertain his ‘masterpiece’ has been done. Masterfully. Perfectly. But what about those who steal people’s money? Could they be labeled as criminals if they give back a wee bit of what they’ve stolen from them? Apparently, they feel no guilt. They’re no criminals. They are leaders. In their own dark minds, they think they are!” nakalagay naman sa caption ni Vivian.

Screengrab mula sa FB/Vivian Velez
May be an image of 1 person and text that says 'CHARVEL CAN'TMAN STUDIOS Can't join debates. Can't disclose SALN. Can't provide a solid platform. Can't pay taxes. Can't enter America. Can't accept defeat. Can't return stolen wealth.'
Screengrab mula sa FB/Vivian Velez

Kamakailan lamang, naging usap-usapan ang naging pahayag ng misis ni presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos na si Liza Araneta-Marcos sa panayam ni King of Talk Boy Abunda, na isa sa mga pelikulang pinanood ni BBM na nakapag-impluwensya sa kaniya upang tumakbo sa pagkapangulo ay ang ‘Ant-Man’.

Batay sa mga FB posts ni Vivian, ang kaniyang manok sa pagkapangulo ay si Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Bagama’t si Isko ang sinusuportahan niya at binabatikos naman si BBM, ang kandidato niya sa pagkapangalawang pangulo ay ang running mate ni BBM na si Davao City Mayor Sara Duterte, kaya isa ang aktres sa mga nagsusulong ng ka-ISSA’ o Isko-Sara tandem.

Ang running mate ni Domagoso ay si Doc Willie Ong.

Tags: can't manVivian Velez
Previous Post

‘Ikaw’ ni Mega, kinanta rin ni Panelo sa burol ng anak noong 2017: ‘Sharonian kasi ako!’

Next Post

Covid-19 cases sa Baguio, zero nitong Marso 11 — Magalong

Next Post
Covid-19 cases sa Baguio, zero nitong Marso 11 — Magalong

Covid-19 cases sa Baguio, zero nitong Marso 11 -- Magalong

Broom Broom Balita

  • 3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon
  • Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals
  • EJ Obiena, balik na sa sa PH team
  • PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City
  • Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week
3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

August 17, 2022
Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

August 17, 2022
₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega

EJ Obiena, balik na sa sa PH team

August 17, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City

August 17, 2022
Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

August 17, 2022
Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

August 17, 2022
Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

August 17, 2022
Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

August 17, 2022
Marian Rivera, reyna pa rin sa Facebook; followers ng Kapuso star, tumabo na ng 27M

Marian Rivera, reyna pa rin sa Facebook; followers ng Kapuso star, tumabo na ng 27M

August 17, 2022
PBBM, Cong. Sandro Marcos, nagpaturok ng 2nd booster shot sa SM Manila

PBBM, Cong. Sandro Marcos, nagpaturok ng 2nd booster shot sa SM Manila

August 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.