• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Nasa 200 Pilipino, nailikas na sa Ukraine — DFA

Balita Online by Balita Online
March 8, 2022
in National / Metro
0
Nasa 200 Pilipino, nailikas na sa Ukraine — DFA

Larawan mula DFA

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Halos 200 Pilipino ang nakaalis na sa Ukraine sa gitna ng patuloy na digmaan nito laban sa Russia, pag-uulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes, Marso 8.

Ibinunyag ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola na may kabuuang 199 na Pilipino sa Ukraine ang pinauwi na o naghahanap ng matutuluyan sa iba’t ibang borders malapit sa bansang apektado ng digmaan habang naghihintay ng repatriation.

Nitong Martes ng hapon, 63 overseas Filipinos ang naiuwi na sa Pilipinas habang anim ang inilikas sa Poland, 33 ay kasalukuyang nasa Moldova, 73 sa Romania, siyam sa Austria, at 15 sa Hungary.

Dumating sa Maynila Martes ng umaga ang 21 Filipino seafarers, na na-stranded sa Port of Odessa sa Ukraine. Inilikas sila sa Moldova bago bumalik sa bansa.

Noong Linggo, Marso 6, dumating din sa Maynila ang tatlong grupo ng mga Filipino evacuees kasama ang kanilang mga dependent. Nagmula sila sa Kyiv at iba pang lugar sa kanlurang bahagi ng Ukraine.

Ang unang grupo ay kinabibilangan ng apat na Filipino adults na may tatlong Filipino-Ukrainian na anak kasama ang kanilang tatlong Ukrainian na ina. Ang ikalawang grupo ay binubuo ng dalawang Filipino na nasa hustong gulang, isang Filipino-Ukranian na bata, at ang kanyang Ukrainian na ina habang ang ikatlong grupo ay kinabibilangan ng tatlong Filipino nationals mula sa Kyiv na dumating sa kanilang sariling pagsisikap.

Itinaas ng DFA ang alert level 4 para sa mga Filipino national sa lahat ng lugar sa Ukraine noong Lunes, Marso 7, dahil sa“rapidly deteriorating security situation” sa bansa.

Ibig sabihin, ipinapatupad ang mandatory evacuation ng lahat ng Pilipino sa dayuhang lupain.

Betheena Unite

Tags: department of foreign affairsukraine
Previous Post

Bongbong Marcos, muling tatalunin si Robredo sa probinsya ng Bulacan — Alvarado

Next Post

Metro Manila Subway Project, naabot na ang higit 30% completion rate — DOTr

Next Post
Metro Manila Subway Project, naabot na ang higit 30% completion rate — DOTr

Metro Manila Subway Project, naabot na ang higit 30% completion rate -- DOTr

Broom Broom Balita

  • Cleanup drive sa nasunog na palengke sa Baguio, natapos sa loob ng 7 araw; manininda, balik-operasyon na
  • Higit ₱400.7M shabu mula Africa, nasabat sa Pasay City
  • Unbothered queen? Nadine Lustre, naglabas ng isang ‘raw’ vlog sa gitna ng James-Issa issue
  • Pag-expel kay Rep. Teves, nakasalalay sa Kamara – Sec. Remulla
  • Lalaki, timbog sa umano’y panggahasa sa QC
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.