• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Isang OFW, bakit naluha nang makita si Lyca Gairanod sa Dubai?

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
March 8, 2022
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Isang OFW, bakit naluha nang makita si Lyca Gairanod sa Dubai?

Screengrab mula YouTube channel ni Lyca Gairanod

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isang overseas Filipino worker (OFW) at masugid na fan ni The Voice Kids 2014 grand winner Lyca Gairanod ang lumiban pa kanyang trabaho at bumiyahe nang ilang oras para lang makita ang singer sa Expo 2020 Dubai.

Hindi man umabot sa performance ni Lyca sa Expo 2020 Dubai, inabangan ng Pinoy fan si Lyca matapos ang show. Dito isang nakakaantig na encounter ang naganap sa pagitan nila ng singer.

“Alam mo sinabi ko, pumunta ka lang dito kahit um-absent ako basta makita kita,” saad ng fan na hindi pa ring makapaniwala na nakita na nito si Lyca.

Agad ding naluha ang Pinoy dahil sa labis na tuwa. “Hala, ba’t naman po kayo umiiyak,” tugon na lang ni Lyca sabay yakap sa Pinoy fan na isa pala talagang solid fan ng teen singer.

“Alam mo pagtatawanan ako ng anak ko. Kasi umalis talaga ako ko,” patuloy na kwento ng Pinoy fan kung saan aniya’y kinailangan niyang makumbinsi ang anak na makikita niya si Lyca sa kabila ng ilang oras na biyahe mula sa concert venue.

Sunod na mang kinuha ng OFW ang isang bag ng souvenirs at inabot ito sa singer.

“Alam ko hindi ka nakapag-[bili] ng mga souvenir. Pasensya ka na. Pero ‘to mga maliliit na mga souvenir lang ‘to,” anang fan na patuloy pa ring nanginginig habang iniaabot ang mga pasalubong na iuuwi ni Lyca sa Pilipinas.

Muling nagpasalamat si Lyca at sinabing saludo siya sa bawat Pilipinong OFW sa Dubai.

Kuwela namang humirit ang fan at sinabing nakikipag-away pa siya sa bashers ng singer online.

“I love my bashers,” ani Lyca. “Okay lang po yun.”

Isang muling yakap at halik sa pisngi ang isinukli ni Lyca sa fan bago siya nagpaalam.

Isa si Lyca sa mga Pinoy artists na nagtanghal sa Expo 2020 Dubai kamakailan.

Tags: dubaidubai expo 2020ExpoLyca Gairanod
Previous Post

Sis ni Sen. Kiko na si Angeli: ‘Do you want to sell your vote for ₱3K or your city and province for ₱50M?’

Next Post

2 Pangasinan LGUs, wagi sa Healthy Pilipinas Award ng DOH

Next Post
2 Pangasinan LGUs, wagi sa Healthy Pilipinas Award ng DOH

2 Pangasinan LGUs, wagi sa Healthy Pilipinas Award ng DOH

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.