• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

DOH, nakapagtala ng 6,297 bagong kaso ng COVID-19 mula Marso 1-7

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
March 7, 2022
in Balita, National / Metro
0
DOH: Unang local case ng Lambda variant, 35-anyos na buntis
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng kabuuang 6,297 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Marso 1 hanggang 7.

Ang datos ay inilabas ng DOH nitong Lunes ng hapon, kung kailan sinimulan na rin ang paglalabas na lamang ng ahensiya ng weekly COVID-19 updates o tuwing Lunes na lamang na paglalabas ng update, kumpara sa dating arawang case bulletin.

Batay sa weekly update ng DOH, nabatid na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 899.

Mas mababa naman ito ng 30% kung ikukumpara sa mga naitalang kaso noong nakaraang linggo o mula Pebrero 22 hanggang 28.

Sa mga bagong kaso na ito,  tatlo ang severe at critical.

Sa kabuuan, may 1,055 kaso ng severe at critical COVID- 19 cases ang naka-admit sa ospital.

May 615 namang naitalang bagong nasawi nitong nakaraang linggo.

Pero sa bilang na ito, 39 lang ang nangyari ngayong Marso, ang iba ay noong nakaraang buwan at nakalipas na taon pa.

Samantala, iniulat rin ng DOH na sa 3,138 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 807 (25.7%) ang okupado.

Nasa 18.4% naman ng 24,678 non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit.

“Higit sa 63 milyong indibidwal o 70.76% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 10.5 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.4 milyong senior citizens o 74.22% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series,” ulat pa ng DOH.

“Mula Marso 1 hanggang Marso 7, 2022, 6,297 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 899, mas mababa ng 30% kung ikukumpara sa mga kaso noong February 22 to 28. Sa mga bagong kaso, 3 o 0.05% ng mga bagong kaso ang kasalukuyang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 615 na pumanaw,” anito pa.

Patuloy namang pinapaalalahanan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

“Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1,” anito pa.

Paalala ng DOH, laging magsuot ng best-fitted facemask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. 

Sa oras na makaramdam ng sintomas, dapat rin umanong kaagad na mag-isolate.

Upang magkaroon naman ng dagdag na proteksyon laban sa banta ng COVID-19, pinayuhan rin ng DOH ang publiko na kaagad na magpabakuna at magpaturok ng booster shots. 

Tags: covid-19 update
Previous Post

KILALANIN: Sino nga ba si Maria Kutsinta na kinagigiliwan ngayon sa social media?

Next Post

Kris, banas daw kapag may red emoji sa socmed niya: ‘May sakit ka na nga napaka-bitter mo pa rin…’

Next Post
Kris, banas daw kapag may red emoji sa socmed niya: ‘May sakit ka na nga napaka-bitter mo pa rin…’

Kris, banas daw kapag may red emoji sa socmed niya: 'May sakit ka na nga napaka-bitter mo pa rin...'

Broom Broom Balita

  • Huling kanta ni Emman Nimedez na ‘Simula,’ nagpaluha sa fans
  • Panloloko ng isang lalaki sa nobya nito, inanunsyo sa full-page ad ng isang dyaryo
  • BSKE, nakatakdang ganapin sa Disyembre 2023 matapos kanselahin ngayong taon
  • PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker
  • Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’
Huling kanta ni Emman Nimedez na ‘Simula,’ nagpaluha sa fans

Huling kanta ni Emman Nimedez na ‘Simula,’ nagpaluha sa fans

August 17, 2022
Panloloko ng isang lalaki sa nobya nito, inanunsyo sa full-page ad ng isang dyaryo

Panloloko ng isang lalaki sa nobya nito, inanunsyo sa full-page ad ng isang dyaryo

August 17, 2022
Comelec, nangako: Magiging mas transparent sa paghahanda para sa eleksyon

BSKE, nakatakdang ganapin sa Disyembre 2023 matapos kanselahin ngayong taon

August 16, 2022
PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker

PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker

August 16, 2022
Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’

Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’

August 16, 2022
Alegasyon ng pag-abuso sa PHSA, iimbestigahan ng DepEd at NBI

Displaced students ng CDSL, tutulungan ng DepEd na makahanap ng lilipatang paaralan

August 16, 2022
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Driver ng jeepney, naidlip habang nagmamaneho; 4 na sasakyan, inararo!

August 16, 2022
Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

August 16, 2022
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

Pagpapalawig sa enrollment period, hindi pa natatalakay ng DepEd; Enrollees, higit 21.2M na

August 16, 2022
Heaven, sumisid sa dagat: ‘I can see now why freediving is addictive’

Heaven, sumisid sa dagat: ‘I can see now why freediving is addictive’

August 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.