• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Lolit, Cristy, ‘mabubuwag’ na: ‘Ibang journey na ang gusto ni Cristy…’

Richard de Leon by Richard de Leon
March 6, 2022
in Showbiz atbp.
0
Lolit, Cristy, ‘mabubuwag’ na: ‘Ibang journey na ang gusto ni Cristy…’

Cristy Fermin, Lolit Solis, at Mr. Fu (Larawan mula sa IG/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ayon mismo kay showbiz columnist Lolit Solis, ‘mabubuwag’ na raw ang trio nila nina Cristy Fermin at Mr. Fu sa kanilang online showbiz show dahil may ‘pupuntahan daw na mas masayang lugar’ si Cristy.

Hindi na raw masaya si Cristy sa ilang mga pangyayari, na hindi na binanggit pa ni Lolit, sa kaniyang Instagram post ngayong Marso 6, 2022.

Mr. Fu, Lolit Solis, at Cristy Fermin (Larawan mula sa IG)

“Ang ganda sana next week dahil ika-134 episode na ng TIPMMG, Salve. Three years, tapos sa 133 episodes tayo nag-ending dahil nga ibang journey na ang gusto ni Cristy dahil hindi na siya happy sa ilang pangyayari.”

Matibay na raw ang bonding nilang tatlo sa show, kaya medyo sad si Lolit na hindi na sila magkakasamang tatlo, bagama’t stay naman si Mr. Fu sa programa nila.

“Sayang nga na kung kelan kilala na namin mabuti ang bawat isa, at close ng matatawag ang bonding namin tatlo nila Mr. Fu, saka pa mahihinto ang samahan. Hindi mawawala iyon friendship, nawala lang iyon pagkikita kita tuwing Martes 12/1 sa Obra ni Nanay Gallery na parang ikadalawang bahay na natin.”

“Sad na iyon nakagawian mo na 3 years bigla mapuputol, pero sure ako lahat tayo makaka-feel ng melancholia. Sana nga ito na lang ang pandemic na daraanan ng journey natin, dahil maganda naman paghihiwalay. Ngayon nga na Sunday, minamadali ko na ang araw para maging Martes na, dahil sa excitement na magkikita-kita ang Team Take it.”

“Hay naku, talagang sad ako, paano na ang mga followers natin nasa abroad, iyon mga naging friends narin natin dahil sa Take it, huh huh huh, buti na lang at blessed Sunday, daanin ko na lang sa dasal para mawala sadness ko. ❤️??#classiclolita #takeitperminutemeganun,” aniya.

Samantala, hindi naman nabanggit ni Lolit kung ano ba ang journey na tinutukoy niya na nais tahakin ni Cristy. Ito ba ay ibang proyekto, o literal na aalis na siya ng Pilipinas at maninirahan na sa ibang bansa? Wala pang sey ang showbiz columnist tungkol dito.

Isa pang tanong, paano na ang kaniyang radio program na ‘Cristy Ferminute’ kasama si Romel Chika na tambayan ng mga ‘Marites’ para makasagap ng mga showbiz ganap?

Sa kasalukuyan, itinuturing sina Cristy at Lolit bilang mga ‘haligi’ at ‘reyna’ ng mga showbiz chikas kaya nalulungkot ang mga tagahanga nila kung bibitiw na sila sa kani-kanilang mga ginagawa.

Samantala, abangers na ang madlang pipol sa pagkaklaro ni Cristy tungkol dito.

Tags: Cristy FerminLolit Solismr. fu
Previous Post

Hakot daw? VP spox sa Kakampinks: ‘Wag kayong magsawa sa people’s campaign’

Next Post

‘Ginulat niyo kami!’: Robredo, nagpasalamat sa natanggap na suporta mula sa mga Bulakenyo

Next Post
‘Ginulat niyo kami!’: Robredo, nagpasalamat sa natanggap na suporta mula sa mga Bulakenyo

‘Ginulat niyo kami!’: Robredo, nagpasalamat sa natanggap na suporta mula sa mga Bulakenyo

Broom Broom Balita

  • Mayor Honey sa kanyang ama at kay Isko: “Promise, I will make you very proud of me.”
  • Mariel, nagpakita ng suporta kay Toni: ‘June 30 is your victory as well!’
  • Hillary Clinton, nagsalita tungkol sa pagpapasara sa Rappler
  • Libreng sakay at libreng antigen testing sa MRT-3, hanggang ngayong Huwebes na lang– DOTr
  • Jerry Gracio kina Martin, Jed: ‘Why sing praises to the man who calls your company kawatan?’
Mayor Honey sa kanyang ama at kay Isko: “Promise, I will make you very proud of me.”

Mayor Honey sa kanyang ama at kay Isko: “Promise, I will make you very proud of me.”

June 30, 2022
Mariel, nagpakita ng suporta kay Toni: ‘June 30 is your victory as well!’

Mariel, nagpakita ng suporta kay Toni: ‘June 30 is your victory as well!’

June 30, 2022
Hillary Clinton, nagsalita tungkol sa pagpapasara sa Rappler

Hillary Clinton, nagsalita tungkol sa pagpapasara sa Rappler

June 30, 2022
50 sa 72 bagon, na-overhaul na ng MRT-3

Libreng sakay at libreng antigen testing sa MRT-3, hanggang ngayong Huwebes na lang– DOTr

June 30, 2022
Jerry Gracio kina Martin, Jed: ‘Why sing praises to the man who calls your company kawatan?’

Jerry Gracio kina Martin, Jed: ‘Why sing praises to the man who calls your company kawatan?’

June 30, 2022
‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong

‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong

June 30, 2022
Kris, mga anak na sina Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19

Kris, mga anak na sina Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19

June 30, 2022
PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

June 30, 2022
Diokno gustong makipagdebate kay Duterte, iba pang Senate bets

Chel Diokno kay Robredo: ‘Thank you for your six years of invaluable and incorruptible service’

June 30, 2022
Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

June 30, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.