• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Church members ng wanted na si Quiboloy, nagsampa ng cyber libel suits vs Rappler

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
March 4, 2022
in National / Metro
0
Church members ng wanted na si Quiboloy, nagsampa ng cyber libel suits vs Rappler

Rappler (kaliwa)/Pastor Apollo Quiboloy (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kasunod ng isang serye ng investigative reports na umano’y umatake at sumira sa reputasyon ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KJOC), inihabla ngayon ng ilang kasapi ng kanyang simbahan ang online news organization na Rappler at ilang mamamahayag nito.

Sinampahan ng reklamong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang Rappler Incorporated, ilang mamamahayag nito at apat na nakapanayam para sa naturang isang investigative series na naglantad sa umano’y pang-aabuso ng church leader sa naratibo ng sariling mga kasapi nito.

Tila may kaugnayan naman kay Quiboloy ang nagsama ng mga kaso na sina KOJC coordinators Audrey Madrid Pelera, Rose Gorgoio Corda at KOJC ministers na sina Fahad Murphy Ocampo Sangkkula at Elias Quinlog Bolanio Jr.

Si Rappler Regional head journalist Inday Espina-Varona, Mindanao bureau coordinator Herbie Gomez at dating researcher na si Vernise Tantuco ang natukoy na respondents ng cyber libel complaints na magkakahiwalay na isinampa noong Enero at Pebrero ngayong taon.

Hindi rin nakaligtas sa reklamo ang mga nagsalaysay sa Rappler at dating mga kasapi nitong sina Arlene Caminong-Stone, Faith Killion, Reynita Fernandez gayundin si Ateneo de Manila University faculty member at sociologist na si Jayeel Cornelio na nagbahagi ng kanyang pananaw sa isang panayam sa Rappler.

Alegasyon ng kampo ni Quiboloy, isang pag-atake, at pagsira sa pangalan ng kanilang church leader ang mga nilabas na istorya ng Rappler mula noong Disyembre 2021 kasunod ng indictment ng church leader sa US District Court for the Central District of California sa patong-patong na reklamo ng walong dating kasapi ng simbahan.

Naharap sa mga kasong sex trafficking, fraud at coercion si Quiboloy dahilan para ibalandra rin siya bilang “most wanted” Federal Bureau of Investigation sa kanilang website.

Basahin: ‘Most Wanted’ poster ni Quiboloy, nakabalandra sa FBI website – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna namang itinanggi ng kampo ni Quiboloy ang mabibigat na alegasyon.

Tags: Kingdom of Jesus Christ (KJOC)Pastor Apollo Quiboloy
Previous Post

Magsasaka, mangingisda, bibigyan din ng fuel subsidy — DA

Next Post

DOH, may paalala: ‘Vape is harmful, not pa-cool!’

Next Post
DOH, may paalala: ‘Vape is harmful, not pa-cool!’

DOH, may paalala: 'Vape is harmful, not pa-cool!'

Broom Broom Balita

  • WALA PA RIN! Jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, papalo na sa ₱335M sa Monday draw
  • Chinese, nahuli sa ₱272M shabu sa QC
  • Voter registration, magsisimula ulit sa Hulyo 4 — Comelec
  • Skusta Clee, nagsisisi sa ginawa kay Zeinab Harake kahit ‘mukhang hindi’
  • Rider, patay; siklista, sugatan sa banggaan sa Rizal
Bentahan ng lotto tickets at iba pang PCSO digit games sa MM, suspendido na simula ngayong Biyernes dahil sa ECQ

WALA PA RIN! Jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, papalo na sa ₱335M sa Monday draw

July 3, 2022
Chinese, nahuli sa ₱272M shabu sa QC

Chinese, nahuli sa ₱272M shabu sa QC

July 3, 2022
Voter registration, magsisimula ulit sa Hulyo 4 — Comelec

Voter registration, magsisimula ulit sa Hulyo 4 — Comelec

July 3, 2022
Skusta Clee, nagsisisi sa ginawa kay Zeinab Harake kahit ‘mukhang hindi’

Skusta Clee, nagsisisi sa ginawa kay Zeinab Harake kahit ‘mukhang hindi’

July 3, 2022
Motorsiklo at owner-type jeep, nagkabanggaan: Rider, patay; 3 pa, sugatan

Rider, patay; siklista, sugatan sa banggaan sa Rizal

July 3, 2022
Sen. Imee, ipinagtanggol si PBBM sa pag-veto nito sa panukalang batas ukol sa Bulacan Airport

Sen. Imee, ipinagtanggol si PBBM sa pag-veto nito sa panukalang batas ukol sa Bulacan Airport

July 3, 2022
Pinoy pole vaulter EJ Obiena, naka-gold sa Jump and Fly sa Germany

Pinoy pole vaulter EJ Obiena, naka-gold sa Jump and Fly sa Germany

July 3, 2022
Love wins! Alimodian vice mayor, flinex pagdiriwang ng monthsary nila ng jowa

Love wins! Alimodian vice mayor, flinex pagdiriwang ng monthsary nila ng jowa

July 3, 2022
Xian Gaza kay Ella Cruz: ‘Let me educate you sa pagkakaiba ng HISTORY, TSISMIS at HISTORICAL REVISIONISM’

Xian Gaza kay Ella Cruz: ‘Let me educate you sa pagkakaiba ng HISTORY, TSISMIS at HISTORICAL REVISIONISM’

July 3, 2022
Darryl Yap, rumesbak para kay Ella Cruz; bashers, gagawin daw lahat para mahawaan ng relevance

Darryl Yap, rumesbak para kay Ella Cruz; bashers, gagawin daw lahat para mahawaan ng relevance

July 3, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.