• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

AJ, OA daw ang bashers: ‘Sobrang cool lang kami ni Aljur, pag official na, updated ka’

Richard de Leon by Richard de Leon
March 2, 2022
in Showbiz atbp.
0
AJ, OA daw ang bashers: ‘Sobrang cool lang kami ni Aljur, pag official na, updated ka’

Aljur Abrenica at AJ Raval (Screengrab mula sa IG/Balita Online)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Game na sinagot ni AJ Raval ang mga karaniwang tanong sa kaniya ng mga netizen, sa pamamagitan ng isang video clips na ibinahagi niya sa social media.

Ang unang tanong sa kaniya ng isang netizen, ‘Paano n’yo po nagagawa i-handle mga bashers, you look good at it po.”

Tugon ni AJ, “Nakakatawa sila! Sobrang funny nila, hindi ko alam, merong part sa akin na nagbabasa ako ng mga hate comments, natatawa ako, yung ‘Bakit, bakit galit na galit kayo sa akin, nakapatay ba ako ng tao, ang o-OA ninyo.”

Screengrab mula sa IG/AJ Raval

Sa tanong naman na ‘Kayo ba ni Aljur?’, sagot niya ay “Teh, sobrang cool lang namin ni Aljur when it comes sa mga situations namin, mga priorities and problem na dapat unahin.”

Pero may hirit pa siya sa ‘Marites’.

“Huwag kang mag-alala, pag official na, updated ka.”

Screengrab mula sa IG/AJ Raval

Matatandaang noong Pebrero 14 ay naging usap-usapan na naman sina Aljur at AJ matapos silang maispatang magkasama sa sang hotel sa Leyte.

Agad namang nagpaliwanag si Aljur at sinabi niyang kumalin, nagbihis, at nag-freshen up lamang sila ni AJ, na kasama niya sa isang raket. Nabigyan lamang umano ng malisya ang litrato dahil nga magkasama sila in one frame at nagkataon pang Valentine’s Day iyon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/17/aljur-nagpaliwanag-kumain-at-nagbihis-lang-sila-ni-aj-sa-hotel-to-freshen-up/

Nagbahagi rin si AJ sa kaniyang Facebook account ng mga litrato nila ni Aljur sa isang event ng kooperatiba sa Leyte, upang patotohanan ang claim ni Aljur.

Pinag-usapan din ng mga netizen ang pag-like umano ng estranged wife ni Aljur na si Kylie Padilla sa video na ibinahagi ni AJ sa kaniyang Instagram account.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/21/kylie-ni-like-ang-video-aj-at-aljur-super-sweet-habang-nasa-beach/

Sa uploaded video clip, makikitang isang babae ang binitbit paitaas at umangkas sa kanang balikat ng isang lalaking hubad-baro habang sila ay nasa beach. Bagama’t walang caption at hindi tukoy kung sino-sino ba ang mga ito, ipinagpalagay ng mga netizen na ito ay sina Aljur at AJ mismo. Wala kasing face reveal at isa pa, naka-black and white ito.

Tumindi pa ang haka-haka na sila ni Aljur ang magkasama sa beach dahil sa February 12 IG post ni AJ kung saan makikitang nakasuot siya ng blue dress habang nasa beach.

Kylie, ni-like ang video; AJ at Aljur, super sweet habang nasa beach?
Kylie Padilla, Aljur Abrenica, at AJ Raval (Larawan mula sa IG/Balita Online)

Hindi nakalagpas sa mapanuring mga mata ng mga ‘Marites’ ang pag-like umano ni Kylie sa video na ito. Matatandaang sinabi na ni Kylie noong 2021, sa kasagsagan ng hiwalayan nila ni Aljur, na malaya na ang dating mister na makipag-date kahit kanino, at hindi rin si AJ ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Tags: AJ Ravalaljur abrenica
Previous Post

Ano-ano ang mga pre-loved designer items na ibinenta ni Jinkee Pacquiao at magkano ang presyo nito?

Next Post

Vaccination, ‘di required sa mga lalahok sa F2F classes — DepEd

Next Post
Vaccination, ‘di required sa mga lalahok sa F2F classes — DepEd

Vaccination, 'di required sa mga lalahok sa F2F classes -- DepEd

Broom Broom Balita

  • PBBM sa pagtanggi ng ICC sa apela ng PH hinggil sa drug war: ‘We are disengaging’
  • Pari na suspek sa umano’y panggagahasa ng choir member sa simbahan, timbog
  • PCSO lotto draw ngayong Martes, mailap sa suwerte, bokya sa jackpot ang mananaya
  • Miyembro ng isang gang, nasamsaman ₱680K halaga ng ‘shabu’ sa Angeles City
  • Bulkang Anak Krakatoa sa Indonesia, sumabog, nagluwa ng malaking tore ng abo
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.